Venice vs Bampirella

910 29 1
                                    

Venice' POV

Sinong mag-aakalang ang matalik kong kaibigan na si Payra ay makakasama ko sa pakikipaglaban? Maging si Si-Am na best friend naman ng aking kakambal ay hindi rin inasahan ang pagsulpot niya. Mukhang mapapalaban talaga kami ng husto.

"Well. Well. Well. Kayo pala ang mga asungot sa landas naming magaganda at guapo," wika ng mukhang kabayo.

"Well. Well. Well din. Para sabihin ko sa iyo, hindi ka maganda!" sabat ni Si-Am.

"I second the motion! Apir, best friend!" at umapir nga ang dalawa. Naging mag-best friend pa. Napailing na lamang ako sa dalawa.

"Tama na ang satsat! Pumunta kami rito upang paslangin ang mga sagabal at kayo iyon!" singit naman ng isang payatot na babae. Mukha siyang pusa at bampira ha?

"Kung iyan ang gusto ninyo ay ibibigay namin. Hindi ba sister?" umapir na naman ang dalawa. Hays! Nagawa pa nilang magpatawa sa ganitong sitwasyon ha? In fairness, mukhang close na close nga ang dalawa.

"Zia! Harapin mo si Kadio. Venice, ikaw naman kay Bampirella. Ako naman ang bahala kay Pedremon. Payra, sa taong paniki ka. At ikaw naman, Si-Am sa mga pitcher plants. Humanda!" Utos sa amin ni Ina.

Hindi na ako sumagot. Bagkus ay nagkanya-kanya na kami. Sinunod namin ang utos ni Ina. Ako laban kay Bampirella. Zia laban kay Kadio. Si Ina naman sa mukhang kabayong bakla habang ang dalawa ay sa taong paniki at pitcher plants. Nang ako ay naghahanda ng aking sarili ay napagmasdan ko muna ang aking kalaban. Maganda siya. Payat at bagay sa hubog ng kaniyang katawan. Pero ang mga mata nito ay mala-pusa at kapag ngumiti ay matatalim ang mga ngiping lumalabas.

"Nagagandahan ka ba sa akin? Matagal na akong maganda," at pasimpleng siyang tumaas sa harapan ko na ikinataas ko ng kilay.

"Mas maganda ako kaysa sa iyo!" sarkastiko kong sagot.

"Hay naku! Insecure ka pa sa beauty ko. Aminin mo na kasi na maganda ako. Hindi ba?" at isang nagbabagang pulang liwanag ang nakita kong lumabas sa kaniyang mata. Mabuti na lamang ay maagap ako at nakailag.

"Magaling! Mukhang may ibubuga ka nga. Bakit hindi ka muna magpalit ng anyo. Tingnan mo ang mga kasama mo. May custome silang bago. Ikaw na lang yata ang wala," napataas naman ang kilay ko at nilingon ko pansamantala ang sina Ina, Zia, Payra at Si-Am. Mulagat ako dahil totoo nga. Kaya naman ay ako naman ang gumawa ng paraan.

"Nevin, kapangyarihan ng apoy, ihanda ako sa labanang ito!"

Matapos sambitin ang pangalan ni Nevin ay nakaramdam ako ng init sa aking mga balat na tila napapaso pero tiniis ko iyon. Ito ang unang pagkakataon na mararanasan ko ang pagpapalit ng kasuotan ko. Unti-unting lumalabas ang mga apoy at agad na bumalot ito sa aking buong katawan. Napatingala pa ako sa kalangitan nang umabot ito sa aking leeg hanggang sa aking mga mata. Napapalibutan na ako ngayon ng kulay pulang usok na ilang sandali pa ay lalabas na ang bago kong kasuotan at hitsura.

"Ang tagal naman! Hindi bale. Uunahan na lang kitang mamatay!" At sunod-sunod ang paglabas na tila laser sa mga mata ni Bampirella at pinuntirya ako. Iyon nga lang ay hindi siya makalapit. Nang lumapit siyang muli ay parang bomba siyang tumilapon ilang metro lang ang distansya mula sa akin. Nasilaw pa siya nang ako ay mapagmasdan.

Kinapa-kapa ko ang aking kasuotan at napagtantong para lamang akong rarampa sa entablado. Isang matingkad na kulay pulang armor sa aking dibdib na gawa sa metal habang ang aking pang-ibabang kasuotan ay kulay pula rin na may dalawang maliliit na espada sa tagiliran at gawa rin ito sa metal. Sa aking ulo naman ay may parang koronang kulay pula at hugis bilog lamang ito na walang tulis habang ang aking leeg ay may nakasabit na kuwintas at nakalagay ang pangalan kong Venice. Tanging ang braso at paa ko lamang ang walang saplot pero isang kulay pulang pulseras ang nasa aking kaliwang kamay kung saan ay may lumalabas ng apoy.

"In fairness ha? Papatalbog ba ako? Bampirella, here we go!" mula sa isang maganda at petite na babae ay nagbago ang kaniyang anyo at ito ay naging isang kalahating tao at pusa na may buntot. Idagdag pa ang matutulis nitong ngipin nang ngumiti siya sa akin.

"Simulan ang laban!" Sigaw niya.

Agad niya akong sinugod gamit ang matutulis niyang ngipin. Panay naman ang ilag ko kaya hindi niya ako natatamaan. Ngunit ang hindi ko alam ay ang paghampas niya sa akin gamit ang kaniyang buntot na matulis. Dinaplisan ako sa kaliwang braso pero madali ko naman itong paghilumin. Kaya wala siyang masyadong epekto.

"Iyan lang ba ang kaya mo? Sige! Sugod pa!" Utos ko sa kaniya habang inihahanda ang susunod kong gagawin. Hahayaan kong paulanan niya ako ng kaniyang kakayahan, lakas at kapangyarihan dahil sa oras na mapagod siya ay ako naman ang susugod sa kaniya.

Talon dito. Talon doon. Kalmot dito. Kalmot doon. Hagupit dito. Hagupit doon. Nang mapansin niyang kalmado lang ako at panay ang iwas ay pinakawalan niya ang pulang laser mula sa kaniyang mata. Doon ko na inilabas ang aking apoy.

Nagsukatan kami ng kapangyarihan. Mata laban sa aking kanang palad na may apoy. Tirik na tirik at nanlilisik ang pagkakatitig niya sa akin habang panay ang labas ng laser mula dito. Nang muntikan na akong matalo ay ginawa kong dalawang palad na ang itapat sa kaniya at nagpalabas ng apoy.

Aaminin kong malakas siya pero malapit na siyang manghina. Kaya naman ay itinodo ko na ang kapangyarihan ko. Siya na ngayon ang napapaatras nang atras hanggang siya hindi na niya nakayanan ay bumitaw na siya at napaluhod sa buhanginan. Agad akong tumakbo sa kaniyang kinaroroonan at pinaulanan ng mag-asawang suntok. Ilag naman siya nang ilag. Hindi pa rin ako nakuntento ay isang flying kick naman ang ibinigay ko sa kaniya. Subalit, nahuli ako ng kaniyang buntot. Maagap kong itinapat ang aking kanang kamay at pinalabas ang apoy at pinatamaan ang kaniyang buntot.

"Tatapusin ko na ang labang ito, Bampirella!" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Gumawa na ako ng dalawang bola ng apoy at pinagdikit ang dalawa kong palad. Inihagis ko iyon sa kaniya at dumagundong ang pagsabog. Nang tingnan ko ang direksyon pinagsabugan ay hindi ko na makita ang kalaban ko.

Sa wakas! Panalo ako labang kay Bampirella.

Sa wakas! Panalo ako labang kay Bampirella

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ang Nawawalang PUSO ni ZIAWhere stories live. Discover now