CHAPTER 12 (ang magulang)

353 7 0
                                    

Naiilang si Jessica habang pinaghahain siya ni Bryan sa harapan ng magulang nito. Hindi nya alam kung paano nyang pakikiharapan ang mga ito... Bukod sa mukhang suplada ang mama nito , ang papa nito ay hindi siya pinapansin..

"bueno iha saan kayo nagkakilala ng anak ko?" tanung ng mama nito na si Agustina

"Mama, mamaya na po ang interrogate kumain muna tayo" paglalambing ni Bryan

"no its okay.. ang totoo po nyan yung una namin pagkikita niligtas nya ako sa mga lalaking nambastos sakin" sagot ko sa tanung ng mama ni Bryan

"siya nga iho? napakabuti talaga ng anak ko.. what will i say welcome to the family" tumayo pa ito at nakipagbeso beso sa akin.. Hindi yata at huli na 'tong bumati.

"sa wakas at mukhang mapapatino mo na ang anak ko" Ngumiti ang Mama ni Bryan

Ngumiti na rin ako, mabait pala ang mama nito sinusubukan lang nito kung mangingimi ako sa pagtataray nito. Marami pa itong kinwento sa akin tungkol kay Bryan, pati ang balat nito sa pigi ng pwet ay nabanggit, hindi nauubusan ito ng kwento sa anak patunay ang pagmamalaki nito kay Bryan

"tatlong lalaki yang anak ko, pero si Bryan lang palaging dumadalaw samin.. Palibhasa may kanya kanya ng bahay kaya hindi na kami naaalala ng Papa nila" maemosyon na sabi nito

"sorry po.. bakit hindi kayo magset ng date para makabonding niyo ang mga anak niyo?" nakahawak sa kamay na pagdamay ko

"maganda ang idea mo Jessica kaya lang busy din ang mga anak ko sa kanilang career, kaya pati pag aasawa nakalimutan na yata nila.. Ikaw pa lang ang pinakikilalang Gf ng anak ko.. Bukod kay Bryan wala na" malungkot na wika nito

Biglang lumitaw sa Sala si Bryan

"O Ma mukhang nag iiyakan na kayo ng sweety ko" akbay nito sa mama sabay kindat sa akin

"naku anak masarap pa lang kausap ang gf mo" tapik nito kay bryan, sabay baling ng mama nito sa akin "sana iha kapag busy si Bryan at wala kang ginagawa pumunta ka dito ipagluluto kita ng mga paborito mong pagkain"

"sige po at ipagluluto ko din po kayo ng mga paborito niyo" pagsakay ko sa sinabi nito

"pareho pa tayo ng hilig, nakakatuwa naman" >>> Mama Agustina

"Ma inaagawan mo pa ako ng oras sa gf ko" pagmamaktol ni Bryan

Siniko ko 'to ngpalihim "mas masarap naman kakwentuhan at kasama ang Mama mo kesa sayo" humahagikgik kong tawa

"Mama siniraan mo agad ako sa gf ko.. ikaw din baka hiwalayan ako ng magandang binibining to" yakap nito sakin

Sabay sabay sila nagkatawanan. Pagkatapos naming mag usap ay nagpaalam na kami.. Sunod naming pinuntahan si Senior Melancio at ang pamilya nito

Habang nasa daan kami .. Hindi ako mapakali, iniisip ko kung makakaharap ko ng maayos ang pumatay sa pamilya ko

"namumutla ka okay ka lang ba?" tanung nito na hinawakan pa ang kamay ko "nanlalamig ka ah?"

"hindi .. okay lang ako mababait ba ang Ninong at Ninang mo?" tanung ko. Ngitngit na ngitngit ang aking kalooban

"oo naman.. tiyak na matutuwa ang mga iyon na makilala ka" pagpapagaan ng loob nito sakin

"wag na muna kaya tayong tumuloy... medyo nahihilo ako" pagdadahilan ko . Nakita kong nalungkot ito "pero sige kung gusto mo talaga okay lang"

"No okay lang iuuwi na lang kita sa inyo baka magkasakit ka pa lalo" pag aalala nito

"sorry.. maybe we can make it next time?" hingi ko ng paumanhin.. Sa ngayon ay kailangan ko ng lakas ng loob bago makita si Senior Melancio

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now