Chapter 4: Xandra Yu

6.7K 155 5
                                    

I dedicated this chapter to keenu18
salamat sa paghihintay & to
KayeMendozaCruz maraming salamat sa napakagandang mensahe. :)

Salamat sa lahat na naghihintay!!

Enjoy po!!!

---------------




Zary's POV



"Noona?"



Pabulong na tawag sa akin ni Xyllanz.



"Hmm?"


Tanging sambit ko. Nakita ko naman na napakamot ito sa ulo niya. Nagkausap na kaming dalawa bago ako pumanhik sa loob ng room ko. I talked to him but kung paano ko tratuhin ang iba ay ganun din sa kanya. But he is Xylanz, hindi iyan natakot sa akin, at hindi iyan kailanman natakot sa akin.



"Eh, uhmm. Ngumiti ka naman Noona, kasi natatakot na sa iyo ang mga students na makakasalubong at madadaanan natin."



Nag-alinlangang saad niya. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya at may pagtataka sa mukha.




"Hindi ko na problema kung natatakot sila sa akin. I don't have any reason para ngumiti Xylanz. Kaya 'wag mong ipagawa ang bagay na wala naman kakwenta-kwenta."




Seryosong saad ko sa kanya. Nakita ko naman ang paglunok nito ng sunud-sunod. Alam kung kinakabahan na siya sa gagawin ko pero kung ano man ang iniisip niyang masamang gawin ko ay hindi iyan mangyayari, kapatid ko siya at mahal ko kaya ang isip batang ito.




"Noona, mula noong 1 taon naging mas Cold kana, mula ng mawa-----"




Hindi ko na siya pinatapos pa. Ayoko ng alalahanin pa ang nangyari noong 1 taon na.



"Shut up. Kung ayaw mong magalit ako sayo, Xy."



Malamig na ani ko sa kanya kaya natigilan siya at nasa mukha nito ang pagkabigla at pagsisisi.



"Xylanz, napag-usapan na natin to diba? Huwag na natin pag-usapan ang nangyari noon."




Sabat naman ni Teiph ng makarating na siya sa kinaroroonan namin. Yumuko naman si Xylanz habang humihingi ng sorry. I sighed.




"Pumasok kana sa room mo." Sabi ko sa kanya at saka ko sila iniwan.










Wala pa rin pinagbago ang skwelahan na ito. Ganito pa rin. Ang pinagkaiba lang ay ang mga bagong studyante.





"Good morning Miss President."





Bati sa akin ng mga studyanteng makakasalubong ko. Miss President ang tawag nila sa akin, ako ang nagmamay-ari ng paaralan na ito pero binigay ko kay Kuya ang pagiging Chairman ng paaralan na ito. Kaya ang dean ngayon ng paaralan na ito ay si Teiph. Nasa 3rd year na ngayon si Xylanz. Si Kuya Zy ang namamahala ng mga comapanies namin, si Teiph naman ang namamahala ng mga hotel & restaurants pati na rin ang mga malls. Ako naman sa underground at mga organizations, pero tumutulong naman si Teiph at Kuya sa akin. Dito na rin tumira ang dalawang magkambal. Si Athena tumutulong kay Teiph at si Dustin naman ay tumulong kay Kuya Zy, si Kuya Ji ay umuwi muna sa kanila. Kapag tatlo sila ang nandito baka magwala na si Tita sa korea.






"Girl, narinig niyo ba na may away ngayon sa field?"






Sabi ng isang, I think 2nd year student. Napahinto ako sa pagmamasid sa sinabi niya, nilingon ko ang magkaibigan na nag-uusap.






CPTV Book 2: Coldest Queen (The New Battle)Where stories live. Discover now