Chapter 34: Prophecy

82.9K 2.5K 313
                                    

WHITENS QUEEN KAYLAH's POV

"Bakit honey?" tanong ng aking asawa.

"Gabi-gabi nagpapakita sa panaginip ko ang pigura ng Goddess Altherra, tapos kagabi lang may sinabi sya about sa prophecy"

" Ano daw?"

"'Your son were destined to my Daughter' tapos sabi nya mararamdaman daw natin yung aura nya sa anak nya"

"Ha! Pero paano"

"Iniisip ko sila Keith at Lianna, paano na sila" napaupo ako sa may kama at tinanaw ang White Academy sa bintana.

"Mahirap man pero kailangan nilang maghiwalay"

"Pero-" hindi ko alam ang gagawin?

"Tanda mo ba ang sabi sa atin ng mama, kapag di natin sinunod ang prophecy magkakagulo sa mundo natin" napayuko ako. Tanda ko pa yun.

"Sana si Lianna na lang ang anak nya para di na mahirapan sila" Sana.

"Kaya lang nung pumunta sya dito diba wala tayong maramdaman na aura ng Goddess sa kanya" tumango ako sa kanya. Wala kaming naramdaman sa kanya. Ang isang anak ng goddess ay agad mararamdaman ang prisensya nito kahit gaano pa kalayo.

"Kaya't hanggang maaga pa sabihin na natin sa anak natin at sya na ang bahalang magsabi kay Lianna, masakit man pero kailangan"

"Pero wag natin syang biglain, bago pa lang ang relasyon nila, bagay pa naman sila..." nilapitan niya ako at niyakap. Hindi ko mapigilang hindi lumuha para sa anak ko. Kaligayahan niya ang aalisin sa kanya.

"Shh. Wag ka umiyak"

"Kasi nga ngayon lang nagbago ng ganyan ang anak natin dahil kay Lianna tapos...tapos maghihiwalay sila"

"Wala tayong magagawa"

Bakit ba to nangyayari sa anak ko?
Masaya na sya eh.

Saka pa dumating problema na ito.
Sorry anak wala akong magawa para sa inyo ni Lianna.

LIANNA's POV

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng maging kami ni Keith at saka hinding-hindi ko makakalimutan yung first date namin.

Sana makapunta ulit kami dun.

"Tara na Lianna, Hindi ka pa yata naka move-on sa date nyo" tinawanan ko lang siya.

Alam nyo improving na si Jess, move-on na sya kay Keith Hubby haha.

"Psh. Gusto nya lang makita si Reese eh" Bigla naman syang namula.

Tandaan nyo yung katabi nyang gwapo din haha. Yung Qarrsette ang apelyido.

Alam na rin ni Keith na may gusto sa kanya si Jess dahil sinabi mismo ni Jess harap-harapan. Ako yung nagsuggest haha para naman mabawasan yung dinadamdam nya.

At alam nyo ba naging reaction ni Keith?

'Tapos' yung ang lumabas sa bibig nya kaya binatukan ko, nandoon din kasi ako. Kasi nga ako ang pasimuno.

Nakakainis kasi yung tipong nagtapat ka tapos yung sasabihin lang ay 'tapos'. Sanay na kasing may nagtatapat sa kanya kaya ganun.

Nakwento na nya din na halos Isang daan yung nabasted nya. Lupit noh. Paano niya kaya nabilang ah?

At unang-una dun si Roxanne, kababata kasi nila. At dati nang patay na patay sa kanya kaya ayun natuluyan. Joke lang.

Kasama na din sa isang daan si Jess at sya ang panghuli.

White AcademyWhere stories live. Discover now