Ang titser kong pogi ^^

213 5 10
                                    

Kaway-kaway! HAHAHA Basahin niyo naman po yung stories ko: Books + TV =lOve? and kathy: The playboy Slayer... K. shattap na me

A/N: Dagdag sa benefits ng chem: Kapag birthday ng teacher niyo, medyo wala ng klase. Pwede ka gumawa ng kung anik-anik as long as nakikipalakpak ka habang kumakanta sila ng HAPPY BIRTHDAY na walang hanggan. More than 5 ata kinaNtahan si Maam eh :D. Eto pa isang plus, MAY LIBRENG PICTURE TAKING SA KLASE. o AYOS! HAPPY BIRTHDAY MAAM PERLA!!!

_________________________________________________________________

ANG TITSER KONG POGI ...

Yep, tama kayo. Pogi ang teacher namin sa isang subject. Naks diba? O wag mainggit. Kahit pogi yun, medyo mahirap maging teacher yun eh

ere ilang reasons::

1.nakakatakot mag-comeback

Opo, minsan wala kaming klase. Pero hindi tulad ng iba, hindi kami masyado nagpa-party-party ( o ako lang ang hindi? Basta!) Kasi naman, sa kanyang pagbabalik, bratatatatatat!!!(buhay ka pa?!) ang aabutin niyo. Isang beses non, ung Psychoanalysis ng The Cask of amontillado ang pinagawa niya. Grabe, antagal bago hindi kami nagkita-kita. Kaya naman nung presentation day na, ayun! Pinana kami. Palakol pala dapat, nakahilera sa ganun ang grade ng iba. Yung iba naman, siguro naawa siya. naka-linya na sa walo eh.

2.PROMOTER

Hindi naman niya pinopromote talaga. Nagpo-post lang si Sir sa Facebook ng mga books na binili niya. One time nga yung Amapola ni ricky lee ang bida. so ayun, kaming mga tapat na tagahanga, naghanapan ng librong yun. Ang masama, lahat samin bigo. Nakadalawang national bookstore kasi ako, wala pa din. Yung iba naman naghintay ng pasko, para may pera syempre, pero umuwi lang din ng luhaan.

Lesson: Matuto magpareserve sa NB.

3. Multi-talented

Matalino yun! Naku! Sobra!!! Talented pa. Nung isang beses, may etchos sa school. Hayun, nagbabasketball siya. ! Tapos teacher's day ata yun? Basta. Nagdrums siya, astig! Tapos hindi pa nagpaawat, KUMANTA DIN. I gotta feeling, ow yeah! (hindi ko na sasabihin kung maganda o hindi, ). Bumawi naman siya after kumanta, nag-rap naman siya! Ayos noh? Daming alam. Tapos nagtuturo siya samin sa Highschool, pero alam ko, may college students din na tinuturuan yan. Galing nuh? Madami pa siyang talent. Kaso, hindi matatapos tong tinatayp ko kung iisa-isahin ko. Tsaka, hindi naman kami close, malay ko kung ano pa talents ni Sir! HAHAHA

Disadvantage: Nakakainggit! Thats it.

4. Kakaiba ang hobby

Nagpupunta siya sa bundok para lang maglecture. Seryoso ko. Literal. Pumunta siya sa Ifugao isang beses. Wala daw kasi siyang magawa. Wow nuh? 

Eto pinakamalala ...

5. Hindi kami invited sa kasalan

O diba? Sabi niya mawawala daw siya ng isang linggo. ang akala naman namin, mamumundok lang ulit. Nagulat na lang kami, may best wishes comments na sa facebook. Hindi na kailangan magpunta pa sa profile ni Sir, nasa Home ka palang, bida na siya. Yun lang ang masasabi ko. HINDI NIYA PINAALAM SAMIN. Parang utang na loob ipaalam? HAHA, feeler lang po ^^ BEST WISHES SIR POL!!!

YAN NA LANG MUNA. Sorry sa mga nabubuwisit na sa pinagsasabi ko. sinabi ko naman wag basahin kung di gusto eh. Ge gorabells na ulit ako. Malalate na ko neto. Overtime? xD

______________________________________________________________

Trip lang. Wahaha. Wag niyo ko awayin. gumawa din kayo ng blog-blog-an niyo xD. Basahin niyo na din yung stories ko guys :)

what runs in Smile's mind?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon