Dimension 26: Meeting Ophiu

566 33 6
                                    

Dimension 26: Meeting Ophiu

Hachiro's POV

   Huh? 13th? Meron pang forbidden dimension? Eto ba yung sinasabi ni Kayden?

The 13th Forbidden Dimension
Do you wish to proceed?
O Yes X No

   Di ko na pinagisipan pa at pinindot ko na ang yes. Biglang nagdilim ang paligid. Wala akong makita. Naglalakad ako pero wala akong makita. Mga ilang minuto rin akong naglalakad nang may makita akong liwanag. Tumakbo ako papunta roon at nang marating ko ito di ako makapaniwala sa nakita ko. Napako ako sa kinatatayuan ko.
  Nasa loob ako ng kwarto ko...kwarto ko sa totoong mundo. At nakikita ko ang katawan ko na nakahiga at suot ang NTHGear.
  Ano to?! Anong nangyayari?

  "Isa itong halimbawa ng kung anong mangyayari kapag nagleak ang data ng FDO sa mundo nyo."

  Isang itim na ahas ang lumabas mula sa ilalim ng higaan ko.

  "Ahhhhhh!!! Nagsasalitang ahas!" Sigaw ko.

  Nilabas ko ang dalawang dagger ko. Akmang titirahin ko na ang ahas ng bigla itong nagbago ng anyo. Kamukha ko sya.

  "Hindi nadadala ang lahat sa dahas Hachiro." Sabi nito
  "Pano mo nalaman ang totoong pangalan ko?"
  "Sabihin nalang natin na ibinigay sakin ni Cardinal ang mga impormasyon tungkol sayo."
  "Huh? Si Cardinal nanaman?! Sino ba yan ha!!?" Galit na sigaw ko.
  "Makikilala mo rin sya pero hnd yan ang importante ngayon."
  "Anong mas importante ba ang sinasabi mo atsaka sino ka ba?"
  "Ako si Ophiuchus, ang ika-labing tatlong Celestial Constellation. Kailangan mo ako at kailangan kita Hachiro para mapigilan ang Evil Core ng FDO at para maligtas ang mundo nyo."
  "Eh pano kung ayaw ko? Hnd naman ako tanggap ng mga tao sa totoong mundo. Wala akong pakealam sa kung anong mangyayari sakanila!"
  "Yan ba ang talaga ang sinasabi ng puso mo Hachiro? Hindi importante kung ano ang iniisp ng ibang tao. Ang importante ay kung ano tingin sau ng mga taong pinapahalagahan mo at pinapahalagahan ka. Handa ka ba kung sakaling mapahamak ang mga kapatid mo? Si Ice? Si Zenon? Si Miyuki? Yun ba ang nais mo, Haciro?"

  Napaisip ako sa mg sinabi nya. Tama sya. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga taong mahalaga sakin. Hindi importante ang sinasabi ng iba, mas importante sina Ice, si kuya Zenon, at si Miyuki. Maging ang mga kaibigan ko. Hindi ko pwedeng talikutan to. Kung ako lamang ang maaring magligtas sa FDO ay kailangan ko itong gampanan.

  "Sige. Pumapayag na ako. Ano ang kailangan kong gawin?"
  "Tama ang desisyon mo Hachiro. Kung ano ang dapat mong gawin ay malaman mo rin."

  Bigalang nagdilim ang paligid. Isang black hole ang humihigop sakin papunta sa kung saan.

  "Ahhhhhhhhh!!!"

  Isang boses ang narinig ko mula sa kadiliman.

  "Gagabayan kita Hachiro. Ako at ang mga kaibigan mo ang magiging gabay mo."

Matapos ang ilang segundo ay nasa FDO na ulit ako.

  At isang notification ang nag pop-up sa harap ko.

Character Reset Initiating..

  Haaaaa?!!!!!! (☉。☉)!

_________________________________________
Sorry sa very late update guys! But at least it means I'm back. Gomen minna!!! ಥ_ಥ
Babawi ako.

(Actually I was expecting at least 1k of my readers to vote for me to coninue this in my last note. Kaso di man lang umabot ng 100. Sad (╥﹏╥). Pero para sa iilang mga nagsabing icontinue ko to, para sainyo to guys.)

(Continue supporting voting and please shareeeeeeee sa ibang kakilala nyo para mainspire ako gumawa.)

Labyu and thanks guys.
See ya next update!

Forbidden Dimensions OnlineWhere stories live. Discover now