Chapter Thirty

139K 4.2K 699
                                    

CHAPTER THIRTY

Year 2014.

KINAKABAHAN siya habang mag-isang nakaupo sa maliit ngunit air-conditioned na kuwarto. She hated the fact that she's here...again--on a room full of memories that she just wanted to forget.

Bakit gusto niyang kalimutan? Dahil puno iyon ng mga pagkakamali noong kabataan niya. Young, impulsive, and won't even care a bit about the future...that was her seven years ago. Fine, she was legal in the age of twenty, then. But still, that was young! Ngunit nakakapagod na rin isisi sa kabataan niya kung bakit ganoon ang mga naging desisyon niya noon.

Nakaka-guilty. Nakakahiya.

Napaangat siya ng tingin nang bumukas ang malaking pinto na gawa pa sa kahoy ng narra. Sa unti-unting pagbukas niyon ay para nang nakipaghabulan ang puso niya dahil sa sobrang kaba na makikita niya ulit ang taong...ang taong labis niyang nasaktan.

Napalunok siya nang tuluyan nang pumasok ang taong iyon.

At lalo siyang nanginig dahil sa napakalakas na presensya nito. He's wearing a dark blue three piece suit with a gray necktie. His hair combed clean, and no stubble around his squared jaws. His black eyes was still the same—beautiful yet intense, his aristocratic nose, his lips—thin at the upper, full at the lower, his eyebrows thick but naturally shaped perfectly....

And his presence ever high and intimidating.

Crisostomo Ibarra A. Delos Santos, everybody.

Sinara nito ang pinto at doon prenteng sumandal. Itinutok nito ang mga mata sa kanya. "How are you, Maria Clara?"

Napasimangot siya at napatayo. Her name doesn't compliment her character and attitude. She hated it. It sucks. "Bakit gusto mong magkita tayo?"

Ngumisi ito at iyon ang nakapagbigay sa kanya ng kakaibang kilabot sa may bandang puson. God, why?

"Bakit hindi?" balik tanong nito at saka humalukipkip. Hindi sinasadyang napatingin siya sa suot nitong pilak na relos. It was her gift to him years ago...

Huminga siya ng malalim at inalis ang tingin doon. "May kailangan ka ba? May... kailangan ba tayong pag-usapan pa? Bakit hindi na lang ang mga abogado natin ang mag-usap?" sunud-sunod niyang tanong para mawala ang kahihiyang nararamdaman.

Tumingin ito ng diretso sa kanya at napasinghap siya nang marahan itong lumapit at mabilis na natawid ang pagitan nila.

He stopped right in front of her. Napatingala siya rito at akmang aatras nang hinawakan nito ang braso niya. Tamang higpit lang iyon para huwag siyang masaktan.

Ang daming alaala ang bumuhos bigla. Alaalang hindi niya pinansin sa nakalipas na halos pitong taon. Mga alaalang masaya pero kahihiyan ang dulot sa sarili.

"You never responded to my invitations. I was disappointed. We thought we can be good friends?" he softly asked.

"Nandito naman ako ngayon, ah?" Lumabi siya. "Sumipot na 'ko sa imbitasyon mo."

Pumungay ang mga mata nito nang mapatingin sa mga labi niya at saka itinuon ulit ang pansin sa kanyang mga mata. "I...was worried."

"Y-You shouldn't be." Bigla na lang nanikip ang puso niya.

Unti-unting kumalas ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Ibinulsa na lang nito ang mga kamay at nginitian siya ng buong suyo. "I missed you."

Umangat ang isang kamay nito at marahang inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tainga.

Hinaplos pa nito ang kanyang kaliwang pisngi. "I just want to know how you are doing. Hindi naman siguro masama. Gusto ko ring malaman kung nasa magandang kalagayan ka ba."

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon