Dimension 21: Blaxter and The Floating Dungeon

1.6K 68 6
                                    

Dimension 21: Blaxter and The Floating Dungeon

   Blaxter's POV
   Hiya! Guys! Wala ako masabi eh. Hahaha. Anyway hindi ko kasama si Haeral ngayon. As you know I'm berserk kaya ayaw ko magpatulong kay Haeral na maghanap ng Constellation ko. Haixt. Nakakahiya rin kasi sa kanya baka sa huli sya yung walang Constellation.
   Well nandito ako ngayon sa Dark Valley bali-balita kasi na may lumilipad daw dito na UFO hahahah. Anyare alien game ba ito. Hindi ako naniniwala na UFO yun kaya minabuti kong hanapin yun dahil baka Constellation Boss yun. Mahigit isang oras na din akong naglalakad at lahat ng madadaanan ko na mobs ay instant kill agad.
   Napatigil ako sa pag lakad dahil biglang nagliparan ang mga flying mobs galing sa mga puno. Inihanda ko ang Dual Ax ko at naghintay ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko.
   Isang napakalaking bundok na lumulutang. Mukhang ito na yung sinasabi nilang UFO. Hayy. Akala ko Boss na.
   Napansin ko na parang lalapag ito kaya hinintay ko itong makalapag. Nang lapitan ko ito nadiskubre ko na isa pala itong dungeon. Ibig sabihin may boss sa loob. Tsk. Ang swerte ko talaga. Nialapitan ko na ang pinto at may lumabas na VS.

The Floating Dungeon
Do you wish to proceed?
O   Yes     X   No  

   Pinindot ko ang yes at bumukas na ang pinto nito.

   Third Person's POV

   Pagpasok palang ni Blaxter sa loob ay ramdam niya na ang bigat ng pakiramdam sa kanyang katawan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang mlaman niya na Boss Lair na pala ito.

Attention! Boss Lair Ahead!
O   Yes

   Blaxter's POV
   Ano to? Boss lair agad. Teka! Yung mga mobs na dinaanan ko kanina hindi kaya yun yung mga mobs ng dungeon na ito? Pero bakit walang no sa choices? Aish!!! Ano ba yan! Wala nang urungan to!
   Pinindot ko na ang yes at naramdaman ko nalang na bigla akong nahulog! Waaaahhhhhh!!! Anong nangyayari?
   "Aray!" Tsk! Ang sakit ng pagkakabagsak ko. JOKE lang!
   "Rwaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!"
   "Ahhhhhhhhhh!" Nagulat naman ako doon! Walangyang halimaw to! Teka? Ito na ba ang boss??

The Floating Bone Dragon Lvl. 90
HP: 120,000/120,000
MP:200,000/200,000
Skills: Levitate
Gravity Defy
Gravitational Field


  Mukhang mahihirapan ako dito sa isang ito ah. Hindi sya makunat pero malakas ang Skills nito sigurado yan. Nagsimula na itong tumakbo papunta sakin. Isang napakatangang atake iyon dahil maari kong itapon ang axe ko sa kanya.
   Ginawa ko ito ngunit nang tatamaan na sya ng axe ko ay bigla itong nagiba ng direksyon. Yun marahil ang Gravity Defy skill nya.

   "Weapon Attract!"

   Bumalik sakin ang axe ko at sinigurado kong tatama ito sakanya bago makarating sakin ngunit bigla naman lumipad ang dragon na ito. Take note! Wala syang pakpak. Puro sya buto! Weirdo!
   Naglevitate sya. Tamang tama sa plano.

   "Berserk Thunder Judgement!"

   Isa itong magic skill na nakpag papalabas ako ng kidlat galing sa itaas at nang dahil sa skill na ito ay bumagsak ang boss.

   "Charged Attack!"

   Tumakbo ako sa boss habang nagchacharge skill ko. Ang skill ko na ito ay mas malakas kapag mas matagal ang charge. Nang tumama ito sa boss ay bumaba ang  HP nito sa 35%.
   Nang lalayo na ako sa boss napansin kong hindi ako makagalaw. Anak ng pitong kabayo! Nakalimutan ko ang AOE nya na Gravitational Field!
   Dahil sa skill nya ay napadapa ako sa sahig. Bumuka ang bibig nito at binugahan ako ng apoy. Bagsak sa 7% ang HP ko at hindi parin ako makagalaw. Tsk no choice na ako. Kailangan ko nang gamitin ang skill ko.

   "Berserk Form!"

   Nagpalit ang anyo ko dahil sa skill na ito. Para na ako ngayong demon na kulay asul. Iniincrease ng skill na ito ang STR at ATK ko ng 1000 stat points. Napuno rin ang buhay ko at unlimited ito sa loob ng 30 seconds pero babalik din sa dati kapag natapos na ang duration ng skill ko.
   Sinugod ko na ang  Boss ngunit naglevitate ito. Tsk! Pasaway itinapon ko ang axe ko papunta sa kanya ngunit nagiiba ito ng direksyon. Sinubukan ko ito ng 3 bese ngunit walang nagyayari.
   May naisip na ako. 10 sec nalang ang duration ng skill ko. Itinapon ko ang axe ko sa kanya at nagiba ito ng direksyon gaya ng inaasahan.
   7 sec. Gamit ang full STR ko tumalon ako ng mataas at ang angle ng katawan ko sa axe ko ay 180°.
   3 sec.

   "Weapon Attract!"

   Bumalik sakin ang axe ko at dahil nasakin ang atensyon ng boss hindi nito napansin ang axe at tumagos ito sa katawan nya.

   "Hay!! Sa wakas! Natapo....ano!!! May tira pa syang 3%!!!"

   Lagot wala na ang Berserk Form ko. Mukhang nagchacharge ng attack ang boss. Tsk! Ang tanga ko kasi dapat nagpatulong nalang ako kay...

   "Pentagonal Bind!"

   Huh? Hindi na kumikilos yung Boss. Naka i-stun ito! Sino may gawa nun?! S-si Haeral!

   "Haeral!! Buti dumating ka! Waaaaaahhhhhh!" Sigaw ko kay Hae
   "Manahimik ka! Yan kasi kala mo kaya mo lahat!" Sita nito sakin
   "Sorry na!"
   "Okay! Okay! Pero di pa tapos ang laban. Tirahin mo na yan!"
   "Sige! Divide!"

   Ang divide skill ko ay nagagwang hatiin ang Double Headed Ax ko sa dalawa.

   "Cross Slash!" Release ko ng skill na ikinaubos ng HP ng Boss.
   "Yehey!" Sigaw ko!

Congratulations!
You defeated the Floating Dungeon's Boss:
The Floating Bone Dragon
Gold Earned: 10,550,000
EXP Gained: 970,376
Boss Drop: Weightless Dragon's Bone (Epic Material)
New Skill Aquired: Levitate(Passive)
Gravity Defy(Active)
Gravitational Field(AOE)

   Woahhh!! Hanep ang Drops at skills.

   "Salamat talaga Hae! Kung hindi dahil sayo baka nadedo na ako." Pagpapasalamat ko kay Haeral
   "Wala yun. Basta sa susunod matuto kang kainin yang pride mo." Sermon nito sakin!
   "Salute!" Biro ko sakanaya
   "Tumigil ka nga! Ililibre mo ko sa labas ng Game. Tandaan mo yan. Tsaka ayan na yung portal mo." Turo nito sa likod ko
   "Huh? Isang Dimensional Boss yung kanina?"
   "Mukha nga!" Sabay tulak ni Hae sakin sa loob ng Portal.
_

___________________________________________________________________________

   To be continued...

Forbidden Dimensions OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon