Chapter 11: Long Time No See

1.2K 32 2
                                    


=x=x=x JAMIE x=x=x=

Nasira ang araw ko nang makita kong may kasamang iba si Gelo.

Akala ko kami na... akala ko kami na talaga forever, niloko lang pala ako. Ang tanga ko!

Kayakap ko si Jake, siguro yinakap niya ako para kumalma ako.

Hindi ko na ma-kontrol yung sarili ko kaya iniyak ko nalang lahat habang yakap-yakap niya ako.

Mga ilang minuto ang lumipas at huminto na rin ako sa pag-iyak.

Pinunasan ko ang luha ko.

"Ano? Okay ka na? Hanap nalang tayo ng ibang mapupuntahan." sabi ni Jake.

Tumango ako...

Pinag-buksan niya ako ng pinto ng sasakyan at pumasok na ako.

Sumakay na din siya at nag-drive paalis ng theme park.

Tahimik lang ako dahil sa lungkot at alam kong tinitignan ako ng Jake.

Pabalik-balik ang tingin niya sa akin.

"S-saan mo gustong pumunta?" seryoso niyang tanong.

"Kahit saan... basta yung lugar na tahimik at makakapag-isip ako nang maayos." walang gana kong sagot.

"O-okay... ako na ang bahala." sabi niya.

Ang awkward nanaman sa loob ng sasakyan, ang tahimik namin ni Jake.

"Uhh, Jake? Pwede bang mag-patugtog?" bigla kong tanong.

Nakatingin lang siya sa daan...

"Uhh, oo naman... walang problema." sabi niya.

Kaya binuksan ko yung radyo ng sasakyan ni Jake.

>Now Playing: Just Give Me A Reason by P!NK<

Haist! Bakit ba ganito yung mga kanta ni Jake sa USB niya??? Laging sumasakto sa nararamdaman ko.

Oo, sa USB ni Jake nanggagaling yung mga kanta, nakasaksak sa USB slot. Ayaw niya siguro ng mga kanta nung sa radyo mismo.

Magaganda ang mga kanta ni Jake sa sasakyan niya.

Haist! Just give me a reason, a reason why I had to be hurt just because of loving someone too much.

Life is unfair talaga, pero gaya nga ng sabi ko kay Jake kahapon...

Hindi exchange gift ang love, kahit ibuhos mo pa lahat ng pag-mamahal mo sa isang tao, hindi ibig sabihin may matatanggap ka din pabalik.

Baka nga hindi lang talaga kami ni Gelo ang para sa isa't-isa, tulad ni Jake at ni Jessica. 4 years sila naging lovers, pero kahit ganun na sila katagal... nag-hiwalay din sila.

Kainis! Ang sakit sa puso.

"Sana hindi nalang kita minahal, Gelo." bulong ko.

Narinig parin yata ako ni Jake, napatingin siya sakin.

"Tsss, wala ka nang magagawa dahil nangyari na. Ang dapat mong gawin ngayon... ay ang kalimutan siya at mag-move on." seryosong sabi ni Jake.

Napatingin ako sa kaniya... nakatingin na ulit siya sa daan habang nakangiti.

Tama siya... wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. Ang dapat ko nang gawin ay mag-move on.

You're My (Completed)Where stories live. Discover now