Chapter 41

260 5 0
                                    

Halos nagsimula ang mga activities doon. Hindi ko naman nakikita si Huxley sa area namin. May mga kinakausap siyang ibang business tycoons rin. Na sa kanya na talaga ang kompanya ng Lolo niya. Hawak hawak niya na talaga. At sana 'wag niyang bitawan iyon.

Ng kumain na ay dumiretso naman kami doon sa mga nahanda na. Hihilain ko na sang ang upuan sa gitna nila Vina at Clarence ng pigilan ako ni Nancy.

"Ano na naman?" Taas kilay kong tanong. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Eh kasi Ma'am... Ano eh... May iba kayong pagkain na si Sir naghanda." Sabi nito.

"Papa serve ko na---"

"Kakainin ko iyon kung si Huxley mismo nag serve sa akin. Pero within..." Tiningnan ko naman ang wrist watch ko."Kapag 5 minutes na wala pa iyon dito, ikaw na lang kumain nun Nancy." Sabi ko at umupo doon.

"Gusto ko man kainin iyon Ma'am kaso ayaw kong mapatalsik sa trabaho ko. Sige Ma'am hahanapin ko muna si Sir para siya mag serve sa'yo." Masasapak ko na talaga si Huxley mamaya! 

Nagkwentohan kaming tatlo ni Clarence at Vina ng dumating si Huxley. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinatayo ako doon.

"Ano ba?"

"Doon ka kumain sa tabi ko." Sabi nito at hinila ako.

Hindi ko naman siya pinapansin habang kumain. Ganoon rin naman siya hindi siya nagsasalita. Saan naman kaya siya nanggaling? Siguro andito si Kat?

Nag buntong hininga naman siya at pinaharap ako sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Thinking of Kat really kills my vibes.

"Wag ka na ngang masyadong dikit na dikit kay Clarence!" Naiirita nitong sabi at tumayo.

Ano daw?

***

Ng natapos ang activity namin ay pumasok kami sa loob ng hotel. Kinaladkad ako kanina ni Huxley papunta sa suite niya dito, nakailang tanggap naman siya ng hampas at batok sa akin.

I pressed the code at nakapasok ako. Tumambad naman sa akin ang Huxley na naka topless doon.

"Ah. Uhmm... Ano..." Parang tanga kong sabi.

He smirked. "Come on baby, this ain't the first time you see this." Sabi nito. Ng dahil sa sinabi niya ay parang nabuhay na naman ang inis ko. Binato ko na naman siya ng tsinelas na suot suot ko.

"KAHIT KAILAN KA TALAGA HUXLEY!!" Nangigigil kong sigaw. Tawa naman siya ng tawa kaya dinaganan ko siya at sinabunotan at hinampas hampas.

Tawa naman siya ng tawa.

"Nakakainis ka na Huxley!!!" Sabi ko at malakas siya sinabunutan. 

"Kae-Kaelyn? Are you okay?" Tanong nito sa akin sabay hawak sa kamay ko. Naramdaman ko naman ang luha sa pisnge ko.

Nyeta ba't ako umiiyak?

***

After that hindi na ako nagpahinga sa suite doon. Ewan ko basta nag lakad lakad na lang ako. Huxley tried to run after me but I stopped him.

"Ano ba nangyayari sa'yo Kaelyn." Bulong ko sa sarili ko. "Akala ko ba walang iyakan na?" Dagdag ko.

Kahit sarili ko pala ay hindi nagagawa ang mga pangako nito sa sarili.

I sighed and sat on the shore.

I remember the times that I was really reck..

"Kaelyn ano ba! Stop it!" Sigaw ni Ate Cassie sa akin.

"K. Tama na." Sabi rin ni Oli at pilit na kinukuha ang bote ng alak.

Simula nung iniwan ako ni Huxley last week ay ganito na ako gabi gabi. Kahit may pasok ay umiinom ako tuwing gabi. Pumupunta sa bar. I am so wrecked.

"Ba't ba kasi iniwan niya ako? May ano ba si Kat na wala ako!?" Naiiyak kong sigaw. Kinuha ko ulit ang bote ng alak at ininom iyon.

Hindi ba ako mawawalan ng luha? Hindi ba titigil ang sakit?

"Tangina. Ang sakit sakit na." Sabi ko at umiyak na naman doon. 

"Kaelyn..." They called me.

Masakit pala yung hindi ikaw ang pinili. Yung iniwan ka para sa iba. Yung lahat lahat ng tiwala ay binigay mo sa kanya pero in the end gigibain rin pala. Bakit ganito ang nangyari sa akin? Sa amin? Bakit si Kat?

And still ganoon pa rin ang nangyari sa mga nagdaan na mga gabi. Ganoon lang. Inom-iyak-inom-knock out-gumising-masasaktan-iiyak-inom. Walang patutunguhan.

"Ate Cassie!" Sanghap ng mga kaibigan ko ng sinampal ako ni Ate.

"Ano ba nangyayari sa'yo Kaelyn!? Isang buwan na! Isang buwan ka ng ganyan! Isang buwan ka ng iniwan ni Huxley! Isang buwan na ng umalis siya! Gumising ka!" Sigaw nito at inalog-alog ako. Nanatiling tumulo ang mga luha ko.

"Kaelyn! You are losing yourself!" Dagdag niya.

I cried hard. I remember Huxley's face. Our happy moments together and his promises. I remember all of them. Sa bawat halik niya, haplos at yakap niya. Naramdaman ko iyon.

"Kaelyn please. Stop it. You're already fucked up. Isang buwan na---"

"YUN NA NGA!" I burst out. "Isang buwan pero parang kahapon niya lang ako iniwan! Isang buwan na nga pero umaasa pa rin akong babalik siya! Isang buwan na nga pero hinihintay ko pa rin si Huxley na mag sorry sa akin! Kasi kahit isang buwan, dalawa, tatlo, o taon man kapag bumalik siya mapapatawad ko siya! Alam ko kahit anong laban ko sa sarili ko, pagmamahal ko pa rin ang mananaig!"

They were all silent. Walang nagsalita. 

My sister is right. I am so fucked up.

Pinunasan ko naman ang luha na tumulo sa mga mata ko ng naramdaman ko ang mga gabing iyon. Mga gabing tanga ako, mga gabing sirang-sira ako at ang mga gabing umasa ako.

"Kaelyn." I bit my lower lip.

"Umiiyak ako Huxley dahil naalala ko na naman ang araw na iniwan mo ako. Okay na? So pwede ba layuan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa." Sabi ko.

Hindi naman siya sumagot. Hindi ko naman siya hinarap sa likod. Nanatili lang akong nakaupo doon at tinitingnan ang palubog na araw.

Ganyan ang nararamdaman ko kay Huxley. Sisikat tapos lulubog, pero kinabukas sisikat ulit. Bakit ganito? Bakit sobrang mahal ko siya kahit iba ang pinili niya?

It may seem like I'm a sarcastic bitch 24/7, but I'm actually only a sarcastic bitch 18/7 because at night I actually have feelings.

"K..."

"Ba't hindi ka umalis Huxley? Diyan ka naman magaling.... ang mang iwan." Sabi ko. I sound sarcastic yes but hell! That was true.

"Baby, let's talk about what happened." Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa likod ko. Hindi ako nakalagaw. Nabigla ako, parang napako ako sa kinauupuan ko.

After 2 fucking years, I am home now in his arms but this is different. Kapag andito ako noon sobrang buo ako, pero ngayon kulang ako.

I guess my worst enemy here is my memory.

Broken HeartsWhere stories live. Discover now