HATRED 2

63 2 0
                                    

******************** HATRED 2*****************

Aya’s POV

Umaga na naman and I’m ready to go to school. Nagpaalam na ako kay mama at lumabas na ako ng apartment. Hay, ang sarap ng feeling dahil nakapag higanti ako kay Grei kagabi. Well, kulang pa iyon sa lahat ng mga panlolokong ginawa niya kay Trish…

“Good Morning Aya, ”

Biglang nag-pantig ang tenga ko..

O________O

what the hell are you doing here??,” seriously ang aga naman niyang mambuwisit at ako pa ang napili niyang bwisitin.

“My love for you brought me here Aya,” he said smilling. Siguro naman kilala niyo na kung sino ang nasa harap ko ngayon.

Feeling nyo kinilig ako?!~

(=_____=)

“Yuck. Lumayas ka dito,” tapos tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad papunta sa school. Ako lang mag-isa dahil iniwan ko si Trish sa bahay at mukhang wala siyang balak na pumasok sa school. For sure ayaw niyang makita ni anino ni Grei

“Aya naman eh,” tumakbo siya at sumabay sa akin. Tumigil naman ako sa paglalakad.

“Ano ba! Lumayo ka nga sa akin HEARTBREAKER!,” naiinis kong sigaw sa kanya

(=___________= #) he totally ruined my day!

“Ouch. Ang sakit naman ng endearment mo sa akin Aya,” tapos humawak pa siya sa dibdib niya.

Geeez. Nauubusan na ako ng pasensya. Baka bigla na lang magdilim ang paningin ko at baka kung ano pang magawa ko sa lalaking ito.

*sigh

“A-YO-KO SA.YO, get lost.!,” inirapan ko siya at nagsimula na ulit akong maglakad.

Pero halos masuka ako ng marinig kong sinabi niya..

“Tandaan mo Aya Selena Cruz, dadating ang araw na magiging akin ka din,”

“Eww.! Asa ka. ! NEVER na mangyayari yan.!!! ITAGA MO SA REBULTO NI RIZAL SA LUNETA!, “ sigaw ko ng hindi man lang siya nililingon.

I heard him laugh. Kapal ng mukha ng kumag na iyan!

Mas binilisan ko ang paglakad at sa tingin ko naman tumigil na siya sa kakahabol sa akin. Haist. Ang aga-aga bad mood na agad ako.

Natanaw ko na ang main gate ng Ylleshnne University. Finally, malapit na ako.

“Hoy ikaw.,” nagulat ako dahil may biglang humila ng braso ko.

Nilingon ko siya at sinabing,

“Bitaw, hindi ako bibili ng tinda mong taho at pandesal,”

hinila ko ang braso ko at naglakad na ulit. Sino ba itong babaeng ‘to na mukhang hindi tinuturuan ng good manners sa paaralan niya?

Narinig kong tumawa yung girl sarcastically,

“Ang yabang mo, porket sa Ylleshnne University ka nag-aaral, LUMAYO KA KAY DANIEL LEE PEREZ kung ayaw mong masaktan sa mga kamay ko,!” sigaw niya

Anong sinasabi niya? And the hell I care sa Daniel Lee Perez na yan!!? Isaksak niya sa baga niya para hindi na ako pinagtitripan!

Inis!

Dumeretso na ako sa room namin at umupo sa seat ko. Nakaupo ako sa last row, sa pinaka sulok dahil ayaw ko na may katabi akong lalaki o mga tao na hindi ko kilala. Actually, anti-social ako at si Trish lang ang nag-iisa kong kaibigan, sadly hindi kami pareho ng course dahil Accountancy siya.

Kinuha ko sa bag ko yung librong binili ko nung nakaraan, yung A HEART THAT FOLLOWS HEART na sinulat ni mspatrickstar, ewan ko nga rin kung bakit ko ‘to binili. Maganda daw kasi sabi ni Trish.

[A/n : waaaaaaaah. Simpleng plug po;) basahin nyo po yan, sa wattpad po. Wala pa pong libro talaga na binebenta~ looking for publishers jan/…hahaha;)]

Habang nag babasa ako , nagsi datingan na yung iba kong mga classmates. Pero wala ni isa man lang sa kanila na bumati sa akin. What can I expect? Diba nga sinabi ko na hindi ako friendly so expected na alone forever ako dito.

“Good Morning Class,” dumating na ang professor namin kaya tinigil ko muna ang pag babasa at itinago na ito sa bag.

At nag discuss siya ng kung ano-ano. Actually, math ang subject na ‘to. Dito kasi sa Ylleshnne University, required na ituro sa lahat ng course ang Math, Science and Technology at Foreign Language. So , since 2nd year college na kami, ang math namin ay Analytic Geometry.

After one hour and thirty minutes, natapos na rin ang lecture kaya nagsilabasan na ng room yung mga classmates ko, pero hindi muna ako lumabas. Ayoko lang na makisabay sa kanila.

Mababait naman ang mga classmates ko , ako lang talaga ang may gusto na maging cold sa kanila. Ewan, mas kumportable akong mag-isa o kaya kasama si Trish.

Inumpisahan ko ng iligpit ang mga notebook ko, then naalala ko na may naiwan pala akong art materials sa locker ko kaya agad akong lumabas ng room at binuksan ang locker .

(?___?)

Nagulat ako dahil may nakaipit na papel.

At sinong lapastangan ang nag iwan nito?

Binasa ko ito at nag-init na naman ang ulo ko..

Ito yung sinabi sa sulat:

[hey Aya,

Bakit lagi kang mag-isa? Tapos hindi ka rin ngumingiti? Pero ayos lang kahit cold ka, crush pa din kita.

-secret admirer]

Nilukot ko ang papel at tinapon sa basurahan. Pakialam mo ba kung ganito ako? Eh, sa ganito talaga ako eh!

Kinuha ko na sa locker ko ang mga art materials ko at ako’y naglakad na papuntang cafeteria dahil nagugutom na rin ako.

Gosh, ang daming tao. Wala na akong mauupuan at ang haba pa ng pila sa counter.. lumabas ako ng campus para umuwi sana sa bahay. Walking distant lang naman at for sure may niluto si mama at iniwan sa mesa, gusto ko rin tignan kung okay na si Trish dahil hindi pa rin siya tumatawag sa akin.. baka masobrahan siya sa pag-eemo at baka maisipan niyang maglaslas ng pulso. OH no way! Paano na ako kung mawawala si Trish~ mag-isa na lang ako dito sa Ylleshnne University..

Okay. Scratch it. Masyado akong OA.. ganito talaga pag gutom na ako!!

(O_____________________O)

“aaAH!----”

Kaya lang talagang minamalas ako! Habang papalabas ako ng gate ay may mga lalaking humila sa akin at tinakpan ang bibig ko, nalanghap ko naman yung mabahong amoy tapos ---

*blackout*

*************************************************************************************A/n :

Weeeeeeeeeeeeh. Ano kayang nangyari kay Aya ?! mukhang~ napagtripan na naman siya????---

Salamat po sa mga nagbabasa ng istoryang ito;)

Let’s VOTE and comment in this story:)

Thank you very much !

Follow me : @mspatrickstar

Lovelots,

mspatrickstar ©2013

LOVE WRECKER (under construction)Where stories live. Discover now