Chapter 4:

6 1 0
                                    

Nasa Dining Hall kami ngayon. Kasama namin yung iba ring estudyante along with the rest of the school staffs. Mukhang routine or tradition na yata dito na sabay sabay kumain ang lahat.

Napalingon naman ako sa gawi ng mga professors don sa harapan. Nasa iisang mesa lang sila at nakaharap sila sa aming lahat. Mukhang nakaarranged sila according to their ranks dito sa school. Pero ang napansin ko lang bakit walang tao na nakaupo doon sa pinakagitna.

"Aya, bakit kulang yata ang nakaupo
doon sa table ng mga professors? Sino ba ang wala?"

Napalingon rin naman siya doon habang ngumunguya.

"Oo nga no? Ay oo. Hindi pa nakakauwi si Headmaster Juno. Ang balita ay may pinuntahan daw siyang importanteng tao. Pero hindi namin alam kung saan at sino. At alam mo ba, wala pang mga regular students na gaya natin ang nakakita pa sa kanya. Tanging mga guro lang at yung nasa councils."

Nagtaka naman ako. Napakapaimportante naman nitong Headmaster nila. Imagine wala pang regular students na nakakita sa kanya?

"Parati siyang nasa opisina niya at minsan umaalis rin siya pero mga professors lang ang nakakaalam."- dugtong niya pa saka uminom ng tubig.

Napatango tango naman ako. Kakaiba nga talaga mga tao dito. Bakit ba kasi ako napunta rito?
Napasubo nalang ulit ako ng pagkain. This place gives me a terrible and eerie feeling. Why do I feel that there are secrets hidden in here? Secrets that are somehow connected with my dreams. Or so I thought, memories. Memories ng mga taong hindi ko naman kilala.

------------------------------

Today is my first day of classes here in Ponting High. And my first subject is History. Great! Agang aga aantukin ulit ako. Bumukas ang pinto ng classroom at pumasok na agad ang nasa mid 30s na babae. She's wearing an eyeglasses and napakaseryoso niya. She somehow reminds me of a terror teacher. Nagsibalikan naman sa dati nilang upuan ang mga kaklase ko. Buti nalang wala si Aya ngayon. Hindi kami magkaklase sa subject na ito. Mabuti na rin kung ganun. Wala na munang manggugulo sa akin sa first subject ko.

"I am Professor Ren. Your professor in History subject. I won't welcome any lazy students in this class so If you are not willing to listen in my discussion then you are free to go. The door is wide open."

She gestured pa nga pointing her finger sa pinto. Napa gulp naman ako sa tinuran niya. Gee! Terror nga.

Hours passed wala naman akong masyadong nakuha sa lesson niya except for the part kung paano nabuo ang institution na ito, about sa mga previous headmaster ng institution na ito, mga iilang bagay. They didn't mention anything about the ancestors or more like the history up above the case about sa prophecy na minsan nang sinabi ni Aya. And tungkol doon sa mga napapanaginipan ko. Si Quinn, Yung anak niyang si Yuno, si Lora at yung lalaking nagngangalan na Vince.
Yun lang naman na part ang nais kong marinig pero wala silang na mention tungkol doon.

Dahil tapos na ang two hours class namin dito sa History Class ni Professor Ren ay tinungo na agad namin ang next class namin which is based sa schedule ko ay ang Training Class. Wait what? Agad agad training class?

"Whoa! Training class na next subject natin?" I heard one of my classmate burst out nung naglalakad na kami sa corridor. Napatingin rin naman yung kasama niya sa schedule niya.

"Two subjects lang pala meron ang freshmen? But kahit two subjects lang walang half day. Two hours tayo sa History Class everyday at 7 hours tayo sa training class"

Seriously 7hours sa training class? Did they really prioritized their training sessions here rather than the other ones? Right dalawa nga lang pala subjects namin. Note the sarcasm. Tss.

Chanel the ManipulatorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt