Chapter 27: Warning

906 26 0
                                    


=x=x=x JAKE x=x=x=

Sa wakas, nakasama ko na din ulit siya. Patago kaming mag-dedate dahil nga sa sitwasyon namin.

Hindi kami kumain sa restaurant, hindi kami nanuod ng sine, hindi rin kami pumunta sa theme park.

Anong ginawa namin?

Dinala ko nalang muna siya dun sa favorite spot ko. Yung may malaking puno at maraming bulaklak sa paligid habang kita ang dagat.

Nakaupo lang kami nang mag-katabi sa ilalim ng malaking puno.

Magka-holding hands pa kami habang nakasandal siya sa balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag kasama ko siya.

"Uhm... Jake?" sabi niya.

"Yeah?" tanong ko.

Nag-hintay ako ng susunod niyang sasabihin.

"Paano kung may makahuli sa atin? Paano kung may mangyari? Mamahalin mo parin ba ako?" sunod-sunod niyang tanong.

Napangiti ako...

"Siyempre naman... ikaw pa? I'll love you 'til the end of time." nakangiti kong sabi.

Nag-rerelax lang kami sa ilalim ng puno habang pinapakinggan ang hampas ng alon.

"Alam mo, baby alien..." panimula niya.

"Ibang-iba ka sa mga nakaraan ko, hindi ka katulad nila na lahat ginagawang biro, kahit makulit ka, alam kong seryoso kang tao." sabi niya.

Tumawa nalang ako at napangiti.

"At saka... ngayon ko lang na-realise na... ang lungkot pala pag wala ka sa tabi ko. Nasanay na ako na lagi kang nandiyan." sabi niya.

Napangiti ako, nakakakilig naman yung mga sinabi niya. Mahal niya na pala talaga ako, at ganon din ako sa kaniya... mahal na mahal ko siya.

"Nakakatawa dahil... we really hate each others before, tapos ngayon ganito na ang lahat. Siguro sinadya ng tadhana na magka-bangga tayo nung araw na yun." natatawa niyang sabi.

Nakangiti lang ako at huminga nang malalim.

"Actually... ikaw lang naman yung naiinis sa akin dati eh. Ako, hindi ako naiinis sayo noon." sabi ko.

"Wehh? Eh bakit lagi mo akong inaasar dati?" pabiro niyang tanong.

Tumawa ako at sumagot.

"Kasi... ang cute cute mo! Ang sarap mong inisin. Siguro nung nag-kita tayo sa mall noon... gusto na kita." nakangiti kong sabi.

"Huh? Sa mall? Noong album signing mo?? Hindi pa tayo close nun diba? Paano mo ako nagustuhan?" nagtataka niyang tanong.

"Kasi nga, na-challenge yung feelings ko sayo. Nung una kitang makita, parang wala lang... ang sarap mo lang talaga pag-tripan, pero nung nasa mall tayo, parang may iba sa nararamdaman ko, dun naman sa theme park, nung una kitang makitang umiyak, mas lalong naging weird yung feelings ko. Then nung malaman ko na ikaw pala yung crush ko dati na taken na... na-realise ko na mahal parin pala kita. Naisip ko na baka ito na yung chance ko na mapasakin ka kaya ayun... niligawan na kita." kwento ko.

"Wow... ang sweet ah..." sabi niya.

Napangiti nalang ako.

"Huwag kang mag-alala... hindi ka mag-sisisi na tinanggap mo ako. Ipapakita ko sayo kung gaano kita ka-love." sabi ko.

You're My (Completed)Where stories live. Discover now