Chapter 4 - I love you

100 5 3
                                    

Naglakad lang kami ni Matthew pauwi. Katulad ng sinabi ko, Walking distance lang ang school. Tahimik lang kaming naglakad. Buti na lang tapos na ang exams

"Matthew, salamat sa paghatid ah"

"Ano ka ba, wala iyon, baka kasi ma-rape ka sa tabi-tabi"

Nakakatuwa lang talaga siya, mapagbiro, nakakapag-pagaan ng pakiramdam. Ang saya talaga mag karoon ng Bading na kaibigan, para ngang bestfriend ko na 'to eh. 

"Gusto mo pasok ka muna sa loob?" tanong ko sa kanya, nasa may gate na kami eh

"Oh sige, sabi mo eh" at ayun nga, nauna na sakin pumasok sa loob, feel at home si ateng!

"Hi tita! Dito po ulit ako makikikain, pakapalan na po ng mukha pero gutom na ako hehehe" aba, makapal nga ang mukha!

"Oh sige, tutal parang anak na din ang turing ko sayo, heto kumain ka, buti na lang at nagluto ako ng maaga-aga" sabay binigay ni mama yung Tinolang manok na niluto niya

"Wow! Tinolang manok! My favorite!" sabay agaw ko sa pwesto ni Matthew, favorite ko ang Tinolang Manok, nakakapagpagaan ng loob para sakin eh.

"May problema ba anak?" tanong ni mama na may halong lungkot

"Wala naman ma" matipid kong sagot

"You're not a good liar anak"

"Break na kasi kami" :(

"Mas mabuti yun, nanjan naman si Matthew oh!" *facepalm* ba't pa ako ipinagtutulakan dito sa bakla kong kaibigan

"Ano ba ma, bakla yan!" tumawa na rin ako, Mama talaga

"Pinapagaan ko lang loob mo nak, sabi ko sayo, darating din yan, masasaktan ka rin" tama nga si mama..

"Ano bang dahilan kung bakit kayo nagbreak?" biglang tanong sakin ni mama

"Pinagpusta lang nila ako, 10k ma"

"Kaya naman pala, hayaan mo na yun, makakarma din iyon anak, madami pa jang iba" buti pa si mama haaaaaay

----

Nasa kwarto kami ngayon ni Matthew, dito na muna daw siya mag sstay, wala naman kasing pasok bukas. Tsaka the day after tomorrow christmas party nanamin. Bukas naman bibili na kami ng Regalo para sa Monito Monita namin, buti na lang ang nabunot ko si Mary Ann. Alam ko na kung anong gusto niya. Mahilig siya sa Paris. mahilig siya mangolekta noon.

"Sa sofa ka matutulog bakla ha, ako naman sa higaan ko, madaya ka kagabi eh, dito ka natulog sa higaan ko" sabi ko sa kanya, ang tahimik niya, parang mas problemado pa siya saakin

Ang Boyfriend Kong Bading [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon