Chapter 47

359 7 0
                                    


[Agot]

Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan, hindi lang dahil sa nakita kong kalagayan ni Tomas kanina dahil pumasok itong duguan ang polo at may benda pa ang ulo niya, pero mas hindi ako napakali habang nagpepresent siya ng project proposal sa mga investors.

Alam ko kasing may kakaiba. May nagbago na. Lalo na sa mga kilos nito at galaw.

Napanganga nalang ako ng mapagtanto kong hindi na ang Tomas na nakilala kong badboy na taga-Baguio ang nasa harapan namin kundi ang magaling na businessman na si Albert Tuazon.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako ng ipakita nito ang isang kwentas. Isang big dipper na may extra na star. Tinawag pa niya itong Agot star... ang star namin.

Halos wala na akong mainitindihan sa mga nagaganap dahil sa laksa laksang emosyon at ang nakakalitong mga katanungan na tumatakbo sa isipan ko.

Buhay si Albert? Talagang buhay siya? Oo nga yata. Buhay nga yata siya.

Hindi ko alam kung paano magrereact. Basta na lamang tumutulo ang luha sa mga mata ko... luha ng kaligayahan.

"Agot? Wifey?" Tawag nito sa akin kaya agad naman akong napalapit sa kinaroroonan niya sabay yakap dito.

He kissed me passionately and hold me close as if he don't want to let go.

"I'm back, wifey. I can remember you now." Sabi nito.

"I thought you are Tomas Martinez?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Hmmm. Yes. Iyan ang dati kong pangalan bago ako inampon ng mag asawang Tuazon. Nang inampon kasi nila ako ay Albert na ang naging pangalan ko sa birth certificate. I lost my memory at ang childhood ko nalang bilang si Tomas ang naalala ko."

Now I understand. Totoo ngang buhay si Albert. Nagbalik na talaga siya. Hinawakan ko ang mukha niya. Sinisiguradong siya na nga talaga si Albert.

"Hindi talaga ako makapaniwala, hubby. After 5 long years. Matapos kong magluksa ng 5 taon sa pag aakalang namatay ka na ito at buhay na buhay ka...nahahawakan kita. I should have searched for you. I might have found you earlier than today." Sabi ko habang umiiyak.

"Shhh. What's important is buhay ako, Agot. At makakasama na kita ng habang buhay. Wala ng makakapghiwalay sa atin. Wala ng mananakit sa atin. Hmmm. Which reminds me. Nasaan na si Mariano?" Tanong nito habang palinga-linga sa paligid.

Kunot-noo ko naman siyang tinitigan. Nakapagtataka kung bakit niya hinahanap ang hinayupak niyang pinsan.

"Bakit mo siya hinahanap, hubby?"

"Siya kasi ang may pakana sa tangkang pang- aambush sa akin kanina, Agot."

Naikuyom ko ang kamao. "Ang walanghiya! Gusto ka talaga niyang mamatay, hubby. Kinain na siya ng pagkagahaman niya. Kailangan niyang magbayad. Kailangan niyang makulong."

"Agot, Albert! Si Rachel!" Sigaw ni Manuel mula sa pinto ng conference room.

Agad naman kaming napalingon ni Albert dito. Akala ko ba nagpakalayo na ang isang ito?

"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari kay Rachel?" Tanong ko kay Manuel.

"Eh tinawagan niya kasi ako. Nakalimutan niyo na daw siyang sunduin sa school. Ayon sinundo ko naman pero ng papasok na kami dito sa building ay bigla itong hinablot ni Mariano at itinakbo papuntang rooftop." Paliwanag nito.

"Tumawag ka ng pulis, dali." Utos ni Albert sa assistant namin bago tumakbo papalabas ng conference room. Agad ko naman siyang sinundan.

Naabutan ko siyang pindot ng pindot sa elevator pero hindi pa nagbubukas.

BODYGUARD IN DISGUISE -AlGot-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon