CHAPTER 24

126K 2.7K 53
                                    

CHAPTER 24

MISHY'S POV

I ache all over. My head hurts and I can't feel my arms. Iyon ang mga bagay na rumehistro sa utak ko ng unti-unti akong nagkaron ng malay. Iminulat ko ang mga mata ko at ikinurap ko iyon ng wala pa akong masyadong makita. Madilim ang kinaroroonan ko.

Iginalaw ko ang katawan ko at napasinghap ako ng maramdaman kong wala akong tinutungtungan. Nakatali ang mga kamay ko at nakaangat ako mula sa sahig. Rason kung bakit walang maramdaman ang mga kamay ko. Sa mga braso ko lang kasi nakadepende ang buong bigat ko.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang may pumasok. Binuksan niya ang ilaw. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang kabuan ng taong pumasok. Lalaki siya at malaking tao and no...hindi ko siya kilala.

"Wag mo ng isipin kung sino ako dahil hindi mo ako kilala. Iisa lang naman ang pakay ko at iyon ay burahin sa mundo ang asawa mo."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Sa tingin niya ba papayag ako sa gusto niya? Sisiguraduhin ko munang siya ang mauunang mabura sa mundo na to bago niya mahawakan si Dale. Hindi ko iyon masabi sa kaniya dahil may busal ang bibig ko.

"Hindi ka na sana madadamay. Pag katapos naming makuha ang asawa mo ay pakakawalan ka na namin dahil wala ka namang alam at dadami pa ang ililibing namin. Ang kaso ginalit mo ang anak ng amo namin, kaya kasama ka ng asawa mong mamamatay."

Anak?Don't tell me- Damn it! I'll kill you Marga for this.

"Para sigurado, alam mo ba kung nasaan yung memory card? Delikado parin pag may nakakita non kaya kahit patay na kayo ni Night ay hahanapin parin namin iyon."

Walang ekspresyon na tinignan ko lang siya habang naghihintay siya ng sagot ko. Halatang nawalan na siya ng pasensya dahil inilabas niya ang baril niya at ikinasa iyon. Pagkaraan ay itinutok niya iyon sa ulo ko.

"Sagot!"

I rolled my eyes at him and stared at him pointedly. Duh. Like I can. Sa tingin niya ba makakasagot ako ngayong binusalan nila ang bibig ko. Mukhang naisip naman niya iyon dahil tinanggal niya na ang nakatakip sakin.

"Ngayon magsalita ka."

"Oo alam ko." mahinang sagot ko sa kaniya pero sapat para marinig niya. Kuminang ang mga mata niya at akmang bubuka na ang labi ng magsalita ako ulit. "Pero bakit ko naman sasabihin sayo?"

Tumalim ang tingin niya at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakabaling ang mukha sa kanan ng malakas niya akong sinampal. Nakangiting binalik ko lang ang tingin ko sa kaniya.

"Yan lang ba ang kaya mong gawin?"

"Sa tingin mo ba makakakawala ka dito?Mabubulok ka na dito. Kayo ng asawa mo."

"Bakit niyo to ginagawa?"

Nang-uuyam na tinignan niya ako. "At bakit ko naman sasabihin sayo?"

Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko. Parang magkakalahi lang ata si Marga at ang mga tauhan nila. Lahat sila nanggagaya ng salita. Buti na lang hindi sa movie galing ang tanong niya. Wala na atang matino sa kanila.

"Papatayin niyo narin lang naman ako diba? Bakit hindi niyo pa sabihin?"

Mukhang kinonsidera niya ang sinabi ko at nagsimula siyang magpalakad-lakad. Pilit na pinagalaw ko ang daliri ko at palihim na pinindot ko ang button sa bracelet ko. Siguradong makukuha na nila Kuya ang signal non.

"Sindikato ang B.E.N.D pero wala namang kinalaman si Marga doon nung una. May sarili siyang gawain, nangloloko siya ng mga lalaki at kinukuhanan niya ng pera. Isa na don ang asawa mo. Nang magkabukingan ay lalo lang lumala iyon ng malaman ng magulang ni Marga na may nalaman si Night tungkol sa BEND. Hindi siya maaring mabuhay kaya isinagawa ang aksidente niya."

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya pero nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa kaniya. I need to buy some time. Hindi ako pwedeng kumilos ng basta basta dahil hindi ko magagawang makaalis dito ng mag-isa.

"May sa pusa ata ang asawa mo at nakaligtas siya. Kahit na wala siyang naaalala, kailangan parin namin ang memory card dahil matibay na ebidensya yon laban sa BEND. Lahat ngayon ng maaari niyang pag sabihan ay pinababantayan. Isa pa ang dami ng problema ng BEND lalo na sa isang organisasyon na ayaw nila saming sabihin, mga tao daw iyon na naghahanap samin."

Umangat ang gilid ng labi. That's us jerk. Nasa harapan mo ang isa sa kanila. Nasa harapan mo ang taong bubura sayo sa mundong to.

Napaangat ang ulo ko ng makarinig ako ng malakas na langitngitan ng mga sasakyan. Kasunod non ay sunod-sunod na mga putok. Nandito na sina Kuya. Bago pa makakilos iyong lalaki ay bigla na lang bumukas ang pintuan.

"Mishy!"

Nanglaki ang mga mata ko ng makita ko si Dale. Hindi na siya dapat isinama dito. Nilingon ko iyong lalaki na mabilis na itinutok ang baril kay Dale.  Bago niya pa maiputok ang baril ay mabilis na iniangat ko ang mga binti ko at inipit ko ang leeg niya don.

Mahinang bumulong ako sa kaniya. "Pano ba yan? Kung ginalit ko ang amo mo...ginalit mo naman ako."

I twisted my legs around his neck. Mabilis na kinuha ko gamit ng paa ko ang kutsilyo na nakita ko kanina sa bulsa niya at iginalaw ko ang katawan ko. I swayed my body until I'm in a fetal position and grabbed the knife using my bound hands. Mabilis na tinanggal ko iyong tali kasabay ng pagbukas ng pinto.

Sinalo ako ni Dale at niyakap ng mahigpit. Kumawala ako kaagad sa kaniya at kinuha ko ang baril na nasa sahig at sunod-sunod na nagpaputok. Tatlong lalake ang tumumba sa tapat ng pintuan.

"We need to go." sabi ko kay Dale at mabilis na hinawakan ko siya sa kamay.

Nagkakagulo na ang mga tao sa labas. Naabutan ko ang limang agents ng BHO na nakikipaglaban sa mga miyembro ng BEND. Di hamak na mas konti ang agents ng mga BHO pero hindi parin sila magawang tamaan ng kahit na sino. Kinindatan ako ni Kuya at sinuntok niya ang lalaki na nasa harapan niya.

"San sa tingin niyo kayo pupunta?"

Another cliche dialogue. Bumuntong-hininga ako at bago pa makapagsalita ulit ang lalaking humarang samin ay sinuntok ko na siya. Itinulak ko siya sa isang agent ng BHO na ngumisi sa akin. Lumingon ako sa likod namin ng may maramdaman akong kumilos doon.

Handa na akong dumipensa ng naunahan na ako ni Dale sa pagkilos. He grabbed the man, and to my surprise, struck him with a knife.

Tumakbo kami papunta sa van na alam kong pag-aari ni kuya. Pumasok na kami ni Dale at ilang saglit lang ay nandoon na ang mga agents ng BHO. Pinaharurot na nila ang van paalis.

Niyakap ako ni Dale pero hinila ako ni Kuya paalis sa mga braso niya at sinimulang ekspeksyunin. Napatawa na lang ako sa seryosong-seryosong mukha ni Kuya na animo tinitignan kung may mali sa akin o kung may bali o tama ba ako ng baril.

"I'm fine kuya."

"May sugat ka sa kamay."

"It won't kill me."

Binigyan niya ako ng matalim na tingin. "You nearly died. How can you be so careless? Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo?"

Napangiwi ako. Malalagot ako nito kay Boss at kay PJ. Baka nga pareho pa kaming mapagalitan ni PJ dahil kami ang huling magkasama. Hindi kasi namin gawain ang hindi maging maingat sa paligid namin.

Pumikit na lang ako at yumakap ako kay Dale. Saka ko na iisipin ang mga sermon na aabutin ko sa kanila.

Mahinang bumulong sakin si Dale. "Don't do that to me again, baby."

Tumango lang ako at nakangiting sumandal sa kaniya. I can't promise him anything. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang patagalin na maging safe ang sarili ko. Dahil nararamdaman ko na hindi magtatagal ay magkakaharap kami ulit ng BEND.

BHO: His Secret Agent Pretend Wife (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon