Patawad

69 22 0
                                    

Pitong letra, isang salita.

Isa lang ang masasabi ko, patawad.

Patawad dahil akala ko tayo'y magtatagal.

Nagising na lang kasi ako na hindi na kita mahal.

Parang nawala na lang ang pagmamahal ko sayo ng parang bula,

hindi ko alam kung ano ang nangyari,

hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

Pasensya na at ngayon ay hindi na kita masasabihan ng mahal kita.

Minahal kita.... noon.

Ngunit hindi ko maipapangako hanggang ngayon.

Dahil marami ng nagbago dahil sa pagtakbo ng panahon.

Mga masasayang pangyayari na ngayon ay isang ala-ala na nabura na ng panahon.

Kagaya ng pagmamahal ko na parang binura na lang sa isang pisara.

Binura dahil wala ka ng espasyo sa aking puso.

Yung puso ko na parang tinurukan ng pampamanhid, na ngayon sa tuwing ika'y nakikita wala ng ibang nararamdaman.

Mahal,

iyan ang huling salita na narinig ko mula sa iyong bibig.

Ayaw kitang tignan dahil mas doble pa ang sakit ng aking nararamdaman.

Gusto kong punasan ang luha na galing sa iyong mga mata,

gusto kitang hagkan, gusto kitang halikan... upang mapawi lang ang iyong sakit na nararamdaman.

Ngunit naalala ko nga pala na akong ang tanging dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.

Pasensya na, hindi ko nagampanan... na alagaan ka at pahalagahan.

Siguro nga ay hindi ako ang taong mamahalin ka ng pang habang buhay.

At hindi ako yung taong makakasama mo hanggang sa dulo ng iyong hininga.

Sa lahat ng sitwasyon na ito, ako ang mali.

Pasensya na kung ang gulo. Gusto kong sabihin sa iyo na paalam at patawad.

Paalam sa paglayo at patawad sa paglapit. Paalam sa saya at patawad sa sakit.

Ayokong magtapos sa paghingi ng tawad pero sana patawarin mo ako para makalaya ka na at makalaya na rin ako.

Gusto kong maging masaya ka, ngunit hindi sa akin.

Kundi sa piling ng iba.

Dahil ayokong muli na masaktan ko ang katulad mo.

Ayokong magmahal ng kagaya mo, dahil baka sakali...

Baka sakali na magawa ko lang sa iba ang ginawa ko sayo.

Na baka sakali sa bandang huli ay iwanan ko sila at ako nanaman ang lalayo.

At baka sakali na baka pagsisihan ko ang bawat desisyon na aking napagtatanto, na baka sakali mali nanaman ang takbo ng aking puso.

Sana hanapin mo ang tamang tao na nasa tamang oras.

Yung tamang tao na makapagpapatibok muli ng iyong puso.

Yung tamang pagmamahal na hindi na muling magkakamali pa.

Dahil ayoko ng makita ang pagdaloy ng iyong luha,

dahil lang sa aking paglayo.

Hindi ko magawang magpaliwanag sa totoo kong nararamdam,

dahil kahit ako hindi ko alam.

Huwag mo ng ipilit 'yung iyong pagmamahal sa akin.

Dahil hindi ko na kaya pang suklian.

Patawad,

dahil ikaw at ako...

wala ng ganun.

Dahil ikaw at sya, at ako sa iba.

Walang ForeverWhere stories live. Discover now