~Chapter 11: Anak~

2K 52 2
                                    

JAMAICCA'S POV
Nandito ako ngayon sa classroom, wala daw kasi yung prof namin dahil may meeting daw. Pagpa-planuhan daw nila yung atake nila sa kabilang eskwelahan.

Kasi, isa narin sa dahilan kung bakit kami tinuturuan ng away-away dito, dahil naglalaban-laban lahat ng school of gangsters dito sa pilipinas.

Ang gulo nga ngayon dito eh.

Batuhan ng papel dun, bully dito, tawanan dun, landian di-

"Boo!"

"Ay gatok anak ng shame!" Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe nakakagulat yun ah.

Narinig ko naman ang pagtawa niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Gatok? Anak ng shame? Hahaha."

Binatukan ko siya. "Peste ka. Nakakagulat."

"Malamang, ginulat ata kita eh." Pamimilosopo niya. Inirapan ko lang siya.

Nanahimik naman ang lahat nang biglang pumasok yung JCACZ. Sakto dahil napatingin saming dalawa si Chase.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Alex!" Nilakasan ko yung boses ko para marinig ng lahat. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil mukha akong tanga dito eh. Nagtaka naman si Alex pero nang mapatingin siya kay Chase, na-gets niya din at tsaka siya nakisakay.

Inilapit naman ni Alex yung mukha niya sa mukha ko. 3 inches na lang, 3 inches na lang talaga. At biglang pinisil yung magkabila kong pisngi. Kahit hindi ko tinitingnan si Chase nakikita ko sa peripheral vision ko na parang nagulat siya at parang nagagalit sa nakikita niya.

Huli ka! Selosan pala ah.

"Oo nga pala Aicca, free ka ba sa Saturday?" Tanong ni Alex. Hindi ko alam kung pakita niya lang yun kay Chase o tinatanong niya talaga ako.

"Yes, why?"

"Kung okay lang sayo, let's have a date?"

Nagulat naman ang lahat sa sinabi niya. Ako, nalilito parin yung totoo ba yun o hindi. Pero nakisakay nalang rin ako.

"Oo naman!" Masigla kong sabi. Tumingin ako kay Chase na ngayon ay halos patayin na kami sa tingin niya at tsaka nag-walk out.

"Woah-ho-ho! Aicca, akala ko ba si Jaxx? Ngayon si Alex? Next naman ako! Naku! Wag." Sabi ni Zane. Napailing nalang si Calix at binatukan si Zane.

"Aray! Bat ka namamatok ah?!" Sigaw ni Zane.

"Bakit? Ang kapal mo eh! At tsaka gusto ko, bakit?"

"Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo!" Sigaw ni Zane sabay batok kay Calix. Pagka-batok na pagka-batok ni Xane kay Calix, tumakbo siya palabas at hinabol naman siya ni Calix.

"Cr lang ako ah." Paalam ko kay Alex. Tumango lang siya.

Pagpasok ko sa CR, sakto walang tao.

"I told you girl, Jamaicca is a slut!" Rinig ko sa labas ng CR. Feeling ko papasok sila dito kaya pumasok ako sa isang cubicle para magtago.

Ako ba yung tinutukoy nila? O ibang Jamaicca?

Narinig ko naman na bumukas yung pinto.

"Yeah right. Look, pati step-brother niya nilalandi niya!"

So ako nga!

I'm Inlove with my STEP-BROTHERWhere stories live. Discover now