Chapter 25

334 5 0
                                    


[Albert]

Pabalik-balik ako sa sala at kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. It's past midnight pero wala pa siya.

"Kung bakit kasi inuna ko pa ang pakikipagdinner kay Ate kaysa bantayan siya." Sabi ko sa sarili.

Inaasahan ko kasing susundan niya kami pero mas nauna pa itong nagpaalam na may pupuntahan after our meeting with Mr. Altamira.

Hindi na ako mapakali. Bakit ba kasi hindi ko na i-GPS ang cellphone niya? Hindi ko tuloy alam kung saan ko siya hahanapin ngayon.

Ayoko namang abalahin iyong investigator ko para tulungan akong hanapin siya dahil dis-oras na ng gabi.

Mayamaya ay nakarinig ako ng busina ng kotse.

"Sino naman kaya ito? Sigurado akong hindi si Ate dahil naihatid ko na siya kanina sa unit niya. Wala namang kotse si Agot dito sa Cebu."

Bumaba ako para tingnan kung sino ang dumating.

Napasabunot ako sa ulo dahil sa inis ng mabungaran ko si Agot na bumaba sa kotse nito.

Okay lang naman sana. Sanay naman akong nakikita siyang nagmamaneho pero ang magmaneho ng lasing? It's a no no for me.

"Hay! Where have you been? Kanina pa kita hinihintay ah. Dis-oras na ng gabi." Tanong ko sa kanya ng magkaharap na kami.

Hindi ito sumagot bagkus ay ipinulupot ang kamay nito sa batok ko.

"Missed me, boss?" Tanong nito.

"Agot, you've been out drinking again."

"Why not? I usually do this every night." Sabi nito habang nakapulupot pa rin sa akin.

Naguluhan ako sa inaasal nito lalo na ng isandal nito ang ulo sa leeg ko at yumakap ng tuluyan ang mga braso nito sa akin.

"Agot..."

Ilang minuto rin ang lumipas na nasa ganoong sitwasyon kami. Ni hindi naman ito nagsalita ng kahit ano basta nakayakap lang siya. Kung bumaba pa ito ng kaunti sa may dibdib ko ay sigurado akong maririnig na nito ang lakas ng tibok ng puso ko.

Mayamaya ay inot-inot na umakyat ito sa hagdan patungo sa kwarto ko.

Tss! Lasing na nga. Sa kwarto ko dumiritso eh.

"Hey, Agot. I'm asking you. Saan ka na naman nanggaling?"

Tumitig lang ito sa akin bago nagsimulang maghubad.

"Whooaaahh! Agot. Hey! What are you doing?" Natataranta kong tanong. Ayaw na ayaw ko pa namang makikita siyang nakahubad.

"Undressing. Hmmm. Mukhang gusto ko yatang ikaw nalang ang gumawa. Get some pajama from my room and change my clothes." Sabi nito sabay higa sa kama.

Tss! Ginawa pa akong utusan nito.

"Haist! Kung hindi ka lang talaga lasing na babae ka."

Agad nalang akong sumunod at kumuha ng pajama sa kwarto niya.

"Isuot mo na A... Hay! Nakatulog na." Sabi ko ng makita ko siyang nahihimbing sa kama ko.

"Hay! Heto na naman tayo. Agot! Agot." Niyuyugyog ko siya para magising sana.

Mukhang mauulit na naman ang tagpo sa bahay nito noon.

"Agot! Agot! Haist!"

Wala na akong nagawa kundi maupo sa tabi niya sa kama at kumutan ito.

"Mabuti nalang you always wear dress. Hindi ka mahirap hubaran." Napapalunok na ako habang tinatanggal ang dress nito.

"More willpower please, Lord! Ayokong magkasala." Sabi ko sa sarili.

BODYGUARD IN DISGUISE -AlGot-Where stories live. Discover now