Special Chapter Part I (HAPPY 1000 READS!)

1.5K 50 2
                                    

JAMAICCA'S POV
"Aicca, prom na natin tonight. Pupunta ka?"

Nandito kami ngayon sa isang mall. Sabi ni Cassandra wala daw siyang magawa kaya sinamahan ko siya.

"Hindi na, tinatamad ako eh."

*poink*

"Aray!" Ang sakit binatukan ako!

"Anong tinatamad ka? Hindi pwede! Dapat kasama ka." Sabi niya pa. Inirapan ko siya.

"Tsk. Tinatamad ako Cassandra..."

"Mamaya na yang tamad-tamad na yan. Ngayon, shopping tayo ng gown natin para sa prom night." Hindi pa ako nakakapagsalita hinila na niya agad ako.

"Ho-hoy! May sinabi na ba akong pumayag ako?"

"Kahit naman wala kang sabihin no choice ka rin eh." Sabi niya.

Maya-maya pumasok kami ni Cassandra sa isang boutique. Pagkapasok na pagkapasok namin, pinaupo na niya agad ako at namili agad siya.

Kinuha ko nalang yung phone ko at nag-FB na lang.

Pagpalipas oras, tutal ang tagal ko nang hindi nabubuksan FB ko.

Habang nagso-scroll ako, may nakita akong isang post ni Chase.

'Watching her.' 1 minute ago.

Yun lang yung post niya? Hindi man lang tinag kung sino? Tss..

Pero infairness ah kahit yun lang yung post niya, 109 likes at 30 comments.

Famous...

Pero ano? Watching HER??

Lumingon-lingon ako sa paligid. Baka nandito siya.

Then i realized something. Natawa ako.

Ang feeling mo Aicca, porket watching her ikaw na agad? Malay mo si Willow pala yung pinapanood niya...

Tandaan mo Aicca, kapatid ka lang niya.

"Okay lang ba to?" Natauhan ako sa boses ni Cassandra kaya napatingin ako sa kanya.

Hmm.. Nagsukat na pala siya hindi ko napansin. Lutang isip ko ngayon.

Pero, ang ganda niya sa gown na yan ah.

"Isara ang bibig, tumutulo na ang laway." Pang-aasar niya sakin. Umirap lang ako sa kanya kaya napatawa siya.

"Ok na yan."

"Wushu! Kanina halos tumulo laway mo kakatitig sakin tapos sasabihin mong okey na yan. Dont me bes." Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpapatuloy ang pagfa-Facebook.

"Hoy, halika. Ikaw naman." Napatingin ako sa kanya.

"Ako?"

"Ay hindi, si ate. Ate halika sukatan kita." Sabi niya sa isang babae na nasa katabi ko. Tss, nakakahiya pa siya eh.

"Ayoko ngang pumunta sa prom." saad ko. Ngunit hinila niya ako papasok sa fitting room.

"Oh." Abot niya sakin ng isang black dress.

"Ano to?"

"Black dress."

"Alam ko."

"Bat mo tinatanong?"

"Ang ibig kong sabihin, anong gagawin ko dito?"

"Malamang susuotin!"

"CASSANDRA!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Lalabas na ako. Sukatin mo." Sabi niya bago lumabas ng fitting room. Bumuntong hininga nalang ako.

Papagbigyan ko na. Pag hindi ko pinagbigyan yun, magbabangayan lang kami ng magbabangayan.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora