T26- "Madaya"

414 3 2
                                    


                              "Madaya"


Ang tunay na pagmamahal di sumusuko

Di nagpapatinag sa kahit anong pagsubok

Laging nagbibigay, hindi  nagdadamot

Kaligayahan ng bawat isa di sinusubok.


Sa pagmamahal dapat matibay ka.

Sa pagmamahal dapat kumakapit ka

Higpitan mo, wag basta lang magpatalo

Lumaban ka, lumaban kayong dalawa!


Yan ang prinsipyong pinaninindigan ko,

Prinsipyong lagi pinanghahawakan ko,

Prinsipyong sa kanya ay itinuro ko,

Prinsipyong rason ng pakokonsinte ko.


Mahal ko sya at mahal niya rin daw ako

Akala ko eto na, liligaya na ako.

Akala ko talaga na panahon ko na,

Di pa rin pala, yung nauna pa rin pala.


Ang sakit, sobrang sakit lang talaga eh!

Lumalaban ako sa gyera ng mag-isa,

Sa gyerang simula pa lang talo na ako,

Sa gyerang kami dapat dalawa ang manalo.


Pantapal, pangtago at panakip ng butas,

Ganyan ako sa kanya, sobrang sakit diba?

Minahal ko naman sya, ba't gan'to ganti niya?

Wala lang ba ang pag-ibig ko sa kanya?


Madaya, sobrang daya ng pagmamahal

Yung akala mong hinog, eto hilaw pa pala

Madaya, sobrang napakadaya niya

Buong pagmamahal na alay, kulang pa rin ata?




PS: 

Two(2) requests down, more requests to go! 😊 God bless ams 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon