Chapter 5

3 0 0
                                    

              

FLASBACK

Inside the private room in the hospital of Jassie's mother.

"Mom, please, please fight for us. Pleeassee...Please lang ho. 'wag muna kayong sumuko ma." Jassie told her mom while crying.

"Anak, I'm so sorry." sabi ng mommy ni Jassie habang niyayakap sya. "I can't be with you na anak, pagod na ako. At ayoko ko ring makita kang nahihirapan dahil sa kondisyon ko anak. Kayo ng daddy mo." dagdag ng mommy ni Jassie habang nahihirapan nang magsalita.

"No ma, hindi pwede yan. Lumaban ka ma. Andito lang kami. Wag kang magsalita ng ganyan. Hindi pwede ma." sabi ni Jassie sa mama nya habang humahagulgul ng iyak at niyayakap ang mommy na.

"I love you so much anak. I love your dad too. Kaya mas mabuti na to. Magpapakabait ka sa daddy mo. Wag pasaway anak. Okay?" sambit ng mama ni Jassie habang hinimas himas nya ang ulo nito na nakayakap sa kanya.

Lumalakas pa lalo ang pag iyak ni Jassie. Hinigpitan nya ang yakap sa mama nya. Hanggang sa naramdaman nyang hindi na nakayakap ang nanay nya sa kanya. Napaupo sya ng maayos at tiningnan ang mommy nya.

"MA?! MAAA?! NO HINDI PWEDE MAAAA?! MA GUMISING KA! 'WAG NYO HO KAMING IWAN NI PAPA. MA ANO BAAA!" sigaw ni Jassie habang ginigising ang mama nya. Hindi na tumigil ang pag agos ng luha sa mata nya. Hindi na minumulat ng mama nya ang mga mata nito. Ngunit pilit nya parin itong ginigising. Parang umiikot ang paligid ni Jassie at wala na syang ibang maramdaman kundi kalungkutan lamang. Alam nyang nariyan ang kanyang daddy sa tabi nya. Umiiyak, hopeless, lugmok sa kalungkutan ang nadarama.

It's Always HerWhere stories live. Discover now