TGBS XV | Dead serious

415 39 12
                                    

Thalia's POV

"This is a joke, right?" I asked. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay nginitian niya lamang ako.

"You've got to be kidding me," sabi ko.

"Kumusta na?" tanong niya.

"I'm fine. Diretsuhin mo nga ako," sabi ko. I paused for a few seconds. "Anong kailangan mo? At bakit naka-bihis ka na animo'y ikaw si Xhalix?" tanong ko.

Bago siya sumagot ay humagalpak muna siya ng tawa. This red-eyed guy, nakuha pa niyang tumawa.

"What's funny?"

"I knew it. So, what he said was true," he said in a joyful way.

He's not Xhalix. Definitely. Ilang beses ko lang naka-encounter si Xhalix pero parang kilalang kilala ko na siya. I know his voice. At ibang ibang ang range ng boses nila. Mas matangkad din siya kaysa kay Xhalix. Pero kanina, nang nakatalikod siya, kinabahan ako. I really thought he's Xhalix. Good thing, he's not.

This might sound strange and confusing, pero there's someone I'm rooting for to be Xhalix. I don't exactly know why, pero 'yung taong 'yun, gusto kong maging siya si Xhalix.

"So, what are you doing here Drake?" I asked again.

He's not wearing any contact lenses. Kaya kitang kita mo agad ang pula niyang mga mata. I still can't believe na pula talaga ang mata ni Drake. At talagang bagay sa pangalan niyang Crimson.

"And what's inside this envelope?" tanong ko ulit habang iwinawagay-way sa harap niya ang envelope na iniabot sa akin kanina ni Cian.

"Well, I don't know either," sabi niya habang nakahawak sa batok niya.

"Anong you don't know either? Sa'yo galing ito diba?"

"Not really. Kanina kasing umaga, nagulat na lamang ako na wala ang contact lenses ko at ang bumungad sa akin ay dalawang envelope na nakapatong sa lamesa ko," pagsisimula niya. Ilang segundo pa bago ulit siya nagsalita. "One of the letters was addressed to me and the other one as you can see, was addressed to you," sabi niya sabay turo sa envelope na hawak ko. I looked at the back of the envelope and yes, it was addressed to me.

Pero bakit kay Drake ko pa nakuha at hindi mismo siya ang nagbigay sakin? Talaga bang nilalayuan na ako ni Xhalix ngayon?

"Then, why are you wearing the same outfit as Xhalix?"

"He actually said it through the letter, asked me to wear this and to deliver his letter to you by pretending that I am him."

And why is that? Bakit kailangan pang magpanggap ni Drake na siya si Xhalix kung mahuhuli at malalaman ko rin naman na hindi siya si Xhalix?

"I don't exactly know what he's thinking. That guy is surely unpredictable. Sinabi pa niya sa sulat na kailangang makita mo ako at malaman mo na hindi ako siya. I mean, why should I pretend to be him when I'll be caught later on?" sabi ni Drake na nakakunot ang noo.

I don't know either. But what's clear to me is that he's really hiding something. Something much more complicated. Why bother doing all these acts without any reasons, right?

"Sige, mauna na ako Thalia. Hahanapin ko pa kung saan napunta ang contacts ko. Mahirap na, baka mapagkamalan ngang ako si Xhalix," sabi niya habang natatawa.

Pinagmasdan ko lang si Drake habang papalayo siya. Bakit si Drake? Bakit si Drake pa ang napili ni Xhalix na magpanggap na siya?

---

The Good Boy's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon