3 Angels over 3 Devils

7K 106 11
                                    

Tatlo laban sa tatlo.



Oo. Magkakaaway nga ang anim na iyon. Hindi sila umaatras sa hamon ng bawat isa.



Tatlong anghel kung ituring ang Tres Anghelitas. Pangalan palang eh.


Claire Yaomin Dashtari. Isang babaing merong malaking BROKEN sa kanyang puso't isip. Wala siyang hiya kung ituring ng mga nakakakilala sa kanya. Pati nga ako'y yun din ang turing. Hindi siya umaatras sa laban lalo na kung naisali rito ang kanyang mga mahal sa buhay. Lagot ka kung lumabag ka sa kanyang mga panuto.



Alesandra Monique Alcades. Isang maingay at pasaway na babaing hindi mo na nais kilalanin. Isa rin siyang maarteng akala mo kung nanggaling sa mental. Ang malaking BATO sa puso niya ay hinding hindi mo na maaalis sa kanya. Hinding hindi mo na talaga nanaising kilalanin pa, kung pwede ngalang hindi ko na sana siya nakilala.


At ako?


Ako si Sheantel Miles Gabvon. Isang nerd at boring kung ituring ng mga taong tulad ni Monique pero malakas naman kung tignan ng mga tulad ni Claire. May malaking space sa puso kong maitatawag mo na ngang MANHID. Hindi ako nakakaramdam ng kahit ano kahit na patayin mo pa ako. Wala na rin akong puso kung sabihin nila, pero bakit buhay pa ko? May dugo pa nga ako eh. Hindi mo na nanaising saktan pa ako dahil papasugod ka palang, nakahanda na ang armas ko.


Kami ang Tres Anghelitas. Mga anghel kung ituring sa labas, demonyo naman sa loob. Hindi mo na nanaising galitin pa kami subalit magsisisi ka lamang sa iyong magagawa sapagkat kami ay kami, hinding hindi magpapatalo sa mga walang modong mga lalaking yun.


Meanwhile..



Victres ang tawag sa mga naggwagwapuhang nilalahang sa aming eskwelahan. Oo. Gwapo.



Si Mario Dylan Del Sabel ang pinaka maangas sa amin. Kung gusto nga lang niya ay siya na ang aming lider, pero wala siyang panahon para makisalo pa sa aming kathang isip na ideya. Minsan nang naging bakla si Dylan, i mean yung dumating na sa puntong nanliligaw na siya? Ganon. Kaya lang, bigo siya. Kaya naman wala ng puso ang tingin sa kanya ng iba. Masama siyang tao para sa lahat, pero para saming kaibigan niya, mas nanaisin mo pang maging kapatid siya.



Si Aldrei Blade Pascual ang libro ng grupo. Siya yung lalaking boy next door. Walang pakialam sa mundo, parang kami ni Dylan nasa Korea siya naman nasa Hawaii. Hindi siya yung tipo ng lalaking inaasam mo kasi puro sa novels ng paburito niyang author. Nagkacrush naman din, pero ang problema, fictional character or should we say, yung mismong awtor ng nobelang binbasa niya. Isa siyang loner at emo. Laging nakashades and everything like that. Hindi mo na tatanungin kung bakit no gf since first year siya. Mga babae pa nga ang nanliligaw sa kanya eh.



Ako naman si Keally Isaac Venchon. Oh diba? Pangalan palang gwapo na? Isa akong cassanova, well para sa opinyon ni tatang Aldrei. Ako lang ang may puso dahil nagmamahal ako, yung dalawa kasi wala eh. Kahit naman loverboy ako, hindi parin mawawala ang pagiging maangas at badboy ko. Yun lang naman ang problema lang sakin, yung cassanova things and like that. Mas nanaisin mo pa ako kesa sa dalawang tatang don sa taas.


Inuulit ko--namin--ugh, ni author.


The 3 Angels and 3 Devils will change your world until they conquer their true goals. De joke lang.


Author's note:

Sana wag ijudge kasi parepareho lang tayo. Hindi ko po alam kung itutuloy pa ang TLGID dahil magulo eh. Pero itutuloy ko to. Thanks.

darkshinobi

3 Angels over 3 DevilsWhere stories live. Discover now