T25- "Alam ko, oo"

352 1 2
                                    


                         "Alam ko, oo"


Simpleng umaga para sa simpleng tao

Gigising, kakain, maliligo, di nagbabago

Yung tipong mala-pelikulang  mga senaryo

Ganun lang kung umikot ang aking mundo.


Pero minsan nakakapagod rin pala

Yung tipong sa bawat araw ikaw'y mag-isa,

Yung pakiramdam na wala kang kasama

Napapaisip ka'ng tumandang dalaga.


Lampungan sa tabi mo abot hanggang kanto

Magkadaupang palad dumadaan sayo

Na para bang nang-aasar at nanggugulo

Tila nang-iingit eh, sarap hagisan ng bato!


Nalilito at nagtataka, aba ewan ko!

Di naman ako pangit pero ba't ganito?

Sa dinami nang tao, malas ata ako

O sadyang sira na mata ni kupido?


Hindi naman sa nagmamadali ako

Masama na bang magtaka sa panahong to?

Matagal pa ko lumagpas sa kalendaryo

Pero ayaw ko namang olats lovelife ko.


Alam ko, oo na may magpapantasya.

Alam ko, oo na may plano rin Sya (God).

Siguro pasensya ko dapat habaan pa,

At mas magtiwala sa tiyempo Niya(God).





Ps: 

@Krungkae : Wala na akong utang sa iyo ha. Salamat sa pagrerequest, sana magustuhan mo.

Ayan , eto na ang bagong tula na ginawa ko. One (1) down , more request to go. Maraming salamat sa paghihintay at pag-intindi 😊 God bless po!


-Pneumonae

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon