Warning #15 (AMNESIA)

3.8K 181 3
                                    

EDITED






ARIANNA DAVID SIMPSON's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ng grandparents ko. Dito daw kami magcecelebrate ng new year. Kaya lang, NAPAKABORING dito! >_______< Lalabas na sana ako para mamasyal kaso nakita ko si Daddy at si Mommy parang nagtatalo na naman. At dahil sa chesmosa akong tao, mag-e eavesdrop nalang ako.



"Ano ka ba naman! Ba't nagawa mong magdesisyon ng di ko nalalaman. Asawa mo ba talaga ako?" Mommy.



"Bakit sa tingin mo ba papayag ka kapag sinabi ko sayo?" Daddy.



"Kahit na! May karapatan pa rin naman akong malaman yun, dahil asawa mo ko!" Mommy. Ano ba tong pinagtatalunan nila? At ito namang si mommy di nawawala sa line niya yung ASAWA MO KO! Ano ba yan, sino bang may sabing hindi ka asawa ni daddy? Tsk. Makaalis na nga. Hahakbang na sana ako paalis pero napabalik ako kaagad ng marinig ang pangalan ko.




"Alam na ba 'to ni Arianna?" Mommy.



"Hindi pa!" Daddy.



"See? Hindi mo pa nga sinasabi sa kanya e! Pano nalang kung hindi pala siya papayag?" Mommy. Teka nga! Tungkol naman pala 'to sakin e! Kaya may karapatan akong malaman.



"Ano po ba yung sasabihin niyo sakin?" Tanong ko. Gusto ko sanang tumawa dahil sa expression ng mga mukha nila. Parang nakakita ng multo e!


"Ha-ahh! Ano kasi ahm---" parang natataranta si mommy. Kaya hindi na siya pinatapos magsalita ni daddy.




"Arianna, gusto kong ipaalam sayo na lilipat na tayo dito." Napanga-nga naman ako sa balita niya.



"ANO? Akala ko ba magbabakasyon lang tayo? Tapos ngayon dito na pala tayo titira?" Di makapaniwalang tanong ko.



"Sorry kung ngayon ko lang nasabi!" Paghihingi ng paumanhin ni daddy.



"So? Magta-transfer na naman ako ng school?" Tanong ko ulit.



"Yes." Tipid na sagot ni daddy. Napabuntong hininga nalang ako.



"Pero Dad! Diba sabi mo magta-transfer lang ako kapag may nambubully na naman sakin?" Tanong ko na naman ulit.



"Yes." Tipid niya na namang sagot.



"Yun naman pala e! Wala naman akong sinasabi sa inyo na may nambubully sakin diba? So bakit kailangan kong magtransfer? Dad, kung gusto niyong tumira dito. Edi, mag stay kayo dito! Ayoko ng lumipat ng school. Wala naman akong nakikitang mali sa Hutchinson ahh!" Paliwanag ko. Nagsimula na akong kabahan nang makitang mas sumeryoso pa ang mukha ni daddy pagkatapos kong sabihin yun.




"Akala mo ba talaga di ko alam, Arianna?" Sabi ni daddy. Halos marinig ko na yung tibok ng puso ko sa bilis at lakas nito.



"Anong ibig mong sabihin, Dad?" Tanong ko sa kanya.



"Alam ko lahat ng mga nangyayari sayo sa school!" Sabi niya. Kaya napalunok ako, ibig sabihin alam niya na binubully ako ng A4?



"Nong una, pinapalagpas ko lang ang pambubully nila sayo. Pero not this time! Alam kong nahulog ka sa pool, nung Christmas Party! Pero ang ipinagtataka ko, bakit wala kang ipinagtatapat sakin? Hindi ka naman ganyan dati e!" Dagdag pa ni daddy.




"Pero Dad! Ayoko na. Pagod na pagod na ako! Palagi nalang tayong ganito, pag may nambully sakin, magta-transfer na naman ako! Hanggang kailan tayo magiging ganito Dad? Nakakasawa na!" Sagot ko naman.





Love Warning (COMPLETED!) Where stories live. Discover now