Chapter 10

3 0 0
                                    

"Ayos ka na Chanel?"

Napabalikwas ako ng bangon nang napagtanto kong nakabalik na ako. Nasa katawan ko na ulit ako.

"Chill. Kakagising mo lang eh. Ano? Ayos ka na ba?"

Para akong wala sa sarili na nakatitig lang kay Carlyle. Halatang wala siyang tulog. Nilibot ko ang aking paningin. Nasa hospital bed na naman ako. Ilang oras ba akong nandidito?

"Isang araw ka ng tulog kung tatanungin mo ko."

Napayuko nalang ako. Kaya naman pala ang laki na ng mga eyebugs nito. Napakapabigat ko talaga. Pati tuloy sila ay nadamay ko.

"Anong oras na ba?"-tanong ko na lang

"Alas dos na ng hapon."-sagot niya
at bumuntong hininga

Alam ko kasalanan ko. Dahil sa akin ay hindi siya naka-attend ng klase niya ngayong oras na ito dahil binabantayan niya ako.

"Sorry. Hindi ka tuloy nakapasok sa klase mo"

"Anu ka ba. Wala iyon---"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cal at Reika na may dala-dalang basket ng mga pagkain.

"Oh gising ka na pala Chanel. Mabuti naman"-nakangiting wika ni Cal at inilapag ang basket

"Akala ko matutuluyan ka na----"

Sinamaan siya ni Reika ng tingin kaya napahinto siya at nahiyang ngumiti.

"Hehe. Joke lang. Kayo naman."

Napangiti nalang rin ako. Walang oras talaga na hindi siya nakakakuha ng masamang tingin at batok galing kay Reika. Minsan naiisip ko lang na baka nasasaktan na si Cal pero minsan naman naiisip ko na sinasadya niya iyon para mapansin siya ni Reika. Tss. Nakakatawa na nga eh dahil nagiging malapit na ako sa kanila. Kahit na malayo ang agwat namin ay kung ituring nila ako ay para na kaming matagal ng nagkakilala. I am already enjoying their company na dapat sana ay hindi na mangyari. Dahil alam ko kapag mayasayang nangyari sa iyo ay siya rin namang may masamang mangyari sa susunod.

"You all shouldn't be here."

Napalingon sila sa akin na tila nagtataka. Kunot ang mga noo nila.

"Don't say that Chanel. Nandito kami dahil iyon ang nararapat. I mean kami ang may kasalanan kung bakit ka nahimatay. Hindi ka na lang sana namin dinala doon para hindi na iyon nangyari. Sorry talaga."

Nag-iwas nalang ako ng tingin. Hindi ko dapat sinabi iyon sa kanila. Lalo lang tuloy sila na nagiguilty. Iniisip nila na kasalanan nila pero ang totooy akin naman talaga. Pero salamat sa kanila dahil may nalaman ako tungkol sa aking sarili.

"Chanel. Sorry talaga ah."

"No. Ayos lang. Ang ibig ko lang naman sabihin eh dapat hindi na kayo nag-abala na bantayan ako dito dahil paano na yung klase niyo."

Nagkatinginan silang tatlo saka na ngumiti.

"Ano ka ba. Suspenso tayo no."

And this time ako naman ang kumunot ang noo. What? So that means nahuli kami?

"Eh kasi naman itong si Cal. Napakagago. Sinira ba naman ang buong templo ni Henric. Ayun tuloy nagising yung mga mababangis na Vultures ni Henric. Buti nalang at nandito si Reika at nakokontrol niya iyon kahit na marami sila."

Lumingon ako kay Reika at nag-iwas siya ng tingin. Vulture rin kaya ang guardian niya dahil kaya niyang kontrolin ang mga ito?

"Oo tama ka Chanel. Isang Vulture rin ang guardian ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chanel the ManipulatorWhere stories live. Discover now