Chapter 3: Home

7.6K 173 25
                                    

Hello guyz!!! Pasensiya na kung ngayon lang ako naka UD..dapat kagabe pa ito kaso ngayon lang pumasok ang load ko na dapat ay kagabe pa..pero maraming salamat sa paghihintay... :)

Enjoy!!!

---------------



Zary's POV

Patawarin niyo ako, kung bakit ang lamig ng trato ko sa inyong lahat. Sooner or later malalaman niyo rin ang dahilan kung bakit tinataboy ko kayo. Hindi na ako papayag na muling may mawawala kahit isa sa inyo. Hindi ko na makakaya pa. Napapikit ako sa tindi ng galit sa dibdib ko. Tanging ito lamang ang nararamdaman ko, puno ng galit ang dibdib ko sa lahat na nangyari, mas lalo pa itong nadadagdagan kapag maalala ko ang nangyari noon. Napangiti ako ng pait sa aking naalala. Tumalon na ako mula sa mataas na puno na pinagtaguan ko. Palagi akong nakamasid, nakabantay sa kanilang lahat. Ang alam nila ay kinalimutan ko na sila, iniwan at hindi na pinahahalagahan. Kung hindi lang ng dahil sa nangyari 1 year ago, baka hanggang ngayon buo at masayang magkakasama pa rin kami.




"Bakit hindi ka pumasok sa loob? hinihintay ka ng lahat."





Napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko. Napatingin ako sa kanya ng matagal bago ako sumagot.






"Hindi na kailangan. Aalis na ako."





Sagot ko sa kanya. Akmang hahakbang na ako ng hinawakan niya ako sa braso. Napabuntong hininga naman ako.




"Bitaw. Hindi pa muna sa ngayon."




Malamig na turan ko sa kanya. Sa kanilang lahat siya lang ang nakakaalam na pumupunta ako dito at laging nakamasid. Siya rin ang mata ko sa loob ng mansion. Tanging siya lang ang nakakausap ko at sa kanya lang ako nakipagkita. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago niya ako binitawan.



"Ikaw ng bahala dito, bantayan mo sila lalong-lao na si Teiph at si Xylanz."




Saad ko sa kanya bago ko siya nilayasan ng tuluyan.





Hindi nila alam kung ano iyong pinagdaanan ko. 1 taon, 1 taon akong naghirap, mas malala pa ito sa nagkaamnesia ako. Kung papipiliin ako sa noon at sa ngayon mas piliin kong magkaamnesia ulit kay sa ganito. Nakawala nga ako sa bullshit na experiment na iyon ito naman ako ngayon nakakulong sa nakaraan, 1 taon na ang nakalipas. Mas malala pa ito sa human-robot na ginawa nila sa akin. Parang binalot ng yelo ang puso ko, tanging puot, galit, at pagkamuhi ang nararamdaman ko sa ngayon. Sinimulan ulit nila ang gulo at sila din ang lumalapit ng gulo sa akin. Bakit kailangan ito mangyari sa amin. Gusto kong umiyak pero bakit walang luhang lumalabas sa mga mata ko? Parang hindi na ako marunong umiiyak at hindi ko na alam kung paano. Pati ang pagngiti at tawa hindi ko na alam kung paano gagawin.





Sa paglalakad ko pabalik sa bahay na tinutuluyan ko ay may naaninag ako na isang taong nakatayo na sobrang familiar sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Lumingon ito sa akin, nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Literally, napanganga ako na nakatingin sa kanya. Shock was written in my face. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ito maaari. Wala na siya, wala na siya. Hindi pwedeng----- Napabuntong-hininga ako and then I composed myself bago ko ito hinarap.




CPTV Book 2: Coldest Queen (The New Battle)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant