Flying tricycle (/*^*)/

129 4 1
                                    

Naranasan niyo na bang sumakay sa tricycle? Yung hindi pangkaraniwan ha. Yung  LUMILIPAD

Kasi ako, OO. Not once ha, but twice pa!

Nung unang beses, masarap pa sa feeling. Pakiramdam ko kasi, nasa space shuttle ako. O diba? Nakarating ka na sa AMUSEMENT PARK.

Masaya nga yun eh. Kasama ko yung classmate na friend ko.

Syempre, medyo sumisigaw pa nga kami ng WHOOO tsaka YEAH. Pero, mahina-hina lang. Baka pagtinginan kami ng mga tao nuh. Exposure much yown!

Nakakapit din kami, wagas eh. Ayoko namang tumilapon nuh! Masakit sya. Totoo.

Hindi naman ako natakot, kasi yung driver, mukha namang ... ano ba magandang word? ... Ahhm ... NORMAL na tao na gusto lang magtipid ng gasolina.

Okay lang. Na-miss ko pa nga yung ride na yun eh. Kasi naman, enjoy talaga.

But ... Subalit ... Bagamat ...

Yung 2nd time?

WALA! PANIS YUN!

Pucha. Pagsakay ko pa lang ng tricycle, eh kinilabutan na ko. Katakot itsura ni kuya ha! Ang chaka!

Wow! Ganda ko kasi kaya nanglalait ako. JOKE.

Hindi naman sa talagang chaka lang kasi trip ko sabihin. Mukha kasi siyang kanto boy na katatapos lang uminom. Long hair pa si manong. O ano? Di ka ba naman matatakot?

Di lang iyon, tinanong pa niya kami ni friend.

sabi niya: Sino ba unang bababa sa inyo?

Syempre ako yun! Nung sinabi ko namang ako, wow! maktingin! WAGAS ah! Sarap dukutin ng eyeballs at ilagay sa stck! Mukhang manyak! IIH! Feeling ko namn xD. Babae pa din naman ako noooooh! 

Wala pa syang body number. (Hindi yun nakalagay sa katawan niya. Sa 3cycle yun nakalagay. Yun yung number duon na may nakalagay kung anong Toda ka)

Kaya syempre, nung malapit na bumaba yung kasama ko, sumabay na rin ang Lola niyo! Nag-load na sa isip ko na kailangan kong mag-ingat. Pinsan ko kasi na-dead dahil sa isang pervert driver. 

Bumaba na ko, tutal naman malapit lang bahay namin. Tamad lang kasi ako kaya sa may mismong gate ng bahay ko gusto bumaba. Pero may short-cut naman HAHA. Sorry!

So anong pinaglalaban ko?

Kung maka-encounter kayo ng tricycle driver na mabilis magpatakbo, pero mukhang nasa normal na katauhan at kaisipan naman, na halatang nagtitipid lang ng gasolina... Enjoy the ride!

BUT ...

Kung ang masakyan niyo ay hindi mukhang katiwa-tiwala, na mabilis pa magpatakbo, na walang body number, ay aba! Mag-isaip ka.

I therefore conclude, na sa pagsakay mo sa tricycle, o kahit dyip or taxi man yan, mag-ingat kayo,. huwag basta Gora ng Gorabells lang. Hindi porke may pera ka, papahatid ka na sa dulo ng wlang hanggan.

PS: Sa tuwing sasakay ng tricycle, laging itext sa parents or kapatid or friend ang BODY NUMBER nito. Para kung may mangyari man sayo, alam nila kung saan ka sumakay. Malay mo, mahanp pa nila yung katawan mo dahil dun. Joke. Para safe lang. Kung wala ka namang load lagi, tulad ko, eh dapat, alerto ka.

Ready ka dapat tumalon ng mabilis palabas.

_________________________________________________

Para sa mga tricycle drivers: Peace po tayo.  This is for the safety of people-lets of my country. Oh yeah. bow. No hard feelings. Lahat naman tayo gusto mabuhay ng mahaba kaya please, ingat lahat. Kung maaaring huwag paliparin ang tricycle sa sobrang bilis, huwag na. Alam naming nagtataas ang presyo ng gasolina, pero nagtataas rin namn kayo ng presyo ng pamasahe. Pantay lang. Ingatn niyo kaming pasahero, para masabi niyong naging isa kayo sa mga dakilang manong drayber sa paliigid na dapat bayaran ng tama at igalanbg. Whooosh!

****************

Eto ay isa lamang sa mga bagay na tumakbo sa isip ko. Hinabol ko at pinost para mabasa ninyo. Pasensya naman kung wala kayong pakialam dito!

Hindi po naka-apply sa lahat ng tricycle drivers ang post na toh. Sa iba lang naman.

___________________________

Didnt mean to offend anyone. K? Bangs!

what runs in Smile's mind?Where stories live. Discover now