Chapter 2

10 0 0
                                    

Shelly's Pov

"HAHAHAH"

"BILISAN MO BILISAN MO!"

"ANDYAN NA ANG BAKULAW!"

Tawang tawa kami habang pinapahabol namin si Jassie. takbo lang kami ng takbo. Bilis lang kasi tumakbo ng bakulaw na yun eh. Taas ng height, eh syempre mataas ang biyas. As if naman ang tangkad ko rin diba?

Eh hindi eh. Ang PANDAK KO. PERO CUTE PARIN.

Habang tumatakbo kami, napansin naming hindi na nakasunod si Jassie. Napagod ata yun. Huminto kami habang hingal na hingal din.

Bumalik kami at hinanap sya, Inikot namin ang mga tingin namin habang naglalakad pabalik sa insaktong dinaanan namin kanina. At ilang saglit pa ay nakita namin sya'.

Langya natapilok pala HAHAHAHA!

Eh kaya naman palaaaa, may nakabundol ata sa kanya. At talagang malapit nasyang masubsob sa semento. Sayang hindi natuloy.

"Siguro badtrip nayun." sabi ni  Elly habang nakatingin kaming lahat kay Jassie sa hindi kalayuan.

"Puntahan na natin. Tara." paanyaya ni Roch. Hinila nya kaming lahat papunta kay Jassie.

Pero napahinto kami at nagtago sa likod ng halaman na hindi naman kalakihan. Para kaming mga unggoy na nakakabit sa halaman. Nakita naming hinila at tinulungan sya ng lalaki. Nakatalukbong talaga kaming lahat na nakatago sa likod ng halaman. Para kaming mga sira. Pfft.

Pero infairness ha, ang gwapo ng guy. Matangkad, mestizo, chinito. Ah basta! Gwapo. Parang naka jackpot ata tong kaibigan namin ah.

Makalapit nga, para makasira ng moment.

"Hoy Jassie! anyare sayong babae ka. Ba't...," napatigil ako sa pagsasalita nang nakita naming may dugo ang dalawang tuhod nya. Luh nasubsub ata talaga tong babaeng to, ang sama siguro ng bagsak. Tsk.

"Halaaaa! hoy lalaki anong ginawa mo sa kanya!"

Nagkatinginan si Jassie at ang guy. Hay naku para paraan tong bakulaw nato ah.

"Ah hindi, nadapa lang.. okay lang ako." sabi ni Jassie habang kinakamot ang batok nya. Makati te? Anong okay?

"Ah hindi, hindi rin kasi ako tumitingin sa daan eh. Pasensya kana miss ha. Dalhin kaya kita sa clinic."

"Ah hindi okay lang, wala to. Malayo sa mukha ko. hehe."

"Anong okay lang? malapit kana ngang masubsob sa semento eh. Sumama kana kasiii." sabi ni Ais habang tinutulak si Jassie ng mahina. Pacute pa kasi tong si Jassie. Eh gusto naman.

"O.A. nyo ha! di pako mamamatay oy! Pero sige na nga." Padabog na sabi ni Jassie. At unti unti nang umusad ang paglalakad patungong clinic. Eh papayag rin pala eh.

Habang naglalakad kami papuntang clinic, alalayng alalay ang guy kay Jassie. Aba aba hokage din to ah. Mabara nga..

"Ahm excuse me kuya, or schoolmate or whatsoever. Kasi napansin ko, kanina pa, hindi pa namin alam pangalan mo eh. So sino ka nga ba? Ako nga pala si Shelly." sabi ko Sa guy at inabot ko yung kamay ko. Eh syempre dapat rin naman namin malaman pangalan nya' no.

"I-I'm Raven." nakig shake hands din sya at isa isa namang nagpakilala ang mga friends ko. Mga inggiterang frog. Hindi talaga nagpapahuli. Sus!

"Ako nga pala si Elly."

"Ako si Roch."

"Hi, Im Ais."

"h-hello, i'm yours nga pala."

Aba't humohokage din tong isang to ah!

Pok!
Binatokan namin si Charisse. HAHAHAA HARSH NO.

"Aray!"

"Magpakilala kang maayos leche" i rolled my eyes while telling her that. Ang harot ha. Ang harot.

"Just kidding, I'm Charisse nga pala."

"Nice meeting you all." nakangiting sabi nya' sa amin.

At hindi namin namalayan, nasa tapat na pala kami ng clinic. Pumasok agad kami at pinagamot ang sugat ni Jassie. Inasikaso naman sya' agad nd nurse.

"Waaaag! wag nyo hong lagyan ng alcohol. Mamamatay ho akooo!" sigaw ni Jassie.

Baliw tong bakulaw nato. Takot talaga sa alcohol. Mamamatay daw? tsssss. Kung di lang talaga masakit ang sugat nito baka binatokan ko na.

At dahil sa sigaw ni Jassie, napatawa kaming lahat ng bahagya, pati na yung Raven at ang nurse.

"Hindi, hindi kapa mamamatay nito. Tubig lang to na panlinis ng sugat mo iha." sabi nung nurse na parang matatawa na talaga.

----0-------

Pagkatapos malinisan at magamot ang sugat ni Jassie, ay lumabas agad kami ng clinic at nagpasalamat sa nurse.

Nagyaya na si Charisse na pumunta na kami sa MG Mall. Kaya nagpa alam na kami kay Raven.

"Bye Raven!" sigaw ni Elly at kumaway rin kami kay Raven.

Kumaway din Si Raven at tumingin syang bigla kay Jassie at may pangiti ngiti pa. Alam ko na to, nakikita ko na ang pattern.

Tumalikod na kami at nagstart nang maglakad palabas ng gate.

To be continued..

It's Always HerWhere stories live. Discover now