CHAPTER 1: Too much for one day

1.7K 46 2
                                    

Kayin's Point of View

"Boooo!"
"Panget!"
"Umalis ka nga dito sa school namin!"
"Where trashy place are you came from?!"
"Ang pangit niya talaga, girl"
"Bitch!"

Ilan lang naman iyan sa araw-araw kong naririnig mula sa mga estudyanteng pinagpala ng kagandahan na wala ako. At kahit pa araw-araw kong naririnig sa kanila iyan, hindi pa rin ako nasasanay. Masakit pa rin, para akong nasa impyerno na hinuhusgahan dahil sa napakarami kong kasalanan, kahit na sa totoo lang, wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko naman kasalanang pinanganak akong panget, na hindi ako pasado sa standards nilang magaganda.

"Bitch!" Napatigil ako sa paglalakad ng may mga paang humarang sa daan. Tiningala ko ang mga ito at napagtantong grupo pala ito nina Jessy na isa sa mga pinakasikat at maganda sa school na pinapasukan ko.

Inayos ko ang malaking salamin ko habang nag-iiwas ng tingin sa kaniya.

"Di'ba I told you kahapon na I don't want to see your ugly face na? What are you doing here pa? Hindi ka bagay sa prestigeous school ko, so shoo away!" Sabi nito in her usual conyo tone at itinulak pa ang kanang balikat ko dahilan para malaglag ang mga librong yakap yakap ko.

Yumuko nalamang ako at nilimot ang mga gamit ko, ayoko ng gulo dahil hindi din naman ako lalaban. Wala akong laban sa kanila, wala akong laban sa mapanghusgang mundo.

"Are you deaf or talagang you're stupid lang?!" Iritableng tanong nito at sinipa pa palayo ang ibang gamit ko na nagkalat sa malamig na sahig. Mariin lamang akong napapikit dahil ayokong umiyak, ayokong mas maging kawawa sa paningin nilang lahat. Habang nagtatawanan sila sa nangyayari, ito ako gustong gusto ng maiyak. Ano bang kasalanan ko para ganitohin nila?

"Iiyak na yan!"
"Huwag ka iiyak, mas papanget ka HAHAHA!"

"Panget siya kasi siguro her mother and father are panget din, diba girls?" Nagcross-arms pa si Jessy at sabay-sabay silang nagtawanan. Doon na nagpantig ang tenga ko, laitin na nila ako kahit ilang beses nila gusto... Huwag lang ang mga magulang ko.

Akmang tatayo na ako para ipagtanggol ang mga magulang ko pero dumating si Liesell, ang bestfriend ko. Na sa kabila ng panget na itsura ko, tinanggap niya ako ng totoo at buo.

"Ikaw ang panget,Jessy! Panget na nga mukha no panget pa ugali mo. " Galit na sabi nito habang dinuduro pa si Jessy. Nagulat naman ang ekspresyon nito ngunit kalaunan ay ngumisi din ito.

"Oh, here na pala ang tagapag-save ng ating pambansang nerd, guys!" Sabi pa nito at tumingin sa lahat ng estudyante na para bang kinukumbinsi ito sa sinabi niya.

"Tanga, pang-school lang hindi pambansa! Bansa mo 'tong school ha?!" Pambabara ni Liesell dito. Napasinghap si Jessy sa sinabi nito.

"Excuse me? Did you just call me 'stupid'?" Inis na sabi nito habang nakaturo pa sa sarili. Tila ba nainsulto siya.

"Bobo, tanga ang tawag ko sa'yo huwag mo ng pasosyalin pa. Tsaka tigil-tigilan mo ko sa kaartihan mong babae ka!" Liesell snap her fingers nq parang tinatapatan ang kaartihan ni Jessy at mga alipores nito.

"How dare your filty mouth speak to me like that?! Me? The Queen bee of this school was being insulted by a peasant student like you?" Galit na sambit nito at kumuyom ang mga palad.

Rage Of A Nerdy GirlWhere stories live. Discover now