Chapter 8

46 4 0
                                    

Yhanie's PoV

Sa bawat pagbaba ko sa hagdan nakatingin lang ako kay Nalu habang tuwang tuwa siya na para bang bata. He's my Peter Pan in my own Neverland. At dahil sa kakatingin ko sa kanya, isang epic fail ang naganap. I tripped myself...letse! As in natapilok ako, but that failure turned out to be a great success, bago ko pa man tuluyang halikan yung sahig ay nasalo na muna ako ni Nalu. Our eyes met at the longest time ever, hindi ko alam kung nakailang lunok ba ako ng laway ko. Basta ang alam ko matagal kami sa posisyong 'yon at tatagal pa sana 'yon kung di lang sumingit si Nang sa eksena at bigla akong binuhat galing kay Nalu...hayyyy ang bitter talaga ni Nang kahit kalian, palibhasa di lang siya kayang saluhin ng ganon ni Mang Ban eh.tsk.tsk..

Nalu's PoV

May pagkalampa pala si Miss Belle, pero mabait naman. Okay na 'yon kesa naman malakas pero sadista naman. Sa tingin ko magkakasundo kami ni Miss Belle ^_^

Matapos siyang buhatin 'nong beast, este nanay pala ni Miss Belle ay tinungo na namin ang dining area. Pero pansin ko lang ang sama ng tingin sa'kin ng nanay niya, kaya nagpapakatino ako sa tuwing titingin siya takot ko lang umuwi ng kulang kulang =_= Ano kaya ang naging buhay ng tatay ni Miss Belle...aisshh..bakit ko ba naisip 'yon bigla tuloy akong kinilabutan.

Pagtingin ko sa hapag kainan...Wooaaahh! Pyesta ba lagi dito? Siguro kung wala lang ang Nanay dito ni Miss Belle, aaraw-arawin ko na ang pagpunta dito. Marami na akong mahihiram, marami pang pagkain. Bigla kong naramdaman ang pagkagutom kaya naman agad ko ng sinugod 'yon at sinimulang kainin. Mmm! Grabe ang sarap! Pansin ko lang habang kumakain ako nakatingin lang sa akin si Miss Belle, malamang napopogian nanaman siya sa'kin. Siguro crush niya 'ko.

Yhanie's PoV

Pagkatapos akong buhatin ni Nang ay iniupo niya na ako sa dining area. Halata naman kay Nalu ang pagpipigil ng tawa lalo na pag tinitignan siya ni Nang, nagpapakabehave siya. Pero di na niya napigilan pa ang paglapad ng ngiti niya nang makita ang pagkain sa lamesa.

"Woah!" wala pang ilang Segundo nang sabihin niya 'yon ay sinimulan na niyang lamunin, he really did lamon the food. Habang kumakain siya I was left in awe habang unti-unting kinakain yung lasagna sa plato ko. Feeling ko nanonood ako sa pelikula at si Nalu ang bida, kulang na lang maging popcorn 'tong kinakain ko. Kaso nung makalahatian na niya 'yong pagkain bigla siyang tumigil.

"Ah... pasensya na... hehe.. 'di na kita nayayang kumain. Eto oh" hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa sinabi niya, pero ang mahalaga sobrang saya ko na. Hindi ko lang siya kaharap ngayon,kinakausap niya pa ako at binigyan niya pa ako ng pagkain...Waaaaahhh! Sa tingin ko kailangan ko ng bumili ng bagong treasure box. Baka di na kasi magkasya mamaya yong mga ilalagay ko.. Kyaaaahhh! I'm truly blessed akala ko noon kagandahan lang ang pinagpala sa'kin hindi pala.

Natapos na ni Nalu kainin ang mga hinandang pagkain ni Nang, at kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Nang. Ano ka ngayon Nang... ha! This is why he's just so cool and handsome, ni hindi man lang lumaki ng bongga ang tiyan niya sa kinain niya. Walang pagbabago, hot at ang gwapo pa din niya.

"Uhmm... Miss Belle?" bigla akong natauhan sa sinabi niya.

"Hmmm?" sheeemmsss di ako prepared sumagot sa kanya. Feeling ko nanghihina ang mga tuhod ko. Juskolord!

"Ano..."sabay turo niya don sa pagkain na nasa plato ko.

"Kakainin mo pa ba yan ?" nagets ko naman ang ibig niyang sabihin kaya naman umiling iling na ako at itinulak yung plato ko papunta sa harapan niya.

"Thank you Belle" sabay ngiti niya sa'kin bago niya tuluyang ubusin 'yon. Sheeemmms! We even shared our food, kunting kunti nas lang hihimatayin na talaga ako sa kilig overload ngayon.

OPERATION: Steal Nalu Elie's Heart ( A Morthon University FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon