Kabanata 83

51.6K 1.5K 127
                                    

Kabanata 83

That moment when you saw the person who played a big role in your life die and you just stand there like a worthless soul and a useless person.

Hindi ko man lang napigilan si Lessy. I could have persuaded her, ngunit nagdalawang-isip ako, alam ko iyon, dahil tumatak sa limang taon sa aking puso ang galit, mas nanginabaw iyon kaysa sa pagmamahal ko sa kanya.

Ngunit tila nalusaw ang lahat dahil hindi na siya humihinga, siguro saka mo na nga lang talaga makikita ang halaga ng isang tao kapag wala na sila. I could have saved her, but I restrained myself and only said words, para hindi magmukhang hindi ko siya pinigilan.

Nanatili akong nakatayo sa aking pwesto, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, I couldn't blink my eyes, tanging ang bangkay lang ni Lessana ang aking tinititigan. "Somebody, take a blanket!" Utos ni Mr. Racadio.

"Lessana, no... no!" Liham cried, rinig ang kanyang paghagulgol mula sa ibaba, tumingala ako at nakita ko siya na nagdadalamhati, he was kneeled down against the marble floor, wala sa sarili akong tumakbo papasok sa mansion.

Tumungo ako sa ikalawang palapag at pumasok sa kwarto kung saan dati kinulong si Lessana, mula sa glass door ay nakita ko si Liham doon, tila napiga ang puso ko dahil sa kanyang kalagayan. Mabilis akong lumapit, but I stopped on my tracks when I was one meter away.

Ano ang gagawin ko? I know I can't comfort him at the moment.

I can't even comfort myself.

I held my cheek and found out it's wet, wet from my own tears. Umiiyak din ako. I blinked my tears away, kailangan kong magpakatatag para kay Liham, mas lalo lang siyang maiiyak kapag makita niya akong umiiyak.

I wiped my tears away along with the shattered pieces of my broken heart.

"Liham..."

Tumataas-baba ang kanyang balikat habang nakayuko, nakatalikod siya sa akin, halata ang paghihinagpis niya. He just lost his sister. Alam kong kahit na ganoon si Lessana ay minahal pa rin niya siya, because Lessy is his sister.

Baliktarin mo man ang mundo. Ganoon din sa akin, baliktarin ko man ang mundo, minsan ko na siyang naging matalik na kaibigan.

The thought that she's gone made me feel so evil, humingi siya ng kapatawaran sa akin, hindi man lang din ako humingi ng kapatawaran. Paano kung may rason si Lessana sa kanyang ginawa? I should have never let my feelings carry me away, dapat inintindi ko siya noon.

Ngunit wala na siya. Understanding her would be useless now that she's gone, right?

Don't forget what she did just because she died.

She killed your brother.

She betrayed you.

She's your best friend and sister.

Humugot ako ng malalim na hininga, I know her death will never justify her mistakes, ngunit hindi ibig sabihin na dahil masama si Lessy ay bawal na siyang iyakan, naging mabuti rin siyang tao.

Alam ko iyon. I know Lessy was genuine with our friendship. I can feel it. I feel her warmth, her happiness, pinikit ko ang aking mga mata, agad namang naglaro sa isipan ko ang larawan ni Lessy.

Noong pinagtanggol niya ako nang inaapi ako, noong akala ko magagalit siya dahil nabuntis ako ngunit hindi, noong naging sandalan ko siya sa mga panahon na namomroblema ako.

Hindi ko matanggap.

We could have fixed everything, right?!

Liham's cry became silent, tumingin ako sa kanya, nagdalawang-isip pa akong lumapit, lumuhod ako at saka ko siya tinignan, "Liham..."

Lovely Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon