=Yuri's Pov=
Ilang araw na din ang lumipas nung samahan ko si Aero dun sa fans day nya na mga bata at yung marinig ko yung tugtog nya. Sh*t naman ! Bakit ba nagpaapekto pa din ako sa nararamdaman ko.
Since wala naman akong pasok ngayon, naisip ko na lang na tumambay sa bahay ko pero sa kalagitnaan ng pananahimik ko sa unit ko, bigla kong narinig na tumunog yung phone ko kaya naman kinuha ko agad ito at halos masamid ako nung makita ko yung pangalan nya na nag-appear sa screen ng phone ko.
from: Aero
Where are you , come to my unit
Tsk ! nakakainis naman ! Weekend ngayon ! Hindi nya ba ako pwedeng papatahimikin man lang! Aish! As if naman may choice ako kaya naman pumunta na ako sa unit nya. Akala ko, makikita ko na naman syang nakahalf naked ehh, sasapukin ko sana pero buti na lang hindi dahil nakabihis sya.
"What?" tanong ko sa kanya na nakasalubong yung kilay ko.
Nung makita nya ako, halos tignan nya ako mula ulo hanggang paa and it made me curious and conscious. Tsk ! ano na naman kaya yung sapak sa utak ng lalaking to ? -.- umiral na naman ba ang kaabnormalan nito !
"Titignan mo lang ako?" tanong ko sa kanya na nakataas ang isa kong kilay.
"Bakit nakaganyan ka lang?"
Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nya. Wala naman problema sa suot ko, nakaloose shirt ako tapos nakashort then flip flops, wala naman problema sa tsura ko atsaka ang ganda ko pa din kahit na anong ayos ko, ang gorgeous ko tapos itong lalaki na ito, nag-iinarte ehh -.-
"Anong problema mo sa tsura ko?!" singhal ko sa kanya.
"Nakapambahay ka lang, hindi naman tayo sa palengke pupunta kaya pwede ba, magpalit ka!"
Nakakainis talaga tong lalake na to ehh ! Ang daming arte sa katawan ! Hays ! Pasalamat sya, katapat nya lang yung condo ko ! Kaya naman bumalik ako at naghanap ng maayos na masusuot. Tinamad na ako maghalukay masyado sa closet ko kaya naman kung ano na lang makita ko , yun na lang yung kukunin ko.
Nakakita ako ng dress pero hindi sya masyadong casual tapos floral sya kaya yun na lang yung sinuot ko tapos nagdoll shoes ako then nagpony ako ng buhok ko then binalikan ko sya na nakakaabang na sa labas ng pinto nya.
"Oh, may reklamo ka pa!?" tinaasan ko sya ng kilay.
Hindi sya nagresponse pero binigyan nya ako ng isang iling then umalis na kami. Gumamit kami ng elevator para makarating sa parking nya. Wala kahit na isa sa amin ang umiimik hanggang sa mapuntahan namin yung kotse nya.
Nung makasakay na kami, he started the engine then as usual, wala na naman ni isa sa amin ang nagkikibuan. Naisip ko na lang na magsoundtrip pero itong lalaki na to, inunahan ako na magpatugtog tapos mapang-asar pa, kismet pa yung pinatugtog kaya naman nakatanggap sya ng malupit na death glare saken.
"Oh ? Tingin - tingin ka dyan?" abugh ! siraulo talaga tong lalaki na to ! Para namang hindi nya alam na yung kanta na yan yung nagpaiyak saken last time -.-
"Pakilipat nga yung soundtrip mo ~" sabay irap ko sa kanya habang yung walang hiya naman nakita kong nagsmirk -.-
"Nabibitter ka pa din *smirks*" pabulong nyang sabi pero sapat lang para marinig ko kaya nainis ako sa kanya pero hindi ko na lang pinansin.
YOU ARE READING
To Be With You [One Snob Part2] Completed
RomancelOVE is ALL abou second chances... letting you know the ryt person for you ... Ang Akala nyang AKALA NYA LANG PALA... Mahal nya na pala talaga....
![To Be With You [One Snob Part2] Completed](https://img.wattpad.com/cover/33640064-64-k60916.jpg)