CHAPTER 2:

1.3K 46 1
                                    


Kayin's Point of View

Pagkatapos magpahinga ng ilang oras sa infirmary ay minabuti kong umattend nalang sa iba ko pang natitirang klase, sayang din ang points and attendance malay ko pa may recitation.

"Uy, Kay ba't nandito ka na? Ayos ka na ba? Hindi ka na ba kinikilig?" Panganagatchaw ni Lieselle at sinusundot-sundot pa ako sa tagiliran.

"Pinagsasasabi mo d'yan, Lie? Parang tanga 'to!" Natatawang sabi ko pa.

"Oh, line ng mga kinikilig yan e HAHHAHA ayiiieee!" Tuloy pa nito. Ang kulit lang talaga, alam na alam niya ako.

"Kanino siya kinikilig, Lie?" Napatalon nalamang ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Carvy sa gilid namin.

"A-ah..." Sabay at nauutal na sambit naming dalawa ni Lieselle.

"Hmm?" Nag-aantay na himig ni Carvy.

"Sir Gabriel!Malalagot na po talaga ako niyan kay sir Ariel!" Sigaw nung kaninang gwardya sa may pasilyo ng aming room habnag hinahabol ang humaharurot na motor ng demoyong Gabriel na iyon. Nakita ko nanaman siya? Kainis!

"I don't fucking care! HAHHAHA, chase me moron!" He mockingly said at mas binilisan pa ang pagmomotor, nagsilapitan tuloy sa may pinto at bintana ang mga kinikilig kong kaklase. Tsk! Walang nakakakilig sa gungong na yan, napakaspoiled.

"Kay Gabriel!" Biglang sambit ni Lie. Kunot noong tiningnan ko siya ng nagtatanong na tingin pero ang gaga kinindatan lang ako.

"Kay Gabriel siya kinikilig, Carv hehe... Matagal na daw kasi niyang crush si Gabriel!" Mabilis na sagot nito at kinukumbinsi sa mga mata nito si Carvy. Nakatitig parin ako kay Lie ng nanlalaking mata at napabalik sa ulirat.

"Lieselle!" Mariing tawag ko dito.Kinurot lang ako nito sa tagiliran na para bang sinasabing 'Makisabay ka nalang'

"Sorry, Kay kung nasabi ko yung secret mo!" Kunwari nalulungkot na sabi pa ni Lieselle.

"Carv hin—" Naputol ang sasabihin ko ng ngumiti ito ng malawak sa akin.

"Ayieeee! Ikaw ha, crush mo pala ang gagong si Gabriel, ayos yan basta crush lang ha, badboy kasi 'yan e. Alam mo namang ayaw kitang masasakatan diba? You're like a little sister to me, what are friends for kung hahayaan ko lang na saktan ka n'ya?" Nakangiting sabi nito at hinimas pa ako sa tuktok ng ulo ko.

Kung normal na pag-uusap lang to at hihimasin nya ako sa ulo, paniguradong kikiligin ako pero iba ito e, he addresses me as his little sister and as his bestfriend. Patunay na hanggang dun lang talaga ang tingin niya sa akin. Nothing more, nothing less.

Tipid na ngumiti nalang ako sa kaniya at naupo na sa tabi niya. Seatmate kasi kami, binase sa surname namin, ako Versosa siya Viscovar so nasa last row din kami.

Tumunog ang cellphone ko dahil may nagtext, and it was from Lieselle.

'Ouch pain'

That was her text, I glared at her from here to her position. Nag-peace sign lamang siya ang mouthed sorry.

Nagsimula na ang klase at iwinaksi nalamang ang mga bumabagabag sa akin.

Rage Of A Nerdy GirlWhere stories live. Discover now