-48-

468 29 6
                                    

Wonwoo's

Kinakabahan ako. Yung puso ko lalabas na ata sa dibdib ko.

"Wonwoo,andito na tayo." sabi ni Mingyu sakin na binuksan na pala yung pinto ng kotse para sakin.

"Uwi na lang tayo ulit Mingyu. Tangina kinakabahan ako." nakayukong sabi ko. "Parang ngayon mo lang mamemeet sila mama ah?" sabi niya saka tumawa. "Ilang beses mo na silang nameet pero ngayon ka pa kakabahan?" dugtong niya.

"Yun nga yun eh. Nameet ko na sila. Alam kong ayaw ng mama mo sakin. Kaya uwi nalang tayo." yaya ko. "HINDEEEEEEE PAPASOK TAYO SA BAHAY." pagpipimilit niya. Umiling lang ako.

"Ah patigasan pala ah. Sige." rinig kong bulong niya. Lumapit siya sakin tsaka kinarga ako at nilagay sa braso niya.

"ay punyeta--- SUNOG IBABA MO AKO!" sigaw ko saka pinalo palo yung likod niya. Hindi niya ako pinakinggan tas sinara na yung pinto ng kotse at naglakad.

"KIM MINGYU!" sigaw ko ulit. "Kim Wonwoo." nakangising sabi niya habang naglalakad parin. Nilakasan ko yung palo ko sa likod niya kaya napa-aray siya.

"Buti nga sayo. IBABA MO NA KASI AKO!" naiinis na sabi ko. "Ayoko nga." sabi niya saka umiling at kumatok sa pintuan ng bahayㅡ mansion nila.

Binaba niya na ako at hinawakan ang kamay ko. "Para wala kang takas hehe." nakangiting sabi ni Mingyu. "Lul mo. Gusto mo lang hawakan kamay ko." irap ko.

"Parang ganun na nga." kinikilig na sabi niya.

May taglay na kalandian tong sunog na to. Hype talaga

Bumukas naman na yung pinto at dun ko nakita si Kim Jongsuk,ang tatay ni Mingyu. Hindi mo aakalaing tatay na siya. Mukha silang kambal ni Gyu. Kamukhang kamukha niya si Gyu. Pati kulay.

"Mingyu anak! Namiss kita!" sabi niya sabay yakap kay Mingyu na niyakap din naman siya pabalik.

"Kakakita lang natin last week Papa. Pero sige na namiss na din kita." sabi ni Mingyu saka humiwalay sa yakap ng papa niya.

"Hello po Tito." bati ko saka nagbow. "Hello din. Ang tagal na mula nung magkita tayo iho." nakangiting sabi niya.

"Papa,iha yan. Siya yung bottom eh." natatawang sabi ni Mingyu. "Ah bottom pala siya. Ganun pala." sabi ni Tito saka tumawa.

Sinamaan ko ng tingin si Mingyu saka hinampas yung braso niya. Tinawanan niya lang ako. "Osya mga anak. Pasok na kayo." yaya ni tito saka naglakad papunta sa mansion nila.

Sumunod naman kami ni Mingyu. Hindi na ako kinakabahan kasi naaliw ako sa papa ni Mingyu. Kaso bumalik din dahil nakita ko na si Kim Chaegi. Ang mama ni Mingyu.

"T-Tita. H-Hello po." kinakabahang sabi ko. Tinignan niya lang ako saka ibinalik ang tingin niya sa dyaryo na binabasa niya. Hindi man niya napansin si Mingyu.

"Chaegi. Andito anak natin o. Di mo man lang ba papansinin?" tanong ni Tito. Lumingon naman si Tita kay Mingyu. "Mingyu. Buti nakarating ka. And sinama mo pa yung.. Yang taong yan." sabi ni Tita saka tumingin sakin habang nakataas ang kilay niya.

"Mama naman." nahihiyang sabi ni Gyu dahil sa inasal ni Tita. "Magluluto lang ako." sabi ni Tita saka pumuntang kusina.

"Himala ata. Si mama magluluto." gulat na sabi ni Mingyu. "Dadating ka daw kasi kaya siya ang nagluto. Nagpaturo pa siya kay Manang kung paano magluto para lang sayo." nakangiting saad ni Tito.

"Jongsuk,Gyu. Bumili muna kayo ng starbucks." sabi ni Tita nang lumabas siya ng kusina. "Sasama po namin si Wonwoo maㅡ"

"Hindi yan sasama. Tutulungan niya akong magluto." seryosong pagputol ni Tita sa sasabihin ni Mingyu. Napatingin sakin si Mingyu na tila nagtatanong kung okay lang ba.

Wala akong magagawa kaya tumango ako at nginitian siya. "Alis na!" pasigaw na sabi ni Tita kila Tito at Mingyu. Umalis naman na sila.

"Ikaw." sabi ni Tita kaya napalingon ako sakanya. "P-Po?" kinakabahang tanong ko. "Kusina." walang emosyong sabi niya saka naglakad papuntang kusina. Sumunod naman ako.

Pagpasok ko ng kusina,nakita kong nakahanda naman na pala yung mga pagkain. Parang alam ko na kung bakit ako niyaya ni Tita dito.

;-;

"Alam niyo ng anak kong hindi ako against sa LGBT community." pagsisimula niya ng usapan. "Sadyang ayaw lang kita para kay Mingyu kaya pilit ko kayong pinaghihiwalay." mataray niyang saad.

"Nung dumating si Mina sa buhay ni Mingyu,akala ko talagang wala na kayong pagasa. Ang saya saya ko nun. Kaso nabalitaan ko nalang bigla na nagbreak na pala sila at binalikan ka ng anak ko." sabi niya. "Ano bang meron sayo na gusto ng anak ko? Na dahilan kung bakit hindi ka niya maiwan iwan?" inis na tanong niya.

"Dahil sayo,hindi na kami ganun ka-close ni Mingyu. Samantalang dati,wala na atang maghihiwalay samin ng anak ko. Kaso dumating ka. Ayoko sainyo nun. Hanggang ngayon naman. Nalaman ni Mingyu yun,at lumayo na ang loob niya sakin." mahabang sabi ni tita.

"I hate you Jeon Wonwoo. You don't deserve my son. He deserves someone better. Someone kind and responsible." sabi niya. "Hindi ikaw na walang manners,cold ang ugali at hindi man lang responsable." pagtutuloy niya. Tanggap ko naman lahat. Dati niya pa sinasabi sakin yan kaya nanahimik nalang ako. Pero yung sumunod na sinabi niya ang nagpakaba sakin.

"Gagawin ko ang lahat para lang mawala ka sa buhay namin. Sa buhay ni Mingyu." pagkatapos na pagkatapos ng sinabi niya ay biglang bumukas ang pintuan at nandun si Tito at Mingyu. Pinuntahan ni Tito si Tita at nakipagusap.

"Wonu,dun tayo sa garden." sabi niya saka hinatak ako papuntang garden at pinaupo ako sa upuan dun.

"Anong nangyari? Wala bang ginawang masama sayo si mama?" nagaalalang tanong niya saka lumuhod at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"W-Wala naman." sabi ko. "Wala? Bakit nanginginig ka?" tanong niya ulit at hinawakan ang mga kamay ko. "K-Kinabahan lang s-siguro." pagsagot ko sa tanong niya.

"Dahil ba to sa sinabi ni mama? Yung dulo lang narinig ko eh." sabi niya. Umiwas ako ng tingin kasi literal na kinabahan ako sa sinabi ng mama niya.

"I'll take that as a yes." sabi niya. "Hindi ko hahayaang sirain tayo ni mama. Babantayan kita lagi. Wag kang magalala Wonu. Hindi na ako papayag na masira pa ulit tayo." seryosong sabi niya. Tumayo siya saka hinalikan ang noo ko.

"Mahal na mahal kita Gyu." minsan lang ako maglambing kaya pagbigyan niyo na :>

"Mahal na mahal din kita Wonu." nakangiting sabi niya saka ako niyakap.

"Mahal na mahal."

×=×

¤ infires
¤ In fIRes mAn Ye a H

Broken ][ MeanieWhere stories live. Discover now