Prologue

14 1 0
                                    

Eumi's POV

"Im Kenth."nasa harap ngayon ang new student para i-introduce ang sarili niya. Pero sinabi niya lang naman ang pangalan niya, at pangalan na nga lang, hindi pa isinama ang last name.

"O-okay. Thank you,Kenth?" Tumingin si Maam sakanya,pahiwatig para sabihin niya ang buo niyang pangalan. Pero hindi niya pinansin si Maam at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papuntang likuran kung saan niya gustong umupo. Aba't ang angas ne'to ah?! "Ah.. siguro ako nalang ang titingin ng record mo mamaya."hay. Bakit ba dito napunta yan? Ang panget ng attitude. Hindi bagay sa kinalagyan niyang section. Tss.

Nagsimula na yung teacher namin na magturo. Medyo nanginginig siya kaya nagtanong yung isa kong kaklase kung okay lang ba siya. Okay lang naman daw kahit halatang hundi naman talaga.

"O-o..kay. Class d-dismissed.."

At yun nga ang nangyari. Hay. Napakasama ng ugali ng lalaking yun kabago-bago.

"Hoy,miss. Anong pangalan mo?"napalingon ako sa katabi kong upuan at nakakita ako ng ange--. E-este ng isang lalaking ubod ng pangit ng ugali.

"Anong pake mo?"pagtataray ko.

"Taray naman,tss."

Hindi ko siya pinansin at inayos ko na ang gamit ko para pumunta ng library dahil free time na namin.

"Hoy,miss? Ano nga kase?"ABA! Maka-'HOY' lang ha. At tinawag pa kong miss?!

"Ayos ka rin eh noh? Ikaw na nga nakikipagkilala,ang lakas mo pang maka-hoy."

"Eh ano nga kaseng pangalan mo? Ayaw mo naman kasing sabihin eh."

Inirapan ko siya at lumabas na ng room. Naisip kong sa grounds nalang ako tatambay.

"Hoy,miss ano ba kase talagang pangalan mo?"halos mapatalon ako sa gulat ko.

Ugh. Hindi ba ko titigilan neto?!

"EUMI!! Ayan. Masaya ka na ba?! Tigilan mo na nga ako!"

"Im Kenth. Nice to meet you."then he smiled. Oohh. Gwapo naman pala.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Mmm.. wala naman sigurong masama don,diba? Walang masamang maging magkaibigan kame..

"Kung sabihin ko bang hindi..titigilan mo ba ako?"tanong ko.

"Hindi."

Mmm...sandali.. Tiningnan ko siya mata sa mata. Osige. Pero paghirapan niya muna. *evil laugh*

"But..you need to prove it first,"

PretendingWhere stories live. Discover now