11.

61 2 0
                                    

Ilang araw na din akong nagkukulong sa kuwarto ko. Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Pati nga ang pagkain ko'y napapabayaan ko na.

Sa tuwing tinatanong ako ni Lola kung anong nangyayari sa amin ni Strike, iiwas lang ako. Minsan naman ay ngingitian ko lang siya at aalis na. Ayokong sabihin sa kanya yung mga nangyari. At meron pa nga bang nangyayari sa amin kung ang mismong relasyon namin ay tapos na di ba.

Kasalukuyan akong nakatulala sa may bintana ng kuwarto ko habang binabalikan ang mga alaala namin noon nang may kumatok.

"Luisa, apo. Buksan mo naman 'tong pinto. Ilang araw ka ng nagkukulong sa kuwarto mo, napapabayaan mo na tuloy sarili mo. Buksan mo na tong pinto mo, apo." Saka siya kumatok ulit.

"Lola naman, ang kulit mo po. Kung papakainin niyo lang po ako, wag na po. Ayoko pa pong kumain. Kaya please lang 'La, hayaan niyo na lang po ako." Sabi ko habang nagsusumikap na wag niyang mahalata na umiiyak na naman ako.

"Aish, ang kulit mo talagang bata ka. Nandito ako kasi kakausapin ka daw ng Tita Linda mo. Kaya tumayo ka na diyan at kunin mo na tong cellphone."

"Opo." Saka ko pinunasan ang mga luha ko at naglakad na.

Titig na titig sa akin si Lola nang buksan ko ang pinto.

"Umiyak ka na naman, ano?" Mataray na tanong niya.

"Ha? Hindi po 'La."

Binatukan naman niya ako ng mahina. "Sinungaling ka. Anong hindi? E namumugto pa nga 'yang mga mata mo! O siya, kunin mo na ito't nang makapag-usap na kayo ng Tita Linda mo." Kinuha ko naman sa kanya 'yung phone. "Mag-uusap tayo mamaya, Luisa." Sabi niya habang pinandidilatan pa ko ng mata.

"Opo na po." Napapakamot sa ulo kong sabi. Nang makaalis na siya, dali-dali kong sinara ang kuwarto ko at umupo sa kama.

"Hello po?"

[Hi pamangks!] Tss, si Tita talaga kahit kailan, haha!

"Hi po. Uhm, kamusta ka na po?"

[Ako pa talaga kinakamusta mo ha! Ikaw kamo diyan! Ano tong naririnig kong lagi ka na lang daw nagda-drama diyan, aber?!] Parang kanina lang, ang saya-saya niya. Tapos ngayon naman, nagtataray na siya. Tss, si Tita Linda talaga. 

"Hehe, wala lang po 'yun." Sinabayan ko pa ng pilit na tawa.

[Yung totoo, Luisa De Lara?]

"Wala nga lang po yun, hehe." Nag-isip naman ako ng pwedeng gawing topic. "Nga pala Tita, bakit ka po napatawag?"

[Ay oo nga pala, yung tungkol dun!] O di ba effective, mwehe. [Kukunin kita para dito ka na sa States tumira.]

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

[Pamangks, nandiyan ka pa ba?]

"Ay, opo. Ano nga po ulit yung sinasabi niyo?"

[As I was saying, kukunin kita at dito ka na sakin sa States titira. You'll study here to take your Masteral's Degree. Actually, matagal na na-set 'tong plano na 'to. Matagal na naming napag-usapan ito ng Lola mo. We're just waiting for your answer. Is it a yes or a no?]

Natulala ako sa sinabi niya. Masyado lang akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na kukunin pala ako ni Tita.

[Luisa? Are you still there?]

Natauhan naman ako nang muli siyang magsalita. "Ah, yes po. Hmm Tita, pwede po bang humingi ng oras para pag-isipan ko po muna ang magiging desisyon ko? I'll call you right after."

[Fine, take your time. Just make sure you'll call me. Pag-isipan mo ng mabuti 'to, Hija. This is for your future anyway, so I think this is really an advantage.]

"Sige po, bye. Ibibigay ko na po kay Lola."

[Okay. Pero ikekwento mo pa rin sakin yung mga drama mo diyan a!]

Natawa naman ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman nawala na sa isip niya, hindi pa rin pala ako ligtas. "Sige po, bye."

[Sige bigay mo na kay Lola mo. Bye, pamangks!]

***

"Apo, talaga bang iiwan mo na kami dito sa Pilipinas ng pinsan mo?" Naiiyak na tanong ni Lola.

"Lola naman e! Kung makapagsalita ka naman diyan, akala mo naman mamamatay na 'tong si Luisa!"

Agad kong hinampas si Irene at sinamaan siya ng tingin. "Ayusin mo yang bunganga mo."

"Hehe, joke lang! 'To naman si insan, di na mabiro!" Inirapan ko lang siya saka binalingan si Lola na ngayon ay umiiyak na pala talaga.

"Haha! Lola naman e. Dadalaw-dalaw naman po ako dito e. Isasama ko pa si Tita Linda kung gusto niyo."

"Mag-uwi ka ng sandamakmak na chocolates insan a!" Excited na sabi ni Irene.

"Loka! Wala pa nga e, haha!" Then she pouted.

"Basta apo, mag-iingat ka doon ha! Lagi mo din kaming tatawagan ng pinsan mo. Saka pag may nanligaw sayo doon, wag mo muna agad sasagutin kung ayaw mo matulad ng nangyari sa inyo ni Strike!" Oo, alam na ni Lola lahat. Si Irene naman kasi e, napakadaldal. Ayan tuloy, galit na galit na si Lola kay Strike.

"Haha! Opo na po. Kayo rin po mag-iingat kayo lagi ni Irene dito. Lagi rin po akong tatawag dito." Saka ko siya nginitian at niyakap ng mahigpit. "Sige na po 'La, baka ma-late na po ako sa flight ko e."

"Sige, I love you apo."

"I love you too, Lola."

Nabigla naman ako nang may humila sakin. Pagtingin ko, si Irene lang pala. "Problema mo?"

Bigla niya akong niyakap at pinalo sa likod habang yakap-yakap pa din niya ako. "Nakakainis ka naman Luisa e, pinapaiyak mo ko!"

Natawa naman ako saka siya niyakap ng mahigpit.

"Alagaan mo si Lola dito, Irene. Magpakaayos ka. Maghanap ka na din ng trabaho para makatulong ka sa pamilya mo at kay Lola!"

Natatawa naman siyang umalis sa yakapan namin. "Opo, Nanay!" Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya.

"Gagi!" Saka ko siya natatawang binatukan.

"Pag nakita mo doon si Strike, i-torture mo yung hayop na yun. Saka wag mo na siyang mahalin ulit, kundi kakalbuhin kitang babaita ka!"

"Shunga, di ko na makikita yung gagong yun doon." Saka ako ngumiti. Pero kahit ako medyo napaisip din, hindi na nga ba talaga?

"Alam mo Luisa, mamimiss kita kahit para kang baliw at kahit lagi kang mukhang tanga kakaiyak."

"Alam mo Irene, mamimiss din kita kahit sobrang laitera ka." Saka kami nagtawanan.

"Siya sige na, aalis na ko baka maiwanan pa ko. Mag-iingat kayo dito a, babalik din ako." Saka ko siya nginitian at umalis na.

Nang medyo makalayo na ko, nilingon ko sila. Nandoon pa rin sila. They smiled and waved at me so I did the same thing. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Yes, pumayag akong mag-aral sa States. Naisip ko din kasing tama si Tita Linda na makakatulong 'to para sa future ko. 

Makakatulong din 'to para makalimutan ko na si Strike. Kung lagi ko kasing makikita yung mga bagay at lugar na may kinalaman sa kanya, palagi ko lang din siya maaalala. Kaya okay na 'to.

Hindi ko na rin naman siya siguro makikita sa States. Malaki ang States at masyadong maraming nakatira doon kaya imposibleng muling magkatagpo ang landas namin ni Strike.

Strike, makakalimutan din kita.

•The End•

Loyal HeartWhere stories live. Discover now