3

57 2 0
                                    


   Mas okey kong magkaibigan lang tayo, mas doon tayo magtatagal ...

  Yan ang mga linyang nagiging dahilan kong bakit marami ang taong napapasama sa listahan ng mga nafriFRIEND-ZONE. Isa din yan sa mga linyang nakakaheartbreak. Bakit nga ba may mga taong mas pipiliin kang kaibiganin kesa sa mahalin ka ng higit pa roon.

Sila ang mga taong duwag.

Natatakot silang sumugal. Natatakot silang baka masaktan ulit sila. Natatakot silang baka sa huli maiiwan at maiiwan parin sila. Natatakpan ng takot nila ang totoong nararamdaman nila. At the same time sila din yung taong maituturing mong matatapang.

Bakit ?

Simple lang. Nakaya kasi nilang isantabi ang totoo nilang nararamdaman para ingatan ang bagay na meron kayo. Mas naiisip nila na hindi ka nila kayang saktan kaya kahit masakit sa loob nila eh mas pipiliin nilang kaibiganin ka nalang. Pero minsan sa sobrang tapang nila nasasaktan kana pala. Nababalewala na yong totoong nararamdaman mo. Nakadarama ka na ng sakit kasi malabong magkaroon ng kayo. Kasi yung bagay na gusto mo eh hindi pwedeng mapasayo. Sa kakaisip niya na ayaw ka niyang saktan eh nasasaktan kana pala. Na kahit anong pilit mong isipin ay masasaktan at masasaktan ka pa rin.

Mahirap kapag nasa ganyang sitwasyon kana. Hindi mo kasi alam kong ano ba ang dapat at di dapat gawin. Masyado ng gugulo ang utak mo, kasi mahihirapan kang tanggapin kong hanggang saan lang kayo. Hanggang saan lang pwde ang relasyon niyo.

Baliktarin mo man ang mundo, tumawa ka man sing lakas ng speaker ng kapitbahay niyo na dinig hanggang kabilang baryo, magwala kaman kasi gusto mo ng icecream, kumain ka man ng sangkatutak na chocolate, tumakbo ka man sa napakalaking ground, HINDI MAWAWALA YANG SAKIT NA RAMDAM MO KASI AYAW MONG TANGGAPIN KUNG HANGGANG SAAN LANG TALAGA KAYO.

  Minsan ka na nga lang sumugal, TALO PA !

Different Experiences in terms of LOVE ❤Where stories live. Discover now