Chapter 3

7.3K 264 10
                                    

Hindi maganda ang tulog ko. Ginambala ako ng mga kaluskos. Pakiramdam ko may nakatingin sa amin mula sa labas ng kubo ni Tonyo habang nasa loob kami. Pakonsuelo na lang ang masarap na kape ni kapitana. Kahit paano nagising ako at nagawa ko ang pagbisita sa komunidad ng mga katutubo at nakapag-dokyu ako ng iilan sa kanila. Nag-alok ng makakain ang mga katutubo pagsapit ng tanghalian at nakikain na rin ako dahil sa gutom. Hindi ko na inisip kung malinis ba ang pagkaluto.

"Hay sa wakas. Footages na lang ng communities at pictures, okay na ito." Niligpit ko ang tripod at camera ko.

"Carlo," mahinahong tawag sa akin ni Tonyo, "gusto mo pumasyal sa talon?"

"Talon as in Falls?"

Tumango si Tonyo. "Maganda kasi doon. Pwede ka kumuha ng mga litrato doon."

"Talaga?" Nasabik tuloy ako. "Sige."

Sumakit ang mga binti ko sa tarik ng nilakaran namin patungo sa falls. Tagaktak ang pawis ko na iniibsan naman ng malamig na simoy ng hangin. Sulit naman ang pagod nang marating namin ang talon. Maganda ang lugar. Mabagsik ang pagbulusok ng tubig sa talon. Ilang minuto kong ginala ang tingin ko sa paligid. Basang basa ang rock formation sa magkabilang gilid ng talon.

Binasa kami ng tilamsik ng tubig. Hindi ko na nailabas ang gamit ko dahil mababasa. Hindi ko naihanda ang weather-proof case ng camera. So tinanaw ko na lang ang magandang tanawin at kinunan ito ng larawan gamit ang cellphone ko.

"Maligo tayo, sir." Naalala niya yata na ayaw kong tawagin nila akong sir. "Carlo pala."

"Wala akong dalang damit."

"Maliligo ka bang nakadamit?" mahinahon niyang tanong. May tinatago pa siyang pagkasarkastiko. Pero nang lingunin ko siya payapa lang ang kanyang mukha, walang bahid ng pagiging sarkastiko. Wala siyang pakialam na naghubad ng mga damit niya. Napalunok na lang ako nang tinira niya ang lumang brip na nalulukot na ang garter at manipis na. "Hindi ka ba maliligo?"

"Ah..." Natuyo ang lalamunan ko nang makita kong tinanggal niya pati ang natirang salawal. Napalunok ulit ako at umiba ng tingin.

Lumusong siya sa tubig. Nasilayan ko ang ngiti sa kanyang mukha. "Masarap ang tubig." Lumangoy siya tungo sa gitnang bahagi ng tubig. "Carlo, halika na!" Kaya niya palang magmukhang masaya. Binasa ng tubig ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Lumangoy siya pabalik at umahon. "Maghubad ka na rin." Maganda pala ang mga ngipin niya. Tuluyan siyang umahon mula sa tubig. "Sige na, para may kasama akong maligo."

Uminit ang leeg ko. Toned ang katawan niya. Batak din siguro sa gawaing bukid. Tamang tama lang ang kulay ng balat niya. Hindi maputi. Tama lang ang pagiging kayumanggi niya. Wala siyang pakialam na nakabuyangyang ang pagkalalaki niyang napalibutan ng malagong buhok. Muli kong iniba ang tingin ko.

"Hindi ba malamig?"

"Hindi, masarap ang tubig dito." Muli siyang lumusong. "Dito ako naglalagi kapag wala akong ginagawa."

Dahan-dahan kong inalis ang butones ng luma kong polo.

"Huwag na ho kayo mahiya. Tayo lang naman ang nandito." Nakumbinsi na ako ng ngiti niya.

Hinubad ko na ang mga suot ko at nilagay kasama ng mga damit niya.

"Sir, ah, Carlo pala, hubarin mo na lahat ng suot mo, tapos isuot mo na lang mamaya."

"S-sige." Kahit medyo nahiya ako, hinubad ko na rin ang briefs ko. Baka naman kasi isipin niya ang selan ko. Tinakpan ko na lang ang ari ko habang lumulusong.

"Di ba masarap ang tubig?" Ngumiti siya.

Tumango ako. Masarap nga ang tubig. Tama lang ang lamig niya. Lumangoy siya patungo sa bahaging malapit sa talon. Umupo siya sa tilad na dinadaluyan ng mahinang agod ng tubig. Nagtampisaw siya habang nakaupo. Tinatawag niya ako. Dahil ayaw ko magpakipot, lumangoy na ako at tinungo siya. Hindi ako kasing fit niya kaya nahirapan akong hilahin ang sarili ko paupo sa tilad.

Ang Lalaki sa SitioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon