Chapter One

13 1 0
                                    

Eumi's POV

  "Hello,Eumi. Gusto mo bang sumabay sa library?"si Miko.

  Kasalukuyan akong nasa room at inaayos ang gamit ko para sa last subject ko. Pero umuwi daw si Mr.Lim kaya baka sumama nalang ako kay Miko sa library.

  "Sure. Ngayon na ba?"tumango naman siya. "Ah,okay. Hintayin mo nalang ako dito ilalagay ko lang yung iba kong gamit sa locker ko.

  "O,sige. Hihintayin nalang kita dito."aniya sabay ngiti. Kakaiba ngayon ang mga ngiti ni Miko ah..is there something wrong?

Nagsimula na kong maglakad. kumakantakanta pa ko para di ako masyadong matakot nang makarating na ko sa locker room.

  "Huy."

  "Aaahhhh!!! Anak nang----! A-ano ba?!"

  "Sorry."ngumiti nanaman siya. Tss.

  "Ngingiti-ngiti ka pa jan ah!"inirapan ko nalang siya at umalis na.

   Agad ko nang inilagay ang gamit ko pero may nakita akong white rose sa locker ko at may card pa.

White rose?

  Binasa ko ang laman ng card "Can we be friends?"

  Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si...ano nga ulet pangalan neto? Ahh! Kenth. Oo tama.

Lumapit ako sakanya habang hawak ko ang white rose at ang card. "Seriously?"medyo natawa pa ko dahil hindi ko akalaing se-seryosohin niya yung sinabi ko.

  "Of course,"

  Okay. Na-touched ako dun ah. Pero hindi pa pwede. *evil laugh*

  "Not yet convinced.."sabi ko at tuluyang inilagay ang gamit ko at ibinalik ang white rose na may card na galing sa lalaking ma-effort na ito. At nagsimulang lumakad.

Nang makabalik ako .

  "Bakit antagal mo ata?"tanong ni Miko nang makabalik ako sa room.

  "Ahh..wala. natagalan lang akong ilagay yung iba kong gamit."pagkasabi ko non ay nagsimula na kong lumakad papuntang library at naramdaman ko namang sumunod si Miko.

  "Ahh.."

  Nang makarating kami sa library ay agad akong naghanap ng mababasa kong libro. Ano bang maganda?

  Napatingin ako sa nahulog na libro ng isang lalaki. Medyo pamilyar ang tindig pero balak ko sanang ibalik yung nahulog niyang libro pero bigla nalang siyang nawala.

Can we be friends?

Ha? Bakit ganon mga binabasa ni kuya?

  Naisip kong ito nalang ang babasahin ko. Sa bahay nalang ako magre-review ng mga notes ko.

  "Can we be friends?"napalingon naman ako sa nagsalita. Si Miko pala. "Bakit ganyan yung binabasa mo?"nakakapagtaka bang hindi tungkol sa lessons namin ang binabasa ko ngayon?

  "Ahh..wala lang naman. Nakita ko lang na nahulog. Isasauli ko sana pero nawala na yung may ari. Naisip ko lang i-try."

  "Huy."napalingon ako sa nagsalita. At isa lang naman ang alam kong hindi mahilig tumawag sa pangalan ko. Si Kenth.

  Itinuro niya yung librong hawak ko at napatingin ako dun.

  Can we be friends?

  Binasa ko nanaman ang tittle. -__-

  "Ahh.. sayo ba 'to?"tumango naman siya. Oh. Pahiwatig ba 'to? Iniaabot ko na sakanya nang ibinalik niya ang kamay kong hawak ang libro.

  Ngumiti siya. "Convinced?"

  Natawa ako. Pero gusto ko pa nang isa. Hahaha. Aish. Bad Eumi. Pero promise. Last na 'to.

  "Slight. Konting push pa."pagkasabi ko non ay umalis na siya at nag-wave habang nakatalikod.

  "Diba siya yung bago nating classmate?"tumango ako. "N-nililigawan k-ka?"

   "HA?"medyo napatakip pa ko ng bibig sa paglakas ng boses ko. "N-naku hindi."

  Ngumiti lang si Miko. Pero this time,hindi na ngiting-ngiti gaya kanina. May nasabi ba kong mali?

  "Ah,sige Eumi. Mauna na ko. Naalala ko marami pa pala akong gagawin."ngumiti pa siya bago lumabas ng library.

  Kakaiba ang ikinikilos ngayon ni Miko. Ano kayang problema?

   Napagdesisyunan kong lumabas na rin ng library. At dadaan ng locker room para kunin yung white rose. Baka kasi mabulok dun eh sayang naman.

  "KURRUUUORUURUUK."napahawak ako sa tiyan ko. Hindi nga pala ako kumain kanina. Makapag-meryenda nga mamaya.

  Pagka-dating ko ng locker room ay agad kong kinuha ang white rose at umalis. Iniwan ko na rin yung ibang books sa locker ko at tanging isan libro lang ang dinala ko.

Mcdo..

   Ayy! Nakakainis. Ang daming tao. Napakahaba ng pila't gutom na gutom na ko. Susubukan ko sana munang humanap ng mauupuan nang may humila sakin. "H-HOOY! SINO KA BA?!"

   Lumingon siya. "Kenth nga. Kulit naman. Kenth. Kenth. Kenth. Ayan. Wag mo nang kakalimutan ah?" Ahehehe. Sorry naman.

   "Sorry naman. Eh malay ko bang ikaw ang nanghila sakin. Bigla bigla ka kasi. Di ako ready diba?"

   "Edi ulitin natin."binitawan niya ko at lumayo nang kaunti. Ano 'to? Shooting?!

  Inulit nga ni baliw. Pero bago niya ko mahawakan para mahila. "Uy,Kenth! Ikaw pala yan!"natawa naman siya sa kalokohang pinangunahan niya. "Eh bakit ba kasi nanghihila?"

  May tinuro siyang table for two na walang nakaupo pero may pagkain. Sandali,nakakabobo naman 'to.

  "Pinoy henyo naman ngayon?"tumawa siya at pinalo nang mahina ang noo ko. At sinong nagbigay ng pahintulot sa kanya para saktan ako?!?! "At sinong nagbi---Hoy! Kinakausa-"hinila niya nanaman ako at binitawan na nang makarating kami sa table.

  "Sit. " ABA!

  "Ano ko aso?!"umupo na siya.

  "Eat." Aayyy!! Sige na nga.

  Padabog halos akong umupo. Nagsimula na rin akong kumain. Pansin ko lang. Bakit parang fries at sundae lang ang kanya? At yung akin naman;spaghetti,chicken and rice,may sundae,fries,burger at may drinks. Yung totoo?

  "Wait."pasubo na sana siya ng fries pero napahinto siya nung magsalita ako. "Bakit ang dami ko atang pagkain?"

  Tumawa siya nang kaunti. "Bibitayin ka na bukas." WHAT?! ANONG KLASENG TAO SIYA?! Magsasalita na sana ako nang bawiin niya yung sinabi niya. "Kidding. Narinig ko kase yung pagwawala ng tiyan mo nang lumabas ka ng library kaya,ayan. Kulang pa ba? Sandali. Oorder pa---"pinigilan ko siya nang tumayo siya.

  "Hindi na naku. Salamat dito. Grabe naman. Eh pero..ano bang ibig sabihin neto? Bakit nilibre mo pa ko?"

  "Gusto nga kasi kitang maging kaibigan."sabi niya at bumalik sa pagkain.

  "Bakit naman?"

  "I dont know. Yun kase ang nararamdaman ko. Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng kaibigan. Pero nang magkaroon ako ng bestfriend na lalaki,nagkaroon sila ng affair ng girlfriend ko. Kaya naisip ko na baka kapag nagkaroon ako ng girl besfriend,hindi ako lokohin."

  "Grabe. Pero,bakit sakin? Bakit ako?"

  "Mukha ka kasing mabait eh.."

  Aww. Grabe. Siya palang ang nakakapagsabi niyan sakin. Harapan.

  "Talaga?"he just smile. Nahawa naman ako sa ngiti niya.

  "Okay sige. Pumapayag na ko."

  Nanlaki ang mata niya pero agad ring natauhan.

"Salamat."

PretendingWhere stories live. Discover now