Venice

2K 64 22
                                    

Venice' POV

"Nakakainis talaga! Naiinis talaga ako! Gusto kong pumatay!" wika ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang aking buhok.

"Ano na naman ang problema mo, Venice?" tanong ng isang boses sa aking likuran.

"Ikaw pala, Payra. Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" maangas kong tanong sa kaniya.

"Aba! Aba! Who the hell I am? Of course, I am your buddy, Venice. Bata pa lamang tayo rito sa Acropolis, Greece ay magkadikit na ating mga bituka. Then you are asking why am I here?" galit niyang sagot sa akin.

"Ok, fine. Naiinis lang kasi ako kina Mommy at Daddy. Ayaw akong payagan pumunta sa templo sa Athens. Gustong-gusto ko pa naman ang lugar na iyon," sabi ko.

"Your parents are right, Venice. Hindi ka puwedeng pumunta roon," wika niya na parang may inililihim sa akin.

"May alam ka bang rason kung bakit hindi ako puwedeng pumunta roon?" naka-arko ang kilay kong tanong sa kaniya. Tumayo ako at nilapitan siya habang nagliligpit ng mga kalat sa aking kuwarto.

"Hoy, tinatanong kita, Payra!" singhal ko. Napabuntong-hininga siya at tinitigan ako nang matalim.

"Simple lang, Venice. Kapag pumunta ka roon, pagkakaguluhan ka. Bakit? Dahil alindog at kagandahan mo," kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" I ask.

"Kung hindi mo pa rin ma-gets, humarap ka sa salamin. Ito salamin. Anong nakikita mo?" at tinapat niya talaga ang salaming makikita ang buo kong mukha at katawan. Pero hindi ko alam kung anong kinalaman ng katawan ko sa sagot na hinihingi ko sa kaniya. Napa-roll na lamang siya ng kaniyang eyeballs then huminga ulit nang malalim bago magsalita.

"My ghad! Venice, hindi mo pa rin ma-gets? Pagkakaguluhan ka roon dahil sa tangkad mong 5'9, mala-porselana mong kutis, mukha mong mala-diyosa, buhok mong itim na itim ang kulay at mga mata mong nangungusap. In short, mukha kang Diyosa sa Greek mythology. Kung hindi lang kita kaibigan, aakalain kong si Athena ka na bumaba sa langit at namuhay dito sa lupa. In short, mukha kang artista at pagkakaguluhan ka talaga roon!" matapos siya magsalita ay tumalikod na ito at lumabas ng aking kuwarto.

Nanatili naman akong tulala at muling tumingin sa salamin. Ganito na ba ako kaganda upang pagkaguluhan? Parang hindi ako satisfied sa sinabi ni Payra. Hindi puwede! I longed to see that Greek temple. Kaya walang makakapigil sa akin na pumunta roon. Maaga pa naman kaya pupunta ako roon. Walang makakapigil sa akin!

At agad akong nagbihis. I even choose to wear the simpliest dress I found in my wardrobe. Skinny fitted black jeans with white plain tee shirt then sinuot ko na rin ang black denim hoodie jacket ko at ang black rubber shoes. Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan ng aking kuwarto upang lumabas.

"Saan ka pupunta?" nagulat ako nang may magsalita. Si Payra. Kainis talagang babaeng ito kahit kailan.

"A, e..." sabi ko na lang.

"Hay naku! Matigas din talaga ang ulo mo no? Kung hindi mo lang ako fan, hindi kita papayagan! Tara na samahan kita. Ako na maghahatid sa iyo pero kailangang makabalik tayo bago sumapit ang dilim. Okay?" nakangiti ito sa akin. Minsan may pagkasaltik din itong si Payra. Moody pa. At okay na rin na pumayag siya at least may kasama akong gumala.

Ilang oras din ang biniyahe namin bago narating ang baba ng templo. Kailangan na naming maglakad sa mga steps nito upang marating ang templo. Ang taas pala at nakakahingal pero hindi bale nandito na ako kaya wala nang atrasan ito. Ako si Venice at hindi ako umaatras sa laban. Napatawa na lamang ako ng bahagya sa tinuran ko sa sarili ko.

"Welcome to the home of the Gods, Venice!" With arms wide open akong win-elcome ni Payra na hindi halatang napagod sa pag-akyat. Samantalang ako ay hingal na hingal pero hindi ako nagpahalata. Napahawak muna ako sa aking mga tuhod at huminga. Then, I stand and stretch my whole body. Tumambad sa aking harapan ang ganda ng lugar. Sa baba makikita mo ang mga bahay na gawa sa bato habang nakatingin ang mga ito sa karagatan. Muli kong sinuyod ang aking tingin at nakita ang templo ng mga Greeks. Sa wakas, narating ko rin ang templong ito.

Hindi ko na nakita si Payra dahil parang nawala na yata siya paningin ko. Hindi na mahalaga kung saan siya napunta. Kaya naman ako ay naglakad-lakad at dahil dala ko ang digicam ko ay hindi puwedeng hindi ako kumuha ng mga litrato. Mula sa malalaking gusali at mga batong durog ay hindi ko pinalampas. Maging ang karagatang kulay asul ay kinunan ko rin at ang mga bahay sa baba. Abot-langit talaga ang ngiti ko.

Pumasok ako sa templo at umupo sa baitang na kulay puting gawa sa bato. Mabuti na lamang at kaunti lang ang tao rito. Chin-eck ko ang camera ko at isa-isang tiningnan ang mga kuha ko pero bago ko pa man tingnan iyon bigla na lamang akong nakarinig ng isang tinig.

"Kumusta ka na, Venice. Ang ganda mo. Dalagang-dalaga ka na." agad akong lumingon pero wala naman akong makita.

Ramdam ko lang na parang may hanging dumaan sa harapan ko. Binalewala ko na lamang iyon at ngiting-ngiti akong tinitingnan ang mga kuha kong litrato.

"Napakaganda ng mga kuha mo, Venice. Iyan na ba ang pinagkakaabalahan mo ngayon?" muli na namang may nagsalita pero nang iangat ko ang aking mukha at suyurin ang paligid ko, wala naman akong makita.

Mahiwaga marahil ang lugar na ito. Kaya pati ako ay nakakarinig ng mga kakaibang tinig. Sino kaya iyon? At bakit ako nakakarinig ng ganoon? Hay! Napailing na lamang ako at inayos ang aking digicam. Tumayo na ako at agad na naglakad-lakad hanggang sa makita ko ang kinaroroonan ni Payra. Tatawagin ko na sana siya nang may naramdaman akong kakaibang hangin na yumakap sa akin. Hindi nakakatakot ang hanging ito kaya naman ay pansamantala akong pumikit at sinamyo ang nakakapreskong hanging ito.

"Hindi pa ito ang tamang panahon upang ako ay magpakita sa iyo, Venice. Kagaya ni Zia, napakaganda mong dalaga. Magkahawig kayong dalawa. Namana mo nga lamang ang katigasan ng ulo sa iyong amang si Varona."

"VENICE!" agad akong dumilat at nakita ang naiinis na mukha ni Payra.

"Kanina pa ako tumatawag sa iyo! Tulala ka. Halika na, malapit ng gumabi. Uwi na tayo." sabi nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nawala na rin ang kakaibang hangin na yumakap sa akin kanina. Pakiramdam ko ay parang nakakagaan ang hanging iyon sa aking kalooban. Hawak-hawak ni Payra ang aking kamay at dire-diretso na kaming bumaba upang makauwi.

"Mahal kong Venice. Paalam sa iyo. Alam kong hindi magtatagal ay magtatagpo ang inyong mga landas ni Zia. At sa araw na magkita kayo, sana ay magawa kong kayo ay proteksiyonan. Mag-iingat ka, Venice."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Nawawalang PUSO ni ZIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon