17

2.1K 85 11
                                    

17. Shout out to my ex


Mesha POV:


"o? ba't andito ka?" umirap sakin si kylie


problema nito? -.-


"gusto ko lang ng kausap" sabay upo ko sa sofa


nasa bahay ako nila kylie ngayon


"at ako ang kakausapin mo? ganun ba? tch! jusko mesh! alas dose na, kung ayaw mong matulog, patulugin mo naman ako!" tch ang ingay talaga nitong babaeng to


"tsk, wala na nga akong mapuntahan kundi ikaw" umirap ako


"ayuuuun! meron pa! si rence! dahil busy ako sa pagbu-beauty rest!" napapikit ako sa kaingayan ni kylie


natahimik ako ng sandali dahil sa narinig ko nanaman yung pangalan nya


tss... gusto ko pumunta sa lugar na hindi ko maririnig ang pangalang 'rence' o 'lourence'


nabu-bwiset ako!


"may kasama ka ba dito?" pagiiba ko ng topic


"meron" 


"sino?" -ako


"si kuya drake, tulog na sya! bat mo ba tinatanong?!" sigaw pa nya


"anong oras na?" tanong ko


"tch! 12:28 am" sabi nya


"o? ba't ka sumisigaw? mamaya sugurin ka ng mga kapit bahay mo dahil napaka ingay mo" napakamot sya ng ulo


tch, babaeng 'to talaga


"kainis kasi, may lakad pa kami ni steve bukas eh!" at kailan pa nagkasundo si steve at 'to?


"may di ka ba sinasabi sakin?" kumunot ang noo nya


"feeling mo ikaw nagsasabi ka pa tungkol sa buhay mo?! aba't naging mesha ka lang tinalikuran mo na ako!" pagnunumbat nya


hays! hindi ba makakausap 'to ng hindi nakasigaw?!


"kaya nga ako nandito kasi magkwekwento ako!" sigaw ko


sumigaw na din ako dahil nakakabwiset na 'tong kausap ko


"hays, pwede naman kasing bukas eh!" umupo sya sa sofa na tapat ko 


"o? edi sige, aalis na ako, bukas nalang" tatayo na sana ako ng pigilan nya ako

A Rude Boy Still In Love With Her (ARBFILIANG Book 2)Where stories live. Discover now