Chapter Ten

136K 4.6K 958
                                    

CHAPTER TEN

MEDYO natagalan bago nakabalik si Bari. Hindi naman puwedeng magkulong lang si Czarina sa banyo kaya nanatili lang siyang nakatayo sa labas niyon.

Nakayuko ang ulo niya habang hinihintay ang binata. Saan kaya ito bumili ng napkin?

Napayakap siya sa sarili habang hawak ang coat ni Bari na nakapatong sa mga balikat niya. Napapikit na lang siya sa kahihiyan sa tuwing naiisip na nilagay niya sa akward position si Bari habang bumibili ng napkin. Sinong lalaking lalaki na sobrang guwapo na tagapagmana nang malalaking kompanya ang bibili ng napkin?

She's so careless! Hindi niya naman kasi naramdaman na dinatnan na siya pero alam niya ngang anytime this week ay magkakaroon siya. Dapat pala sinunod niya ang utos ni Yaya Salome na magmarka siya sa kalendaryo para lagi siyang handa.

Eh, tamad siya! Ayan. Nakita pa ni Bari na natagusan siya. Ito pa ang kailangang bumili ng napkin! Nakakahiya! Nakakahiya!

Parang gusto niya na namang mapangawa. Kung lalaki siya, nakaka-turn off iyon!

Napabuntong-hininga siya at pumasok ulit sa CR ng nga babae nang lumabas ang huling gumamit. She felt sticky and ashamed and all the negative things she can feel right now.

Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto. "Czarina."

Mabilis siyang kumilos at binuksan ng bahagya ang pinto, ngunit kamay niya lang ang inilabas niya. Wala na siyang mukhang maiihaharap kay Bari!

"Here's your..." Inabot sa kanya ni Bari ang isang buong balot ng napkin at... disposable panty!

He knew she needed to change her underwear too... Gusto nang i-flush ni Czarina ang sarili sa toilet.

Mabilis niya nang kinuha ang mga inabot nito. "T-Thank you." Sabay sara ng pinto.

Naayos naman agad niya ang sarili. She washed, she wore the new underwear with the napkin. Tinapon niya na ang maduming underwear na binalot niya nang maigi sa plastic. Ang problema niya na lang ay ang unipormeng natagusan.

But Bari's coat took care of it. Pinatong niya ulit iyon sa mga balikat. Sapat ang haba para matakpan ang natagusan na parte.

Nakayuko ang ulong lumabas siya ng comfort room.

"I t-think I need to g-go home..." Sayang ang sanang pangalawang chance na makapag-"date" sila ni Bari.

"Are you okay now?"

Tumango siya. "I'll clean up the seat of your car..." Dahil sigurado siyang pati doon ay nagkalat siya. Die, Czarina! Dieeeeee!

"No need. I"ll take care of it," he softly said. "Kumain muna tayo."

Nakayuko pa rin siya habang umiiling. "Kailangan kong magpalit ng damit kaya umuwi na lang muna tayo."

NapakuraP si Czarina nang makitang may paperbag na inilahad sa kanya si Bari. Ang tatak sa paperbag ay isang sikat na clothing brand! Gulat na napatingala siya rito. Binili rin siya nito ng damit!

"Change," utos nito. "I'll order for us."

Napakurap-kurap na lang siya nang iniwan nito ang paperbag sa kanya. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa counter.

Pumasok ulit ng comfort toom si Czarina. Binuksan niya ang paperbag at namangha sa laman niyon. May pulang bestida sa loob. Kinuha niya iyon at mabilis na sinuot. Napangiti siya nang sumakto sa kanya ang damit! Her chest is kind of big for her age but proportioned to her body. Nakuha iyon ng bestida na lagpas tuhod ang haba at free flowing. Short sleeves with collar pa. Wow. Magaling pumili si Bari. Kung ito man ang pumili niyon.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon