CHAPTER 10 ( pangatlong misyon)

362 7 0
                                    

Gabi alas 10 ng gabi ng manmanan ko ang bahay ng isa sa nagpapatakbo ng sindikatong kasama ni Nhandee.. Ito ang susunod kong tatapusin..

Name: Gabriel Agustin

Age:56

Address: Tondo Manila

Madali akong nakapasok sa bahay ni Gabriel, dahil sa oras na'to may kasayahang nangyayari sa loob ng pamamahay nito... Nakaakyat agad ako sa taas ng kwarto nito... Hindi ko pa hinahawakan ang pinto ng kusang bumukas ito... Hinila akong palapit ng lalaking nasa loob ng kwarto... Hinding hindi ako maaaring magkamali ang lalaking ito ay walang iba kundi si Gabriel...

"ikaw ba ang regalo sakin ng kumpare ko" nagniningning ang mga mata nito. Napansin ko sa kilos at panalita nito na may tama ito ng droga

Kaarawan nga pala ng taong ito ngayon, malas lang nito at yun ang araw na pinili ko para sintensyahan ito sa kasalanan sa lipunang ginagalawan nito.. Malagkit na tinapunan ko 'to ng ngiti na lalong nagpainit sa katawan ni Gabriel..

"hey baby come with me" patuloy na paghila nito sa aking mga kamay

Sinayawan ko ito ng mapang akit habang hawak nito ang kamay ko .. para akong sawa na kumikiskis sa katawan nito... Kitang kita ko ang kasayahan sa mukha nito... kaya mas lalo ko pang pinagbuti ang pagsasayaw... Tinulak ko ito sa kama at isa isa kong inalis ang saplot sa katawan nito..

Nang natitira na lang ang panloob na suot ko Niyakap ko ito at palihim kong kinuha ng isa kong kamay ang kutsilyo sa likod ng panty ko... Pagharap ko dito ay inundayan ko ng isang saksak ito sa puso na kinangisay nito.. Mabilis akong nagsuot ng damit na hinubad kanina... Saktong nakabihis at Paalis na sana ako ng nagsisisigaw ang babae papasok sa loob ng kwarto na sa tantya ko ay ito sana ang babaeng regalo ng Kumpare nito. Isang suntok sa mukha ang binigay ko dito at tuluyan na 'tong nakatulog. Mabuti na lamang at hindi ako makikilala ng babae dahil nasuot ko na ang maskarang ginamit para makapasok sa bahay ni Gabriel. Iniwanan ko ang mga litratong magiging ebidensya saka ako umalis...

"Happy Birthday Gabriel" nakangising wika ko bago ito tuluyang iwanan

Walang kamalay malay sa nagaganap ang mga taong nagkakasaya sa bakuran ni Gabriel.. Pati ang mga gwardyang bantay nito ay patuloy sa kasayaan... "Sige magsaya kayo"

Sumakay na ako sa sasakyan at pinasibat na 'to... Mga ilang minuto pa Narinig ko na ang mga sigawan ng mga taong nagkakagulo.. Nalaman na nito ang ginawa kong pagpatay kay Gabriel.

"Hello Tito David.. napatay ko na ang dalawa sa anim miyembrong namumuno sa sindikatong tinutugis ko" masayang pagbabalita ko dito

"mahusay Jessica, kailangan mo muna magpalamig ... alam kong magiging alerto na ang mga ito... Kailangan natin mag ingat" pagpapayo ni Tito David

"sige po.." nasa isip ko ang pakikipaglapit naman kay Bryan .. may ngiting gumuhit sa aking mukha ..

------

"Hello ,.. kamusta na" sabi ni Bryan sa kabilang linya. Nang matapos kong makausap si Tito David tumawag si Bryan sa akin

"mabuti naman.. ikaw?" tanung ko kay Bryan

"oks na oks dahil nakausap na kita.. I miss you" seryosong sabi nito

"ah? parang kakakita lang natin kahapon namiss mo na agad ako" pinalambing ko pa ang boses ko

"nakakastress kasi.. may pumapatay sa mga taong may illegal na gawain, pare-pareho ang scene.. nag iiwan ng ebidensya pagkatapos patayin"

sabi ni Bryan

"nakakatakot naman yun.. wala pa din ba kayong lead sa gumawa?" pagtatanung ko dito

"nandito kami ngayon sa pinangyarihan ... hinhintay namin yung babae magbigay ng testimonya.. Siya lang ang huling taong nakasama ni Gabriel" Pagbibigay pa ng detalye nito.. (Mahusay .. sige lang) bulong ng isipan ko

"buti at nakaligtas yung babae? kamusta na siya ok lang ba?" paconcern na patuloy na pagttanung hindi naman dapat na madamay ang babae biktima lang din ito ng masamang taong katulad ni Gabriel

"eto at nagkamalay na .. tatawagan kita ulit... I miss you" sweet na sabi nito

(Sige mahulog ka sa bitag ko) tumatawang sabi ko sa isip ko...

----

Pagkagising ng babae ay nagsisigaw at nanginginig ito sa takot

"Miss kailangan mong magpakahinahon" >>> Bryan

"Hindi.. pinatay nya si Gabriel hu,hu,hu" sabi ng Babaeng nangangalan na Arlene Ricaforte

"Miss hindi natin 'to malulutas kung hindi ka magpapakahinahon" patuloy pa din ni Bryan

"Sir mukhang hindi natin makakausap ng matino yan.. kailangan muna natin dalhin sa hospital" sabi ng kasamahan ni Bryan

Napabuntong hininga si Bryan .. gusto na nitong makakuha ng impormasyon sa babae pero dapat pa din nyang isaalang alang ang kalagayan nito.. Minarapat nilang dalhin ito sa Psychologist..

"kumusta na po ang lagay nya Doc Nathaniel?" pagtatanung ko

"sa ngayon ay natrauma siya.. at hindi nyo pa siya makakausap" sabi ni Doc Nathaniel "hayaan niyo munang gamutin namin siya, kailangan nyang sumailalim sa psychotherapist"

Sumang ayon siya sa sinabi ni Doc Nathaniel, muli ay tinapunan niya ito ng tingin.. Nakita nyang patuloy lang ito sa pag iyak at paulit ulit na sinasabi "pinatay niya si Gabriel"

------

to be continue...

Magagawa kayang makakuha ng impormasyon ni Bryan sa sunod sunod na patayan? Ano ba ang pinaplano ni Jessica laban kay Melancio

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now