LOVE WARNING!

4.9K 167 31
                                    

EDITED






January 12,

JACE HUTCHINSON CRAWFORD's POV

Pagkalabas ko pa lang sa gate ng bahay namin, tumambad na kaagad ang puro pasang mukha ni Levi. Para tuloy akong naaawa sa kanya. Pero kahit yun ang nararamdaman ko, pinigilan ko pa rin ang sarili kong kausapin siya. Masyado na kasing malaki ang atraso niya. Sasakay na sana ako sa limo namin ng bigla niya akong pinigilan. Hindi ko na sana siya papansinin kaso bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Kaya napalaki naman ang mga mata ko. Ano bang kalukuhan 'to? Nakadrugs yata!? May paluhod-luhod pang nalalaman.




"K-kambal" pagkasabi niya ng kambal ay kaagad akong napatingin sa kanya. Pero hindi niya napansin kasi nakayoko siya habang lumuluhod.




"P-patawarin mo na ko, p-pakiusap... nagmamakaawa ako!! Alam kong mali talaga yung nagawa ko!! Patawad.. Ayoko lang kasi na baka saktan ka niya ulit...... Ayoko rin na iiwan mo nalang kami bigla, k-kasi... may Ria kana!" So ibig sabihin nagseselos lang pala siya? Eh, yun ba yung akala niya sakin? Sasagutin ko na sana siya kaso napansin kong nandito rin pala sina Finn at Elijah. Malungkot sila habang nakatingin sa amin.




"Pasensya na k-kung inilihim ko sayo na may amnesia si Arianna, maliban kasi sa ayaw kong magkabati kayong dalawa... Pinagbilin din kasi ng daddy niya na wag ko raw ipaalam sayo... k-kasi... Ayaw niya na nakikipagkaibigan sayo ang anak niya... So-sorry kung, siniraan ko siya sayo! Sorry sa lahat ng mga katarantaduhang nagawa ko......

Pwede bang maging kaibigan mo ulit?" Napabuntong-hininga nalang ako. Ang sarap niya talagang sapakin! Pero awang-awa na ako sa kanya, kaya.... sinagot ko nalang siya.





"Hindi." Tipid kong sagot. Natigilan naman siya at dahan-dahang tumingala sakin. Nakita ko pa yung mga luhang, isang pitik ko nalang papatak na talaga. Itinayo ko siya at tiningnan siya ng deritso sa mata.






"Hindi na ako makikipagkaibigan sayo.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil, bigla siyang nagsalita..






"Please.. Jace! Patawarin mo na ako..Pinapangako ko na hinding-hindi ko na uulitin yun.." nakayoko niyang sabi. Alam kong sa mga oras na to ay umiiyak na siya kaya ayaw na niyang humarap sakin. Nakita ko naman sila Finn sa gilid, naka Please SIGN pa ! Ang ko-corny nito! Sarap iuntog e!





"....dahil, kambal kita remember!? Kapatid kita diba? Ayoko ng makipagkaibigan sayo dahil.... simula sa araw na 'to... MAGKAPATID NA TAYO!" Pagkatapos kong sabihin yun, bigla siya tumingin sakin at yun na nga..... tama nga ako! Umiiyak nga siya, pero this time may kasama ng ngiti. Ang bading naman ng isang 'to! Lumapit naman yung dalawa sa amin. Kaya nagkaroon kami ng group hug.. Ilang sigundo pa ang lumipas, biglang may sinabi sa 'amin si Levi at nakatingin pa siya sa likuran ko.




"S-si Arianna. Papunta na siya sa school!" Tinuro niya yung papaalis na kotse kaya nagmadali naman kaming pumasok sa limo.




Naku patay! Nagdrama pa kasi kanina. Siguradong masisira yung plano ko nito.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ARIANNA DAVID SIMPSON's POV

Inihatid ako ni Mommy sa school, ayoko sana kaso... mapilit siya kaya, pinagbigyan ko nalang.. Pagkababa ko sa kotse, kaagad kong nilibot ang aking paningin. Woah! Ilang weeks lang akong nawala pero, namiss ko na agad ang H.U. Ganun pa rin naman, wala pa ring nagbago.





Love Warning (COMPLETED!) Where stories live. Discover now