Volume 1 • Chapter 18

4.1K 101 7
                                    

Missing

Monique's POV

Nagising ako sa isang lugar na mapayapa, malinis at maaliwalas ang paligid. Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong magagandang bulaklak, malalaking puno,may malilit na kubo at isang palasyo. Kahalintulad ito ng  3 kings Palace pero mas maganda dito.

Tinignan ko kung may tao ba sa lugar na ito, may nakita akong dalawang magkasintahan na masayang nag-uusap at parang mahal nila ang isa't isa. Pinagmasdan ko lang sila hanggang may parang biglang nagbago ang itsura ng lalaking binata. Naging makulimlim ang langit at may pagkidlat na parang may nalakas na ulan.

"Ayos kalang ba Basti aking mahal?" Tanong ng magandang dalaga na tila'y nag-aalala.

"May gusto lamang akong aminin sayo ,Luciana" sagot ng lalaki at hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga.

"Ano iyon?" Gumagaralgal na boses ng dalaga na parang alam na ang mangyayari.

"May mahal na akong isa babae na taga-lupa at—hindi ikaw iyon Luciana" naramdaman ko ang galit ng babaeng dalaga dahil sa sinabi ng binata.

"Lapastangan! Hindi maaari iyon dahil ikaw ang magiging susunod na hari at alam kong hindi ka palayagan ni ina na makipag isang dibdib sa isang mortal!!" Malakas na sigawng babae pero ang binata ay nakatungo lang.

"Kapag nalaman ng mga mortal ang iyong pinanggalingan tiyak na dadayuhin nila ang mundo natin at sisirain nila!" Galit na sigaw ng dalaga at may halong pag-aalala para sa kaharian nila. Pamilyar saakin ang dalagang babaeng iyon na sa tingin ko ay siya si Mother Luciana. Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo palayo ang lalaki at papunta siya sa isang gubat.

"Walang kahit sino man ang makakapigil saamin ni Haira!" Rinig na sigaw ng lalaki at tuluyang hindi na ito makita dahil sa layo.

"HINDI MAAARI! PAGBABAYARAN NIYO ITO MGA TAGALUPA!!"

"Monique! Monique! Gising binabangungot ka" nagising nalang ako ng bigla akong tapikin ni Jacob. Hindi ko masyado lang maalala ang panaginip ko ang naaalala kolang ay si Mother Luciana at ang dalaga sa panaginip ko ay iisa. Maliban pa doon ay ang pagiwan sakanya ni Basti at ipinagpalit siya sa mga taga-lupa. Ano ba sila? Hindi ba sila mga tao para magkaganon? Alien? Engkanto?

"Thanks" sagot ko kay Jacob na nakatitig saakin at nakakunot ang noo. "Okay ka lang ba?" Pag- aalala niya.

"Ah oo okay lang ako" at ngumiti ako ng pilit sakanya. Ang awkward naman nito. Biglang pumasok naman sa isip ko si Paula. I miss her, hindi man kami masyadong close pero kaibigan ko parin siya at mahal ko siya. Sana maging mapayapa at maging masaya siya sa langit dahil isa siyang napakabuting kaibigan sa mundo. I love you Paula! Hindi manlang siya nakaabot sa graduation nam— omo! Ilang days na kaya kami dito sa impyernong to? Makakalabas pa kaya kami ng buo dito?.

Aktong matutulog na ako ng may maramdaman akong kaba sa dibdib ko na parang may masama nanamang mangyayari. Kunalabit ko si Jacob na nakatulala sa langit.

"What?" Baling niya saakin.

"May nararamdaman kabang kakaiba?" Bulong na tanong ko.

"W-wala bakit?" Tanong niya. Manhid naman nito.

"Para kasing may nakamasid saatin at parang feeling ko may mawawala nanaman saatin" pagapaliwanag ko. Sana naman hindi tama ang hinala ko na nahanap nila kami at kukunin si Aira.

"Tss. Paranoid ka masyado matulog kana tsaka huwag kang magisip ng ganiyan" siguro tama siya nagiging paranoid lang ako dahil sa nangyari kay Paula.

"Ahh s-sige" at pumikit na ako. Ilang oras na akong nakapikit pero hindi parin ako makatulog. May kakaibang nararamdaman talaga ako. Siguro naman maganda na kung sigurado. Similip ako sa baba pero walang tao at inilibot ko pa ang buong tree house pero wala akong nakitang tao o kahikahinalang mga bagay pero may nararamdaman ako.

Napag-pasyahan ko na talagang matulong at this time. Pero bago ako nakapikit dahan dahang may pumasok na isa usok na itim at bumalot kay Aira na mahimbing na natutulog. Nag panic ako ng bigla nitong iniangat si Aira.

"Ahh! Aira gising!! Ahh!" Nag papanic na sigaw ko. Nagising naman si Aira at sina Samantha pero may pumasok nanamang itim na usok at kumorteng tao at iniliwal nito ay sina Mother Luciana at Barbie na may malademonyong ngisi. Nanlaki ang mata namin dahil sa nakita namin.

"Surprise!" Sabi ni Mother Luciana.

The Lost Province [Biringan City Inspired]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon