Chapter 23: Take care of Her

103K 3.1K 190
                                    

LIANNA's POV

Apat na araw na simula nung nanggaling kami sa White Palace. Hindi ko yun makakalimutan kasi ang ganda talaga dun.

Sabado na ngayon at wala akong magawa.

Makakain na lang nga sa canteen. Nagutom ako bigla.

Pagkarating ko pumunta agad ako sa may kuhaan ng pagkain. Syempre ako pa edi marami ang kinuha ko.^__^

Teka lang ha. Pagpasok ko kunti yung tao tapos ngayon halos wala ng maupuan, kumuha lang ako ng pagkain ah.

Sabihin nga nila anong meron.
Saan na ako pupwesto dito *pout*

"Ayy" sinamaan ko naman ng tingin si Blake. Binangga ba naman ako muntik ng matapon yung pagkain ko.

"Sorry. Ako na lang magdadala" sabay kuha niya sa pagkaing dala ko pero may naiwan rin. Di na lang dinala lahat joke.

Pumunta naman kami sa table na lagi namin kinakainan kapag kasama ko yung mga royalties.

Bakit ko nga pala di naisip no.

Nilapag nya naman yung pagkain. Umupo naman ako sa upuan at umupo din sya sa harap ko.

"Wala kang balak kumain" wala kasi syang dalang pagkain.

Tumingin naman sya sa pagkain ko tapos sa akin, sa pagkain ulit tapos sa akin ulit.

"Waaa...akin ito kumuha ka sa iyo" bigla naman syang nagpout. O__O ang cute.

Inis-nob ko lang sya. Basta pagkain hindi ako namimigay.

Tumayo naman sya nang naka pout. Tah ayun sigawan yung mga fans nya. Bahala sya dyan.

Nagtuloy-tuloy lang ako ng kain.
Ang sarap talaga.

"Booo"

Waah tubig, tubig.

"Oh leader oh"

Uminom muna ako ng tubig saka masamang tumingin sa mga taong nanggulat sa akin. Ghad ayaw na ayaw ko yung ginugulo ako kapag kumakain.

"Ops sorry leader"- Yinn
"....."
"Leader sorry na. Wag ka naman ganyan tumingin, nakakatakot"- Alkyl
"......"
"Oo nga leader, namiss na kasi namin ikaw"- Fiara
"......"
"Leader napipi ka na---aray ko bakit ka ba nangsapak Yinn"-Trey

"Malamang galit yan sa atin, sabihan mo pang napipi"-Yinn

"Sorry naman"-Trey

Mga baliw.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila, sa halip na sagutin yung tanong ko, tumingin sila sa paupong Blake sa harap ko.

"Hello Prince Blake" - Yinn/Fiara

Tiningnan naman sila ni Blake saka tumingin ulit sa pagkain niya.

"Nice talking" tumingin naman sa akin si Blake.

"Di ikaw yun sila yun" sabay turo ko sa mga kagrupo ko.

"Leader aalis na pala kami, bye congrats uli sa sunod ulit, nagde-date ata kayo baka naka-abala pa kami" -Yinn

Nagulat ako sa sinabi nya pero nagwave na lang ako ng kamay sa kanila.
Nagsimula naman akong kumain ng pagkain.

"Nga pala sabay ka daw magdinner sa amin mamayang gabi sa Royalties Dorm" aniya at tumingin sa akin.

"Pero di ko alam kung saan yun?"

"Susunduin ka mamaya sa labas ng Gold Dorm nina Cathy at Angelica, 7:00 pm."
Tumango naman ako.

Nung natapos na ako kumain, nagpaalam na ako sa kanya. Nguniti lang siya at ganun din ako.

*****

6:40 na.

Nakabihis lang ako ng white t-shirt at pink skirt na hanggang kalahati ng legs ko. Nakawagwag lang yung mga buhok ko and then gora na.

Nagpaalam naman ako kay Jess . Paglabas ko nandun na sina Cathy at Angelica.

"Sorry pinaghintay ko yata kayo"

"Wow ang ganda mo talaga Lianna" nginitian ko naman si Cathy.
Si Angelica naman nakangiti lang.

"Thank you"

"Halika na." aniya at hinila ako.

ANGELICA's POV

Agad naman kaming nakarating sa Royalties Dorm, gold din ang kulay nito. Malayo ito sa Gold Dorm at tago sa tabi ng garden ng Acedemy.

"Wow ang ganda, dito pala ang dorm nyo. Adtig"- Lianna

Napangiti na lang kami ni Cathy sa kanya.
Dyosa. Yan ang maii-describe sa kanya.
Kahit simpleng ayos lang.

Mabait din siya at malakas.
Na-aastigan nga ako sa kanya pagdating sa pagkontrol ng kapangyarihan niya.
Kahit na sub-element lang ang hawak niya, marami siyang naiisip at ginagawang sandata gamit ang mga halaman niya.

Lalo na yung laban nila nung final ni Keith astigbtalaga. Parang ang labas Aether vs. Aether.

"Pasok na tayo"

"Sige haha"

Mabuti na lang hindi sya mahirap pakisamahan.

Sa totoo lang niyaya namin sya para makilala pa sya. At pati na rin para mapalapit pa sa kanya dahil...

-FLASHBACK-

"May kahilingan lang sana ako sa inyo mga Royalties"

Ano naman kaya yun, bakit kaya seryoso si HM Sapphire.

"Alam kong alam nyo na malakas si Lianna, na kaya nyang pantayan sa pakikipaglaban si Keith at dahil doon maaari syang gamitin ng kalaban natin sa atin. Mahirap na, yung aura na naramdaman natin na mula kay Ulter Dark, isa na yung babala, pati na din yung nangyari dalawang araw ang nakakalipas, alam kong siya ang puntirya nun.

Kaya sana Take care of her, alam kong mabuti sya" Tumango naman kami bilang pagsang-ayon.

Iingatan namin sya, magaan ang loob ko sa kanya para sa akin isang kaibigan ang turing ko sa kanya.

-END-

Kaya simula nun lagi na kaming nakabantay sa kanya nang hindi nya nahahalata.

Sa totoo lang masaya ako. Nagkaroon na kami ng kaibigan na tunay. Nang dahil sa kanya nagbago na rin si Keith.

Sinalubong naman kami ni Clide.

Sa totoo lang hindi kami ang nagluto kundi yung mga lalaki, kasi nga kami ang magsusundo sa kanya. Dumiretso naman kami sa may dining area ng dorm namin.

Yung style ng dorm namin eh yung tulad sa iba na maraming kwarto sa isang dorm room.

LIANNA's POV

Ang ganda dito sa dorm nila. Grabe nakakainggit. Kung ganito lang yung dotm namin ay mas pipiliin kong hindi na lang pumasok haha.

Habang naglalakad sila nakasunod lang ako. Papunta yata kami sa dining area nila.

Wow ang bango ng pagkain.
Naamoy ko na. Nakaka-excite naman hehe.

Pagdating namin doon ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan sina Blake at Keith sa mahabang mesa.

Umupo naman ako sa tabi ni Cathy. Napagitnaan nila ako ni Angelica.

Nakakatawa nga silang dalawa kasi  agawan sila sa pagkuha ng pagkain para ilagay sa plato ko. Pinapabayaan ko lang at ngumiti sa kanila.

Hanggang sa napuno na lang yung plato ko. Ayos lang kulang pa yata yan.
Ako pa basta pagkain haha.

Nagtawanan na lang kami dahil sa kanila bago nagsimulang kumain.

Chance ko na ito pero bakit hindi ko magawa.

***
-btgkoorin-

White AcademyWhere stories live. Discover now