2

62 0 0
                                    


  Kung iyong susuriing maigi , malaking porsyento ng mga kababaihan ang nakakaranas ng tinatawag nilang FRIENDZONE.

Kasi ang mga babae, madaling ma fall. Kahit kunting bagay lang na ginagawa ng isang tao para sa kanya e binibigyan na nila ng napakalaking kahulugan. Na kong iyong iisipin mabuti e wala naman talagang meaning. Simpleng bigay ng pagkain, simpleng pagsama sa isang lugar, simpleng pagbigay ng regalo, simpleng pagsabi ng mag-ingat ka, kala na nila yon na yung SIGNS OF LOVE. Mga senyales na kuno gusto ka ng isang lalaking gagawa sayo niyan. WAG MAGING ASSUMING. NAKAKAMATAY.

Palagi mong itatak sa utak mo na hindi mo pwdeng bigyan ng kahulugan lahat ng bagay na gagawin sayo ng isang lalaking itinuturing mong kaibigan o crush. Kasi kapag nag ASSUME ka doon ka magsisimulang MA-FALL. Na halos lahat ng simpleng bagay na gagawin niya e may mabigat na kahulugan na para sayo. Na siguro kahit simpleng pag hawak niya sa kamay mo e para sayo parang nag sabi na siya ng ILOVEYOU.

   Kapag nagsimula ka ng makaramdam ng ganon yung parang nagsisimula kanang MA-FALL dapat magset kana ng limitasyon sa lahat ng bagay na ginagawa mo para sa kanya. Dapat din na itatak mo na sa isip mo ang salitang WAG MAGING ASSUMING. NAKAKAMATAY.
Hindi ka naman mahuhulog kung hindi mo lang sana hinayaang mahulog ang sarili mo . Know your boundaries. Kasi kapag nahulog ka at sinabi niyang hindi ka niya masasalo. Kawawa ka ! kasi ikaw lang ang pupulot sa pirapirasong puso na nagkalat sa sahig dahil sa pagkahulog mo. Ikaw na nga yong sawi, ikaw din yong may sala kung bakit ka nasawi. Nakakaawa ka kung nagkataon. At for sure mabibigyan kita ng regalo isang malaking karatola ng nagsasabing NA-FRIENDZONE ka . HAHAHA Pero wag kang mag-alala hindi ka naman nag iisa ee. Marami rin naman kayong nakakaranas ng ganyan. Nag assume sa pag aakalang may sasalo pero sa kasawiang palad na FRIENDZONE. HAHA saklap ng buhay niyo.

Different Experiences in terms of LOVE ❤Where stories live. Discover now