Volume 1 • Chapter 11

5.3K 124 11
                                    

Truth

Samantha's PoV

Hanggang ngayon hindi pa rin maka-paniwala si Paula na isa palang king si Mason. Tapos nung nalaman niya bigla siyang lumuhod dun sa harap ni Mason at nag-sorry.

Nakakatawa nga kasi si Mason lang pala titiklop ang amazona kong kaibigan.

Naglalakad ako ngayon sa garden ng palasyo at wala na akong ibang masasabi dito kundi napaka ganda dito at wala kang makikitang mga kalat.

Sana maging ganito rin ang manila kaso imposible yun dahil masyado nang polluted dahil sa mga sasakyan.

Nilapitan ko ang isang bulaklak na naka-agaw ng pansin ko. Ito ay kulay pula at napaka-laki nito pero maganda siyang tignan.

"Hey! Hey! Huwag mong hawakan iyan!" sigaw nung boses lalaki sa likod ko. At pagkaharap ko ay nakita ko si King Asher

"Bakit naman?" Taka kong tanong. Mahal kaya 'to kaya ayaw niyang ipahawak?

"Hindi. Dahil ang bulaklak na yan ay kayang burahin ang memory mo at kahit kailan pa man ay hindi na maaring mabalik ito kapag ito ay naamoy mo o nahawakan" Nagulat ako sa sinabi niya at mabuti naman ay napagilan niya ako,

"Seriously? Sa pagkakaalam ko wala namang ganiyang halaman, ah"

"Dahil ang halaman na yan ay nagiisa na lang dito sa mundo" paliwanag pa niya.

"Ah, ganoon ba? Salamat sa pagpapaalala King Asher" at yumuko ako bilang pagbibigay galang.

Ang awkward talaga kapag yumuyuko dahil 'di ko naman 'to nakasanayan

"Walang anuman binibini. Tara ililibot kita dito sa hardin" at hinawakan niya ang aking balikat at bigla akong nanlamig na parang may tumatamang malakas na boltahe sa balikat ko na hindi ko alam kung bakit.

"S-sige po" tipid na sagot ko at nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad kami bigla kaming huminto sa isang bulaklak na nakatanim.

"Ito ang makakapag-pagaling sa'yo kung naamoy mo ang bulaklak na Memoereas (memo-e-ri-yas) kaya niyang ibalik pa ang iyong mga memorya pero hindi lahat, maaring hindi na rin ito maibalik pa" pagpapaliwanag niya saakin at naglakad ulit kami sa hardin. May nakita akong rosas na pula na lalapitan ko sana pero bigla niyang hinawakan ang ang wrist ko at sanhi ng pagkahinto ko

"Don't" tipid na sabi nito

"Pasensya na po pero bakit? May lason ba yun or anything?"

"Wala"

"Eh, bakit mo ako pinigilan?"

"Dahil ang nag-iisa kong mahal na babae ang nagtanim niyan kaya bawal na kahit sino man ang humahawak din o tangkaing putulin ito" paliwanag niya. Nasaan ba kaya yung pinaka mamahal niyang babae?

"Namatay na siya dalawang taon na ang lumipas, nagkaroon siya ng sakit sa dugo na kinalaunan ay hindi rin niya kinaya." Malungkot na paliwanag nito

"Ano bang klaseng babae siya?"

"Simpleng babae lang siya, maaalahanin, maganda, mabait at higit sa lahat ay palagi niyang iniisip ang kapakanan ng kanyang mahal sa buhay kaya doon ako nahulog sakanya" mukhang hanggang ngayon pa rin ay hindi pa rin nakaka move on si kamahalan sa kanyang naging kasintahan.

"Nakikiramay ako sayo kamahalan" malungkot na sabi ko.

"Salamat Samantha" at nginitian ako ng kaunti at sumukli din ako ng matamis na ngiti

"Sige, Samantha mauuna na ako at may mga mahahalagang gagawin pa ako" paalam nito at umalis

Ilang minuto pagkatapos umalis ni King Asher ay pumasok narin ako sa palasyo. Habang ako ay naglalakad may nakapukaw ng aking atension sa isang kwarto na may na siwang na kaunti sa pinto kaya makikita ko ang mga tao sa loob ng kwarto.

"Nailigpit mo na ba siya?" Tanong ng isang boses matandang babae na nagsasalita na mukhang may kausap

"Oho, Mother Luciana at ano ba ang gagawin natin sa mga bihag?" What? Si Mother Luciana? At sino yung mga bihag?

"Papaslangin natin sila at uunahin natin si Aira" kami ang tinutukoy nila? Bakit nila kami papatayin? Tapos si Aira pa ang uunahin nila?

Walang hiya sila may binabalak pala silang masama saamin!

"Masusunod Mother Luciana" sagot ng pamilyar na boses babae.

"Pagkapatapos niya isunod mo na ang mga kaibigan niya at siguraduhin mong mapapatay mo sila at walang makakatakas ni isa sa kanila maliwanag ba?" Habang tumatagal na pakikinig ko nangangatog na ang aking tuhod at nanlalamig ang aking katawan.

Hindi rin ako papayag na papatayin nila kami at kailangan naming umalis na dito sa lalong madaling panahon.

"Pagbutihan mo ang iyong misyon Ba-"

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong saakin ng babae na nasa likuran ko

"Wa-wala naman napadaan lang ako" pagpapaliwanag ko.

"Kung ganon pwede ka nang umalis at huwag na huwag ka nang dadaan sa pasilyong ito" galit na sabi ng babae.

Bakit ganoon siya makitungo saamin?

"Pasensya na" sayang lang hindi ko narinig ang pangalan ng kausap ni Mother Luciana at kaulangan ko na itong masabi sa nga kaibigan ko sa lalong madaling panahon.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Where stories live. Discover now